Chapter 20

8.4K 266 9
                                    

"Dali na Nico!"

"A-YO-KO!"

Napanguso ako sa sagot niya. Halos isang buwan na rin simula ng nangyaring pagkidnap sa akin. Hindi na ako pinapayagan ni Nico na lumabas pag hindi siya kasama.

"Pards! Sayaw!" Natawa ako sa sigaw ni Kenjo.

Sa bahay na nakatira si Kenjo at inaalagaan ko siya ng maayos. Hindi rin namin makita sina 'tay at kuya Rodel. Malamang ay tumakas ang mga iyon. Samantalang ang lalaking kumidnap sa akin ay hindi rin makita. Ang mga tauhan ng mga Ybañez ay hindi tumitigil sa paghahanap sa baliw na iyon.

Naiiling si Nico na binuhat si Kenjo. "Pards hindi marunong si kuya sumayaw."

"Nico sayaw ka na.." Nagbeautiful eyes ako at ngumuso.

"Damn baby. You're just too cute!" Natatawa niyang sabi. "But I won't dance. No. Never."

Bumaba si Kenjo sa pagkakabuhat niya at kinuha ang tablet na nasa table. Pinindot niya iyon at pinatugtog ang Tatlong bibe.

"Nico-"

"No Aira Cyrine." Putol niya sa sinasabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tumayo. Nagmartsa ako papunta sa loob ng kwarto at nilock iyon.

"Baby open the door."

Rinig ko mula sa likod ng pinto. Nakakailang katok pa siya pero hindi ko pinansin.

"Fine. I'll dance now. Just don't get mad at me baby."

Lumiwanag ang mukha ko at agad binuksan ang pinto. Sinalubong ko siya ng yakap habang humahagikhik. Nagkamot lang ito ng batok at kinabig ako ng halik sa labi.

Inalalayan niya akong umupo sa sofa at tinawag ang kapatid ko.

"Pards sabi ng reyna natin sayaw daw tayo. Ready?" Tumango tumango naman si Kenjo na malawak ang ngiti. Pinindot niya ang tablet at agad umalingaw ngaw ang kantang Tatlong bibe.

Hindi ko mapigilang humagikhik sa sayaw ni Nico. Naka sout lang ito ng boxer short at kitang kita ko ang matitigas niyang abs na para bang niyaya akong himasin sila. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa kamanyakang tumatakbo sa isip ko.

"Quack quack quac-"

"Holy fuck?!"

Lumipad ang tingin ko sa pinto at nandoon si Keith na nakaawang ang bibig. Si Alec na pinipigil ang tawa at si Drei na nakangisi. May mga dala silang pizza at doughnuts. Madalas silang nagagawi dito dahil gusto nilang makipaglaro kay Kenjo.

Bumalik ang tingin ko kay Nico na naiwan sa ere ang nakatuping braso na parang bibeng lumilipad. Dali dali itong tumayo ng tuwid at tumikhim.

"Anong ginagawa niyo dito?" Namumulang tanong niya.

"Manonood ng damulag na bibe." Natatawang sagot ni Keith.

"Tangina mo!"

Agad kong tinakpan ang tenga ni Kenjo dahil sa uulan na naman ng mura dito.

"May gagong bibe akong nakita..." Natatawang kanta ni Alec na ginagaya ang step ni Nico.

"Tangina mo ka Alec!"

Nagtawanan lang sila at si Nico naman ay namumulang tumabi sa akin. Nakahalukipkip ito at masamang nakatingin kay Drei na palapit sa akin..

"How are you Aira?"

"She's fine Andrei." Nakaingos na sagot ni Nico.

"Pards Drei. Pizza?" Tanong ni Kenjo na nakaturo sa dala ni Drei.

"Oo pards. Para sa'yo at sa ate mong maganda." Sagot ni Drei na ikinangiti ni Kenjo.

Ang cute talaga ng kapatid ko. Nilingon ko si Nico na nakabusangot at namumula parin. Biglang pumasok sa utak ko ang itsura ng kuya niyang si Armione.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon