[C:24] Nightmare

5K 80 2
                                    


[C:24] Nightmare

Napakapit ako sa aking ulo at agad na napaluhod. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Simula noong makatapak ako sa JG Telecom ay hindi na ako nito nilubayan. Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako.



Tumingala ako at napuno ng takot ang aking dibdib ng makita kong nagkalat ang kulay pula sa buong paligid, may usok at may umiiyak.



"Ahhh!" Parang nabibiyak ang aking ulo. Tumayo ako at akmang tatakbo ng pagtalikod ko ay may nakita akong lalaking naka itim. May kung anong ngiti sa labi na siyang nagpa- usbong sa aking kaba.



May hawak pa itong kutsilyo at naglakad palapit sa akin. Umatras ako ng umatras.



"T-tulong" nahihirapang sigaw ko. Hindi ko alam pero para akong walang tinig sa nangyayari ngayon. Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa mahulog ako sa pool.



Gusto kong lumangoy pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.



Unti- unti ay nawawalan na ako ng hangin. Pinilit ko ang aking sarili na lumangoy ngunit kahit anong pilit ko ay wala talaga.



Hanggang sa makarinig na naman ako ng iyak.



"Mommy!" "Mommy!" Iyak iyon ng isang bata. "Uwaaa! Uwaaa!" Inilibot ko ang aking paningin at agad na naman akong namutla ng may makita akong dalawang bata. Nakatingin ito sa akin at puno ng galit ang mata nito.



Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking leeg. Nanlaki ang aking mga mata at pilit siyang nilalabanan.



"Pinatay mo kami! Pinatay mo kami!" Anito at mas sinakmal pa ako ng mahigpit.



"Tulong! T-tulong" naiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at kung mabubuhay pa ba ako.



"FUCK! Gabriella" nahigit ko ang aking hininga at napaubo.



"Are you trying to kill your self? Bigla ka nalang tumalon sa pool na iyan at hindi ka na gumalaw. Buti nalang at binalikan kita kung hindi baka namatay ka na ngayon" napahikbi ako at inilibot ang aking tingin sa paligid. Wala na iyong nakita ko kanina.



Babangon na sana ako kaya lang ay pinangko ako ni Sir Jimenez at binuhat papasok ng bahay.



"S-sir" nahihiya ko pang sabi nito.

Apprentice in Bed [Revised]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum