Umupo ito sa gilid ko at hinawi ang mga nakatabing kong buhok.

"Aira ko. My Queen. My baby. Pinakamamahal ko. Ayang ng buhay ko."

Naginit ang pisngi ko sa mga sinabi niya. Hinampas ko ng pabiro ang balikat niya dahil sa kilig.

"Sure man o hindi. Wala akong pake. Ang mahalaga ikaw ang magiging ina nila." Dumaosdos ang kamay nito sa puson ko.

"Salamat Nico. Salamat sa pag tupad ng pangako mo. Kahit hindi ko siya maalaala." Nahihiyang sabi ko.

Yumuko ako at nagsimulang mag init ang sulok ng mata ko. Umalpas ang hikbi sa bibig ko at umangat ang tingin kay Nico.

Malapad ang ngiti nitong hinawakan ang pisngi ko. "Bakit nakangiti ka pa diyan!" singhal ko.

"Damn hormones.." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. "I'll take care of you. Mas doble ingat tayo baby. We'll go to OB tomorrow. Okay?"

Tumango at sumandal sa dibdib niya.

---

"Congratulations! You're four weeks pregnant."

Sabay kaming napasinghap ni Nico. Hindi ako makahanap ng salita na sasabihin. Masyadong naguumapaw ang kaligayahan sa dibdib ko.

Nakamasid lang ako kay Nico na matamang nakikinig sa doctor. Tumatango tango pa ito at nagkakamot ng ulo na parang naguguluhan. Humikbi ako at agad nabaling sa akin ang pansin nila.

"Hey.. Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nagaalalang tumitig sa'kin.

"O-okay lang ako." Suminghot singhot ako.

Matapos ang mga bilin ng doctor ay lumabas na kami ng clinic niya at dire-diretsong tumungo sa sasakyan. Nakatunganga lang ako sa boung biyahe ng bigla akong makakita ng cookies na hawak ng batang nadaanan namin.

"Nico?"

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Ano 'yon baby?"

"Gusto ko ng cookies na hugis tao." Humagikhik ako at mas natakam.

"Ginger bread ba baby?" Tanong niya na naka kunot ang noo.

"Oo! Pero gusto ko rainbow! Para love wins!"

Biglang napapreno si Nico at nanlalaki ang matang tinitigan ako. "Seryoso? Love wins? Rainbow? Baby naman! Baka-"

"Ayaw mo?" Nakangusong tanong ko.

"Yes! I mean no! Hindi ano.. Bibili tayo. Oo bahala na! Basta tanggap ko. Girl boy bakla tomboy! Tangina!" Natatawang saad niya.

"Pinagsasabi mo?" Umiling ito at agad minaobra ang sasakyan na agad tumigil sa isang pastry shop.

Pumasok kami doon at tumigil sa counter.

"Do you have ginger bread here? 'Yong rainbow?"

Tanong ni Nico. Napansin ko naman ang kaherang nakatulala at marahang tumango. Mukha siyang tanga.

"I'll see you later!" Sigaw ng babae na medyo chubby. Nagpapaalam ito sa isang lalaki na halatang iritable.

"Chef Rain!"

Sigaw ng kahera. Agad namang lumapit sa kinaroroonan namin ang chubby na babae. Nakangiti at namumula ang pisngi. Binulungan ito ng kahera at dumako ang tingin sa amin.

"May rainbow ginger bread ba kayo dito?" Ulit na tanong ni Nico. Salubong na ang makapal nitong kilay dahil sa pagkairita.

"Hi! My name is Rain." Pakilala ng chubby.

"Ay! Ang bongga! Parang si Rain ng full house lang. Pak ganern!" Natatawang sagot ko.

Nginitian lang ako nung Rain. Muling nagsalita. "Wala kaming ginger bread na rainbow-"

"Then better close your pastry shop." Masungit na sagot ni Nico. Agad akong hinawakan at hinila pero hindi ako nagpatinag.

"G-gusto ko ng Rainbow Ginger bread." Malungkot kong sabi. Gusto ko talaga.

"We'll find in other pastry shop."

"Wait lang Sir!" Napalingon kami sa babaeng nagpakilalang Rain.

"What? I can't waste our time here miss whatever your name is." Nakataas ang kilay ni Nico na kausap sa babae.

"Rain po ang pangalan ko. At sir wala po kayong mahahanap na rainbow ginger bread. Pero I can bake it." Matapang nitong sabi.

Lumawak ang ngiti ko at lumapit sa babae. "Talaga?!" Lumingon ako kay Nico. "Gusto ko siya magbake."

Napipilitan si Nico na tumango. Lumapit ito sa gilid ko at hinawakan ang ulo ko sabay halik sa buhok.

"My Queen gets what she wants." Dumukot si Nico ng calling card sa wallet niya at ibinigay sa babae.

"Pakideliver dito. As soon as possible." Tumango ang babae at agad kaming nagpaalam.

Pagkasakay namin ng sasakyan ay hinawakan ko ang kwelyo ni Nico at nilapit sa mukha ko. Nanlaki ang mata niya sa gulat at iilang beses napalunok.

"Thank you Nico!" At agad ko siyang siniil ng halik.

---

Eternal Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now