Chapter 8

10.1K 282 12
                                    


"Miss Suarez pinapatawag ka ni Sir Ybañez sa opisina niya."

Tinanguan ko ang sekretarya ni Nico at sumunod sa kaniya. Isang linggo rin akong nawala dahil nakafocus ako kay Kenjo. Namiss ko din ang poging 'yon.

Nang makarating kami sa opisina niya ay pinapasok na agad ako. Nang tuluyan na akong nasa loob ng opisina ay inilibot ko ang aking mga mata at mula sa banyo ng opisina ay lumabas ang lalaking miss na miss ko. Napatingin ito sa akin at agad akong nilapitan.

"I missed you baby.."

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Niyakap ko siya pabalik at isinandal ang ulo sa dibdib niya.

"Namiss din po kita.." Naginit ang pisngi ko dahil sa kilig. 'Gosh! I'm so landi!.

"Be my girlfriend Aira.."

Naitulak ko siya palayo sa akin sa sobrang gulat. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ano bang sasabihin ko? 'I do'? Ay erase erase. Girlfriend pa lang pala. Naguguluhan ang reaksiyon nito sa ginawi ko kaya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Be my girlf-"

"I do! Este- Oo pala.. Oo pwede.."

Naiiling na tumawa ito at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "You'll say that 'I do' soon baby. Pero sa ngayon let's enjoy being a couple."

Tumango lang ako pero agad ding napaisip. "Couple agad? Walang ligaw ligaw churvaness? Ano ka si Mr. Fastforward?"

"Mr fastforward?" Kumunot ang noo niya at tumawa ng bahagya.

"Ang bilis-bilis kasi ng pangyayari sa ating dalawa."

Natatawa naman itong sumagot sa akin. "Pwede kitang ligawan kahit girlfriend na kita. I just want to have the label. Para alam ko kung dapat na ba akong manapak."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi. "Sira," bahagya ko siyang tinampal ng medyo may kasamang landi. "Pero seryoso, Nico.." saad ko na napakagat-labi. "Baka kung gaano tayo kabilis naging masaya, ganoon din kabilis mawala."

Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan ako na para na naman akong yelo na natutunaw. "It doesn't matter how fast or how slow we entered our relationship. What matters is, the love between us will never fade."

"Nico.."

"God! My baby is blushing." He laughed hard.

Sinamaan ko siya ng tingin pero niyakap niya lang ako nang mahigpit at sumubsob sa leeg ko. Nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa balat ko.

"N-nico?"

"Hmmm?"

"A-anong ginagawa mo?" Nakakaramdam ako ng kiliti sa bawat pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Pucha! Ayoko dito isuko ang bataan! Sa kama dapat.. Sa kama!

"Kissing you.."

Nararamdaman ko ang init ng hininga na dumadampi sa leeg ko. Nagdadala iyon ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. Pakiramadam ko lumiit ang opisina at uminit ang temperature.

Patuloy lang si Nico sa paghalik sa aking leeg. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang pag alpas ng ungol sa aking bibig.

"N-nico.."

Umangat ang ulo niya at pumantay sa mukha ko. Gumala ang paningin nito sa aking mukha at huminto sa bahagyang nakaawang na labi ko.

"Your cheeks are red. And your lips are inviting.."

Bigla niya akong kinabig ng mapusok na halik. Naramdaman ko ang init at lambot ng labi niya. Ikinawit ko ang mga kamay ko sa batok niya at bilang ganti ay humigpit naman ang hawak niya sa bewang at batok ko.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon