Chapter 1

17.5K 510 58
                                    

YOU are fired!” Napaigtad ako sa lakas ng boses ng Boss kong kalbo.

“Pero Sir—“

“Tahimik! 'Wag kanang gumawa pa ng rason!”

“Sir Diego totoo naman po iyon e!”

“Miss Suarez! Kilala mo ba ang binangga mo?! Jusko sakit ka sa ulo.” Napahawak pa ito sa sintido na akala mo eh sumasakit talaga.

“Sir! Hindi niyo po ako p'wedeng tanggalin.”

“Kaya ko! Kaya labas! YOU’RE FIRED!!!”

Napilitan akong umalis sa loob ng opisina niya at tumungo sa table ko. Agad kong niligpit ang aking mga gamit habang nagmamaktol. “Malas! Kainis!”

Lumabas ako ng building na dala-dala ang isang maliit na kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Bakit nga ba kasi ako natanggal?

“What the hell Ms. Suarez?!”

Sigaw ng boss kong kalbo sa'kin. Tinuhod ko lang naman sa bayag iyong isang board member na nambastos sa'kin.

“Sir! Binastos niya po ako!”

Binastos? Pwede ba Miss Suarez si Mr. Galvez ay isang matinong tao!” Namumula na ang tenga ni Sir sa galit sa akin.

“Matino? Eh tinampal niya ‘yong pwet ko Sir! Tinampal!”

“Out! We will talk after ng meeting.”

“Bwisit na manyakis! Napahamak tuloy ako!”

Habang papunta sa sakayan ng mga bus ay bigla namang umulan nang malakas. Ganoon ba ako kasuwail na anak para parusahan? Basang-basa na ako pero wala akong paki alam. Tutal ang malas ko naman ngayong araw kaya ibuhos niyo na sa akin.

Sa kalagitnaan ng mala dramatic scene ko ay bigla na lang may humarurot na sasakyan na dahilan kung bakit hindi lang ako basa. Puro putik na rin! Mangiyak-ngiyak akong pinupunasan ang putik sa damit ko pero mas lalo lang dumadami.

“Nagbibiro lang naman po ako? Ba’t nagkatotoo agad?”

Dahil sa sobrang frustration ko ay umupo muna ako sa gilid ng daan at hinayaang mabasa ng ulan. Ang sarap lang kumanta ng ‘Heto ako ngayon! Nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng ulan'

“Ang malas na araw! Ano pa ba ang kamalasan ko ngayon?”

Pagkatapos magdrama ay nagpatuloy na ako sa paglalakad nang mapansin kong may sumusunod sa akin.

“Diyos ko! Ano ba naman ‘tong araw na ito? Mukhang katapusan ko na ata.” Kumakabog na ang puso ko sa sobrang kaba kaya binilisan ko ang bawat hakbang ko.

“Miss!”

“Shit!” Tumakbo na ako pero laking gulat ko nang biglang may humaklit ng aking braso.

“Tatakbo pa eh. ‘Wag ka mag alala Miss,” nakangiting asong sabi ng lalaki.

“K-kuya ano.. Ahmm.. Hoholdapin niyo p-po ba ako? K-kasi Kuya wala akong pera. Kakatanggal lang sa'kin sa t-trabaho.”

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon