Chapter 22

7.5K 207 4
                                    


Isang pisil sa kamay ang nagpagising sa akin. Agad kong naramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Unti unti akong nagmulat ng mata at nakita ko si Nico na nakatungo sa kamay ko.

"N-nico.."

Marahas itong nag angat ng mukha at agad rumehistro ang gulat. "A-aira.." Sinubukan kong umupo at inlalayan naman ako nito.

"Aira!"

Lumipad ang tingin ko kay Eunice na nagaalala ang mukha. "Tatawag ako ng Doctor!" At agad itong tumalima.

Naiwan kaming dalawa ni Nico at kapwa kami hindi makaapuhap ng salita.

Malalim ang mata nito at may itim sa ilalim. Halata ang pagod at stress sa mukha niya. Pumikit siya at dahan dahang yumakap sa akin sabay sumubsob sa balikat ko.

"I'm glad you're awake," seryosong sabi niya.

"Si.. Si kenjo? Nasaan siya?" Tanong ko sa nanginig na boses.

"Kenjo is in the ICU," sagot niya sa akin. "He will be okay baby."

Humalik ito sa noo ko at agad kong naisip ang baby ko. Ang baby ko!

"Nico.. Nico 'yong b-baby ko? 'yong baby natin?"

Nangilid ang luha ko ng makita ko ang unti unti nitong paglayo sa akin at pag upo sa upuan sa tabi ko. Nakayuko lang ito at marahang umiiling.

Napasinghap ako at agad tuloy tuloy tumulo ang luha ko. Natutop ko ang bibig ko at humikbi. Nasasaktan ako sa mga nangyayari sa akin.

"Damn!" pinagmamasdam ko ang pagyugyog ng balikat nito. "I'm sorry.. I'm sorry Aira.. I'm sorry baby.. Sorry."

Paulit ulit nitong paghingi ng tawad. Hinilamos nito ang dalawang kamay bago tumayo. Basa ang pisngi nito dahil sa iyak. Pumanhik ito sa bintana ng hospital room at tumingin sa labas.

Kitang kita ko ang malalalim na buntong hininga niya at muling humarap sa akin. Mapait itong ngumiti at umupo sa tabi ko.

"Nico.. Si b-baby-"

"He's gone. Wala na siya Aira. W-wala na iyong baby natin.." Putol niya sa sinabi ko. Mas lumakas ang bawat hikbi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Baby ko.. 'yong baby ko..

"I.. I'm sorry Nico.. Kasalanan ko 'to! Ang tanga tanga ko!" Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa galit. Ang tanga ko!

Lumapit siya sa akin hinawakan ang kamay ko at binaba iyon. "Shhh.. It's not your fault baby. Stop blaming yourself.."

"Hindi! Bakit nawala si baby? Bakit siya kinuha? Bakit.. Bakit ang sakit sakit.." Patuloy ako sa pagiyak. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng anak namin.

Niyakap niya ako at hinayaan ko ang sarili ko na umiyak sa balikat niya. Ang sakit na hindi mo man lang siya nahawakan. Hindi mo nakita. Hindi mo narinig ang una niyang salita.

"Sorry.." Hikbi ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at lumabas doon ang isang matandang Doctor at si Eunice.

"Kumusta ang nararamdaman mo?" Tanong ng doctor.

Sumagot ako at sinundan niya pa iyon ng ibang tanong. Lutang lang akong sinasagot siya at agad ding umalis matapos iyon.

Ang sabi ng doctor ay maaari na akong lumabas sa susunod na linggo. Tahimik lang si Nico boung araw na lumipas. Pakiramdam ko sinisisi niya ako sa pagkawala ng anak namin.

Sa ilang araw namin sa loob ng hospital ay dinalaw ako ng mga kapatid at pinsan niya. Dumating din si Dominique na umiyak pa dahil sa pag aalala. Sa mga araw na iyon ay mas lumamig ang pagtrato sa akin ni Nico na at mas nasasaktan sa pakikitungo niya.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon