Chapter 10 - Everything is under her contr

48.3K 954 20
                                    


Chapter 10 - Everything is under her control

~

HANGGAN SAAN nga ba kayang magtiis ng isang babae?! Dapat ba sa isang storya palagi nalang sila ang dehado at walang kalaban laban. Dapat ba lagi nalang sila ang nasasaktan at uuwing luhaan?! Tapos na si Roxsan sa ganyang klaseng paghihirap. Tapos na siya sa pagiging mahina at handa na siyang harapin ang takot niya. She was really damage and that's enough. Hindi na siya makakapayag na siya pa din ang nasa ilalim hanggang sa huli. Babawi siya, igaganti niya ang lahat ng nangyari sa kanya.

Sa storya niya sisiguraduhin niyang dalawa ang magiging kataohan niya at mapapaikot niya si Falcon Chui sa kanyang mga kamay.

Hindi biro ang ilang buwang paghahanda niya. Hindi biro ang pilitin niyang kalimotan ang mga bagay na nagsilbing madilim na kahapon sa kanya. May bata na nadamay. Batang hindi wala naman sanang kasalanan sa mga nangyari sa kanya.

Hindi siya umalis sa poder ng ETHQ ngunit dumistansya siya kay Falcon Chui na naiintindihan naman ng binata dahil ito na mismo ang kusang lumalayo sa kanya.

She seldom talked, hindi rin siya nakikihalubilo sa iba unless sa Reyna ng grupo at sa anak nitong maldita kahit na ke-bata bata pa. Pinaglihi ata iyon sa kamalditahan. Lahat nalang ng panlalait ay ginawa na ng batang iyon sa kanya pero tuwang tuwa pa din siya dito. Iniisip niya, kung nasa sinapupunan pa sana niya iyong bata malamang ay si Aiszel na ang pinaglihian niya.

"Roxsan.."

Ngumiti lang siya ng tipid ng pumasok sa kanyang silid ang kapatid ng dati niyang nobyo na si Robina Ayana. Nakakatawa lang dahil napakaliit ng mundo. Hindi niya akalaing asawa ng panganay na kapatid ni Falcon ang kapatid ng lalaking hanggang ngayon ay tinitibok pa din ng puso niya.

Iyon nga lang alam niyang may bago ng nag mamay-ari sa puso ni Robin. Iyon ay ang doctorang madalas tumitingin sa kalagayan niya bagay na ikinailang na niya.

Hindi na siya kumportableng nakikita si Beatrice or mas kilala bilang Black ang official doctor ng EET. Magmula ng nalaman niyang ito ang bagong ka-relasyon ni Robin at nagbabalak na itong magpakasal. Nasakal ang puso niya. Hindi siya makatiis at parang gusto nalang niyang mawala ng parang bula si Black para sa kanya na ulit si Robin.

"Ayos ka lang ba?!" Tanong nito. "Gusto mo bang lumabas muna para malibang ka naman?! Ilang buwan ka na ding nagkukulong dito."

Umiling lang siya sa dalaga. Gustong gusto niyang magsalita ngunit masisira ang lahat ng mga plinaplano niya kapag nagkataon. Masisira ang lahat.

"Nami-miss mo na siguro ang parents mo. Gusto mo na bang umuwi sa inyo?! Kakausapin ko si Aisne."

Gusto niyang sabihing oo ngunit ayaw niyang umalis sa lugar na ito na siya ang dehado at hindi pa nakakabawi kay Falcon. Sirang sira na ang buhay niya at hindi niya hahayaang ang buhay lang niya ang masira.

Kaya niyang makipagsabayan sa laro but this time, siya na ang mananalo. Pagmumukhain niyang tanga si Falcon Chui hanggang sa pagsisihan nitong nabuhay pa ito at nakilala siya.

Hinawakan ni Robbie ang kanyang mga kamay. "Nalulungkot ako sa nangyari sayo. Mahalaga ka pa din sa akin dahil naging parte ka ng buhay ng Kuya kong pangit. Pero Roxsan sana naman huwag mong pairalin ang galit mo s puso."

Umiling lang siya at saka nahiga sa kama. Sarado ang kanyang tenga para sa mga ganyang pakiusap. Siya ang naging dehado. Hindi naman yata patas kung hahayaan niya nalang na ganoon nalang iyon.

Naramdaman niya ang paglabas nito sa kanyang silid. Doon niya inayos ang kanyang sarili. Ibnilabas niya ang kanyang cellphone at saka tinawagan si Hideo. Ang partner in crime niya sa FBI na pinsan ng boss niyang si Bobby.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now