Chapter 21

7.7K 220 5
                                    

“Kenjo?”

Tawag ko pagkapasok namin ni Nico sa loob ng condo unit niya. Nagmamadali akong hinanap ang kapatid ko para sabihin ang magandang balita.

“Baby baka nasa loob ng kwarto niya,” ani ni Nico na bitbit ang mga grocery na binili namin.

Iniwan namin si Kenjo dito dahil tulog pa siya kaninang umaga. Ayoko namang istorbohin dahil baka mairita lang at mag-tantrums. Kasama naman niya ang kaniyang nanny na si Poleng bago kami umalis.

Tumungo ako sa kwarto at agad itong binuksan. Katahimikan ang bumungad sa akin. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko at tumakbo papunta kay Nico.

“Bakit ka tumatakbo?” Tanong niya at agad akong hinawakan sa pisngi. Nag aalala itong tumitig sa mukha ko.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Si.. Si kenjo! Wala siya do’n sa kwarto!”

“What?!” Dinukot ni Nico ang cellphone niya at agad nag dial. “Hello?.. Where?.. Okay, stay there.”

Humarap siya sa akin at hinaplos ang balikat ko. “Calm down baby, nasa park sila. We can go there if you want.”

Umiling ako at agad ngumiti ng mapait. “Pauwiin mo na lang sila.”

Tumango si Nico at hinalikan ako sa noo. Nang matapos ito sa pagtetext ay iginiya niya ako papunta sa kwarto. Pinaupo niya ako sa kama ay nagskwat sa harap ko.

“My baby,” saad niya. Kapantay niya ang tuhod ko at ipinatong niya doon ang kaniyang baba.

“Don’t stress yourself too much.” Ngumiti si Nico sa akin habang hinahaplos ang puson ko.

"Nag-aalala lang ako," nakangusong sagot ko.

Ngumiti si Nico sa akin at nagtanong. "Excited na ako sa paglabas niya."

Hinampas ko siya sa balikat at natatawang sumagot. "Sira!"

Maya maya lang ay narinig namin ang isang matinis na sigaw.

“Ate! Pards!”

Sabay kaming tumayo ni Nico at lumabas ng kwarto. Sinalubong ako ni Kenjo ng yakap. Basang basa ito ng pawis na agad namang pinunasan ng nanny niya.

“Mam pasensiya na po. Naubusan kase ako ng load.” Hinging paumanhin niya. Ngimiti lang ako bilang ganti

“I don’t want this to happen again. Are we clear Poleng?” Maawtoridad na sabi ni Nico. Tumango lang si Poleng at tumungo sa kusina.

Nagpasya kaming manood ng tv habang naghihintay ng ginger bread na pina-bake ni Nico doon sa pastry shop. Tahimik lang akong nakasandal sa balikat ni Nico samantalang panay naman ang halik niya sa buhok ko.

“Pards, ilang pamangkin gusto mo?” Tanong ni niya sa kapatid kong nakahiga sa hita niya.

Iminuwestra nito ang tatlong daliri habang humahagikhik.

“Tatlo? Hmmm… lima kaya?” Lumipat ang tingin niya sa akin. “What do you think?”

Pinisil ko ang ilong niya na agad namang namula. “’Wag kang feelingero!”

Tumatawa lang si Kenjo habang si Nico naman ay namumula ang ilong at nakabusangot. Nasa kalagitnaan kami ng pagkukulitan ng biglang may kumatok sa pinto ng unit.

“Ako na.” Presinta niya at lumapit sa pinto. Tumingin muna ito sa peephole at binuksan.

Maya maya lang ay bumalik si Nico na may bitbit na box. Biglang akong naglaway ng maamoy ko ang aroma ng cookies. Inilapag niya iyon sa mesa at binuksan.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon