Epilogue

72.7K 1.6K 102
                                    


Epilogue

~

MAHIGIT na nakhawak si Roxsan sa isang bouquet ng white roses habang dumadagundong ang kaba sa kanyang dibdib. God! Eto na yun! Sa haba haba ng mga pinagdaanan nila sa buhay, sa simbahan din pala ang ending nila ni Falcon. Goodness! Hindu siya naniniwala sa fairytales o sa happily ever after NOON pero ngayon alam niya sa sarili niya na natagpuan na niya ang forever niya. Gosh! Pinipigilan niyang maiyak para hindi masira ang make up niya pero emosyonal talaga siya ngayong araw na 'to.

Today is her wedding day to her dark prince who promise to love him 'till forever ends.

Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala. Dakawang buwan lang ang ginugol nila sa preparasyon para sa kasal na ito dahil nagmamadali na talaga si Falcon. Last month nagtungo sila ng China at doon ikinasa sa Traditional Chinese Wedding. Nangako sa kanya si Falcon na papakasalan din siya sa simbahang Katokilo at iyon na nga ang mangyayari ngayon.

"Uyy! Huwag kang iiyak para ka namang virgin bride e." Saway sa kanya ni Robbie, iyong asawa ng panganay na kapatid ni Falcon.

"Robina!"

Sa loob kasi ng ilang buwang pamamalagi niya sa ETHQ, naging kasundo na niya ang mga ito doon. Iyon nga lang hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising ang Reyna. Hanggang ngayon ay comatose pa din ito.

Humagikgik naman si Robbie sa kanya. "Gosh mas masarap pakinggan iyong buong pangalan ko kapag si Jaguar ang nagsasabi. Lalo na kapag nagse-sex kami."

Namula ang mukha niya sa sinabi nito. God! Siya ang nahihiya sa mga pinagsasabi nito. Hindi pa din talaga siya sanay sa walang preno nitong bunganga.

"Asus! Namula ka pa! Para ka namang virgin dyan e. Nakakambal na nga kayo ni Falcon. Uy! Share mo naman kung anong posisyon para maging kambal iyong baby. Gusto ko din ng kambal." Umisod pa ito papalapit sa kanya. "Dali na, para ma-try namin ng asawa ko mamaya. Malay mo maging kambal pa itong nasa tyan ko."

"Robina Ayana!" Suway niya.

She and her mouth. Hindi niya talaga akalaing ganyan ang tipo ng babae ni Jaguar Chui. Kasi kung tutuosin napakaseryoso ng lalaking iyon. Buti nakakatagal pa ito kay Robbie.

Mahinang hinampas siya nito sa balikat. "Eto naman binibiro lang kita para mabawasan 'yang kaba mo. Tara na sa labas mukhang naiinip na iyong gago mong groom."

Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Roxsan. Eto na talaga. Rode to forever na sila.

Dahan dahan siyang bumaba ng bridal car. Nauna na si Robbie para sa assembly. Napangiti siya ng makita ang napakagandang simbahan ng Manila Cathedral. Dito kasi gusto ng mga magulang niya na ikasal siya. Honestly, nahirapan pa nga sila dahil walang tiwala ang mga magulang niya kay Falcon matapos ang napakatagal na panahong nawalay siya sa mga ito. But then, the twins is the reason why they agreed to this marriage. Ayaw kasi ng Daddy niya na maging isa siyang desgrasyada.

Ngumiti siya ng salubungin siya ng kanyang ama. Maayos pa din ang tindig nito kahit na puro puti na ang buhok.

"Ready?!"

She smiled. "More than ready Dad."

Niyakap naman niya ang kanyang ina na buhat buhat si Francesca habang si Leon naman ang may buhat kay Freed.

Nilingon niya muli ang kanyang ama. "Thank you for letting this happen, Daddy. Salamat at hindi na po kayo tumutol pa."

Niyakap naman siya ng kanyang ama. "If this whats make you happy."

"Thank you Dad." Hindi na niya maiwasang maluha. Nagiging emosyonal siya kasi hindi siya makapaniwala. Parang kailan lang akala niya ay hindi na niya makakasama si Falcon. Hindi na nito makikita ang kambal pero heto na siya ngayon, pakakasalan na siya ng binata.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONOn viuen les histories. Descobreix ara