Chapter 11 - Long days.. months and years

43.5K 1K 31
                                    


Chapter 11 - Long days.. Months.. And years

~

TATLONG BUWAN na naging isang taon hanggang sa manatili si Falcon sa Bangkok ng tatlong taon. Yes, three years! Nakaya niyang manirahan doon sa loob ng limang taon at hanggang ngayon ay naninirahan pa din siya sa Bangkok. Panay lang siyang dinadalaw ng mga kapatid niya na obviously ay may kanya kanya ng buhay. Sila nalang talaga ni Sean ang wala pa. Dalawa na ang pamangkin niya kay Leon, sina Zera at Lee Zendrix. May panganay naman na sina Jaguar at Robbie, si Blue Onyx at mukhang masusundan na ito kaagad dahil buntis nanaman si Robbie.

Masaya siya sa nagiging takbo ng mga torturers kahit wala siya. Gayunpaman, alam niyang nasasakal na din ang mga kapatid niya sa grupo dahil may sarili na itong mga pamilya at gusto ng pumirmi sa iisang lugar kasama ang pamilya.

Mahal na mahal nila ang Eight Evil Torturers, ang buong grupo but it wouldn't change the fact that they want to settle down with their families now. Sila nalang talaga ang hinihintay ni Sean.

Napabuntong hininga naman siya ng maalala ang babaeng iniwan niya sa ETHQ na nagkaroon ng malaking parte sa buhay niya.. Sa puso niya..

FBI Agent Roxsan Santos.

Ang buong akala niya sa loob ng tatlong buwan kaya niyang makalimutan ang lahat lalo na ang pagkawala ng magiging anak sana nila. Hindi niya pa din kayang tanggapin na dahil sa kalupitan niya, nangyari ang lahat ng iyon. And he knew, there is something inside his heart, he has this unfamiliar feelings for Roxsan but he's aware that it's not that 'love' thing. Siguro kung nanatili pa siya ng matagal sa Pinas baka mas lumalim pa ang nararamdaman niya which is not okay dahil alam naman niya kung gaano kalaki ang damage ma idinulot niya sa dalaga.

He doesn't deserve a happy ending.

Hinithit niya ang sigarilyong nakalagay sa pagitan ng kanyang mga labi at saka nagbuga ng usok. Kasalukuyan siya ngayong nasa isang bar sa Bangkok. Death anniversay kasi ngayon ng anak niya. Gusto niyang magpakalaguyo sa alak. Parang kailan lang kasi.. Hay! Putang ina!

Hindi niya maiwasang mapaisip kung kamusta na si Roxsan. Ilan lang sa mga nabalitaan niya na umalis na ang dalaga sa ETHQ. Iyon ay anim na buwan makalipas niyang umalis ng Pilipinas. Hindi pa doon natigil sa pagtanggap niya ng impormasyon sa dalaga. Kahit na narito siya sa Bangkok, may tao naman siya sa Pilipinas na laging nakabantay kay Roxsan.

Noong mga panahong umalis ito sa poder ng ETHQ, kating kati siyang umuwi ng Pilipinas para lang makita ang dalaga ngunit alam niya sa sarili niya na hindi pa ito handang makita siyang muli, na hindi pa pwede kaya naghintay pa siya.

A year later nalaman niyang naka-recover na ito sa trauma and she already dating Raven Hauxford, may ari ng isang car comlpany. Gustong gusto niyang ipapatay ang putang inang lalaking iyon dahil sa sobrang selos pero wala siyang magawa.

Inaayos niya nga ang buhay niya tapos papatay siya ng tao?! Gago talaga! Wala na siyang pag asa kung ganon.

Lalong nadurog ang puso ni Falcon ng malaman niya ding sa loob ng tatlong buwan naging magkasintahan ang dalawa. Ang sakit sakit noon sa parte niya. Fuck! Halos pati bote ng alak ay inumin niya noong mga panahon na iyon. Mabuti nalang talaga at timing na dinalaw siya ni Sean noon, kundi ay nagpakamatay na siguro siya sa sobrang sakit.

A year later pinilit niyang maka-move on dahil obvious naman na masaya na si Roxsan kay Raven Hauxford na hanggang ngayon ay gustong gusto niya pa pa ding sakalin. Wala naman siyang nagawa dahil tuloyan na talaga siyang nakalimutan ng dalaga.

Iyon naman talaga ang gusto niya. Ang makalimutan nito ang masalimuot nitong kahapon at kasama na siya doon.

And here he is, devasted, wasted and worthless. Oo! Siya na ang pinaka walang kwentang nilalang sa mundo. Lagyan mo pa ng hashtag para mas dama niya.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon