Kumunot ang noo ko at nakita iyon ni Nico. "Why?" Tanong niya.

"Gusto kong makita si Armione." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"No way! Teka? Bakit mo naman agad agad naisip iyon? Baby? Ako iyong mahal mo 'diba?" Natatarantang tanong niya. Parang gusto kong matawa sa asal niya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko nitong nakaraang araw.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya at bulungan ng mga ito.

"Bobo talaga dre."

"Boplaks amputa!"

Sinamaan lang sila ng tingin ni Nico. At bumalik sa akin ang mga mata.

"Please Nico? Please. Please?" Pakiusap ko sa kaniya.

"Aira ayoko. Hindi pwede."

"Magagalit ako!" Napataas ang boses ko dahil sa pagtanggi niya.

"Damn it Aira! No! I won't let you. Akin ka lang. Bawal ka magkagusto sa iba!" Nakaigting ang panga nitong sagot sa akin.

"Ay kinain ng bobo 'to."

"Wala na dre. Nilunok narin."

Bumaling si Nico kay Keith at Alec. "Wala ba kayong bahay dalawa?!"

Umalis ako sa harap niya at padabog na pumasok ulit ng kwarto at nilock ito. Hindi niya ako sinundan? Siya pa galit ngayon? Nakakabwisit siya!

Naiiyak akong humiga sa kama. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Isang marahang halik ang gumising sa akin.

"Gabi na baby. Labas kana ng kwarto."

Tahimik akong tumayo at nilagpasan siyang tumungo sa banyo. Matapos kong mag ayos ng sarili ay agad akong lumabas sa banyo. Wala na siya sa loob ng kwarto kaya napagpasyahan kong tumungo sa kusina. Agad kong naamoy ang niluluto ni Nico.

"Nicolai. I don't know why you called me at agad pinapunta sa bahay mo but I really have to go."

"Armione palabas na iyon-"

Agad akong pumasok at humarap kay Armione. Malawak ang ngiti ko at makiramdam ko naibsan ang inis ko dahil kay Nico. Mataman itong nakatitig sa akin at nakataas ang kilay.

"What do you-"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng simulan kung sundot sundutin ang pisngi nito. Humagikhik ako at tinitigan ang noo nitong unti unting kumunot. Matalim itong tumingin kay Nico.

"Explain. Lex Nicolai." Madiing sabi niya.

"Look, I don't know why she's acting strange this past few days." Nagtaas ito ng dalawang kamay na parang sumusuko. "Tsaka ayoko siyang nagagalit sa'kin."

Hinawakan ni Armione ang kamay kong nasa mukha niya at binaba ito. Lumapit sa akin si Nico at niyakap ako mula sa likod.

"You should go for a check up tomorrow. I don't want an unhealthy niece or nephew," saad niya at tumalikod.

Naiwan akong nakanganga at kumukurap kurap. Hinarap ko si Nico na nakatulala rin.

"Nico?"

Kinakabahang tanong ko. Paano kung hindi pa siya handa? Paano kung biglang magbago ang isip niya? Paano kung-.

"Tangina! Ang bibilis ng sperm ko!"

Natatawang sabi nito at agad akong binuhat. Pinaupo niya ako sa upuan at nilagyan ng pagkain ang plato sa harap ko.

"Baby anong gusto mo? May gusto ka ba? Nasusuka ka ba? Nahihilo? Aira gusto mo ng gatas? O baka-"

"Sandali!" Tigil ko sa kaniya. "Hindi pa naman tayo sigurado Nico."

Eternal Promise [COMPLETED] Where stories live. Discover now