Chapter 6

10.5K 357 19
                                    

NAKAUPO lang ako sa tabi ng hinihigaan ng kapatid ko. Wala parin siyang malay hanggang ngayon. Nagwala daw siya dahil hindi niya ako makita kanina. Hanggang sa tumakbo ito palabas ng bahay at nahagip ng sasakyan. Tumulo na naman ang luha ko dahil sa takot ng sinabi ng doctor tungkol sa ’Impulsive Behavior’ ng isang katulad ni Kenjo.

Nilingon ko si Nico na nakaupo din habang nakahalukipkip at mataman na nakikipagtitigan sa akin. Parang gusto kong kapain ang sarili ko, baka kasi natunaw na ako. Umalis sila nay at tay dahil kukuha daw ito ng gamit ni Kenjo.

“Are you okay?” tanong niya at tumayo.

Tumango lang ako bilang sagot. Lumapit siya sa akin kaya napatayo na rin ako. Tumayo siya sa harap ko at hinaplos ang aking pisngi. Pinahid niya rin ang ilalim ng mata ko gamit ang kaniyang hinlalaki.

“I hate it when you cry. Mas nasasaktan ako, Aira.”

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. “Your brother is one hell of boy. He’ll survive this one baby. You’re such a wonderful sister.”

Nginitian ko siya bilang ganti. Sino ba ang hindi mahuhulog sa lalaking ‘to? He’s perfect. Naputol ang usapan namin nang pumasok sa loob ng kwarto ang doctor. Kunot noo itong palipat lipat ang tingin sa akin at kay Nico. Kumalas ako ng yakap sa kaniya at tumayo ng tuwid.

“You kept your promise Lex?” anito na pinagtaka ko.

Napalingon ako sa Doctor. Namali ba ako ng rinig. Promise? Anong promise?

“What are you talking about Levi Ishmael?”

Umiling iling ito at lumapit sa’kin. “This is ridiculous!” Bigla niya na lang akong kinabig ng yakap. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat.

“Fuck!”

Sa bilis ng pangyayari, nakita ko na lang ang Doctor na nakahiga sa sahig at gulat na gulat na hawak ang pisnging sinuntok ni Nico. Nanatili lamang ang nurse na nakatayo at nanigas sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan.

“Fuck you Levi! Don’t you dare touch her! Gagong ‘to!”

“Tangina! Bakit kailangan mo manuntok? Shit! My flawless face.” Tumayo siya at humarap sa akin. Tinitigan lang ako nito.

“Quit staring Levi!” Sigaw ni Nico na agad akong hinila at itinago sa likod niya.

“You didn’t change a lot except that you’re prettier and sexier now Aira Cyrine.”

“She’s not Aira Cyrine, Levi, ” sagot ni Nico sa Doctor.

“Aira Janine.. Aira Janine Suarez ang pangalan ko.” Naguguluhan man pero mukang naipagkamali niya ako sa ibang tao.

“No. You are Aira Cyrine Buena—“

“A-ate..”

Napalingon ako sa kapatid ko na nagising na pala. Sinugod ko siya ng yakap at halik. Muling nag init ang sulok ng mata ko.

“We’ll talk later Levi,” rinig kong sabi ni Nico at lumapit sa akin. Nakatayo lang ito sa tabi ko habang ang Doctor naman ay lumapit din sa’min.

“Ahmm. So, I’m L-levi Ishmael Ybañez.” Tumingin muna siya akin umiiling-iling na nagsimulang magsalit ulit. “Isa akong psychiatrist at nandito ako to check this little buddy. I hope that you’re aware about his condition Aira Cyrine—“

“It’s Aira Janine Levi. And it’s Miss Suarez to you. Stop that first name basis pinsan," matigas na salita ni Nico sa gilid ko na nakaigting ang panga.

“Kalma pinsan! I won’t snatch your girl. I’m not into that,” natatawang sagot ni Doc Levi. “This is fucking crazy”

“K-kamusta naman po si Kenjo Doc?” Kinakabahang tanong ko. Sumiksik lang ang kapatid ko sa’kin at nanghihina.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon