[C: 28] Worthwhile

5K 74 2
                                    

[C: 28] Worthwhile


Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng mangyari ang gabing iyon. Hindi na din kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil sa problema ng kanilang companya.



May nagnakaw kasi ng mga confidential files kaya agad na pinapaimbestigahan. Hanggang ngayon pa din ay hindi pa namin nakikita ang mga files na iyon.



Tinignan ko ang buong office ni Jade kung saan maraming mga papel ang nagkalat. Lahat ng impleyado ay pinaimbestigahan kaya marami ding files ang nandito. Nandito din ang mga kakilala ni Jade na siyang katulong namin sa paghahanap- I mean nila pala dahil ang trabaho ko lang dito ay sumagot ng mga tawag mula sa mga tumutulong kay Jade.



"Bro, rest na muna tayo ngayon. May mga gumagalaw naman dito kaya malamang ay kahit hindi tayo gumalaw ay mahahanap parin nila iyon. Tsaka isa pa, malamang din hinahanap na ako ng asawa ko" ani ni Freedow - wierd name pero iyon ang pakilala nila sa akin.



"Oo nga bro, date na muna kami ni girlfriend" ani naman ni Vincent. Matapos makapag- ayos ng dalawa ay umalis na ito. Binalingan ko naman si Jade at napabuntong hininga na lamang ako ng makita kong nagtratrabaho pa din siya kahit na inaantok na siya. Halos wala na din kasi kaming tulog dahil laging nakatutok ang atensyon namin sa ginagawa. Lalo na ngayon na may mga investors na gustong mag pull out ng shares ng dahil lang sa problemang ito.



"Coffee sir" sabi ko dito at inilapag ang kakatimpla ko lang na kape. Nagbuntong hininga ito at ngumiti tsaka uminom ng kape. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magpahinga na muna pero natatakot ako na baka magalit siya sa akin.



"Date tayo?" Agad akong napatingin sa kanya. Tama ba iyong nadinig ko?



"Para naman makapag- usap na din tayo" ngumiti ako at tumango. May na research din akong lugar na pwedeng pasyalan namin. It's just a common date place pero gusto kong pumunta doon. Kung hindi lang ito nangyayari sa amin malamang ay nagpaalam na ako sa kanya na pumunta doon pero dahil inaya niya akong mag date kami ay sige gora lang.



"Seaside tayo?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at pumasok na sa elevator. Magkahawak lang ang kamay namin habang hinihintay na makarating na kami sa basement kung saan doon naka park ang kanyang sasakyan.



"Wait, do you know that place?" Anito habang naglalakad na kami papuntang sasakyan niya.



"Nag research kasi ako ng pwede kong pasyalan and it caught my attention really. Nakita ko iyong sky park nila at feeling ko nakakacalm iyong lugar. May ice skating pa sila na gusto ko ding e try" mahabang palliwanag ko dito, ngumiti naman ito at nagmaneho na.



Hindi na ako nagsalita bagkus ay nagtingin- tingin ako sa paligid. Naka locate ang companya ni Jade na malapit lang sa Fuente Circle. Tapos ay sa Colon kami dumaan papuntang simbahan. Ito ata iyong sinasabi nilang Santo Nino.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now