Chapter 15 - You know how much I hate you

41.1K 999 33
                                    


Chapter 15 - You know how much I hate you

~

TINATAHAK NILA ang maulang daan patungo sa kung saan. Hindi naman magawang magtanong ni Roxsan dahil bukod sa nakagapos siya. May duck tape pa ang bibig niya. Siniguro talaga ng kampon ni Satanas na hindi siya makakatakas at hindi siya mag iingay habang nasa byahe sila. Bwesit talaga!

Pinakatitigan niya ang binata habang seryosong nagmamaneho ito. Walang nagbago sa physical features nito, mas lalo lang itong gumwapo at medyo gumanda pang lalo ang hubog ng katawan nito. Pero malaking disgusto pa din ang nararamdaman niya kay Falcon. Hindi nito mababago ang katotohanang sinira nito ang buhay niya. Ang maayos sanang buhay niya.

"Are you hungry?!" Tanong nito na para bang makakasagot siya.

Hindi niya iyon pinansin at nagkunwaring natutulog. Naiirita siya kay Falcon, naiirita siya sa boses at sa mukha nito. Sana pala ay pinagbigyan niya nalang si Raven kanina edi sana wala siya ngayon dito. Hindi naman niya matawagan si Lizana dahil naiwan niya iyong cellphone niya sa Ducatti niya.

May tracking device na nakakabit sa kanya in case na my emergency sabi ni Lizana. Nakakabit iyon sa hikaw niya pero ibang pares ng hikaw ang suot niya ngayon. Fuck talaga! Parang sinasadya ng tadhana na ma-trap siya sa lalaking ito.

"Fuck!"

Narinig niya ang malutong nitong pagmumura kaya napadilat siya ng wala sa oras. Ganoon nalang ang bilis ng tibok ng puso niya ng makita niyang may check point.

Oh my god! Buti nalang at si Duterte na ang bagong Presidente ng bansa!

Nabuhayan siya ng loob. Oh God! Hindi siya matatangay ni Falcon. Ngunit ganoon nalang kabilis ang pagbagsak ng balikat niya ng mag U-turn ang binata at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito palayo.

Nagkukuyupos siya sa galit. Halos pumutok na ang litid niya sa leeg dahil nakukulong ang kanyang mga sigaw.

"I just need to talk to you. Dadalhin muna kita sa headquarters." Mahinahong anito.

Inirapan niya ito. Naluluha siya sa sobrang inis. Pakiramdam niya kasi ay wala nanaman siyang laban tulad ng dati. Nagbago na ang lahat, matapang na siya at totoong hindi na siya natatakot kay Falcon. Gustong gusto na nga niya itong sakain at ihampas ang mukha nito sa manibela ng sasakyan pero hindi niya magawa dahil nakagapos. Tulad ng dati, nakagapos siya.

Nakarating sila sa ETHQ. Wala pa rin pinagbago ang lugar. Maliban lang sa isang malaking playground na naroon sa may hardin. Napansin niya agad iyon kahit na madilim. Masyado kasing makulay.

Bigla ay naalala niya ang panganay na anak ni Queen Aisne. Si Aiszel na naging malapit sa kanya at kahit na gaano ito ka-bitch, minahal niya ang batang iyon ngunit nakuha niyang saktan ang damdamin ng bata ng lisanin niya ang lugar na ito at saka kumampi sa kaaway ng grupo. Iniisip niya din iyong Doctor na si Black, grabe din ang sugat na ibinigay niya sa puso nito para lang masakatuparan ang mga plano niya.

She sighed. Maraming sugat na nabuo sa lugar na ito. Sugat na hindi na niya gustong balikan.

Dinala siya ni Falcon sa isang silid. Hindi sa kanya pamilyar iyon. Hindi naman ito ang silid ma pinaglagian niya noong nandito siya. The room was manly, black and white lang ang makikita mo. Panigurado siyang kwarto ito ni Falcon.

Ibinaba siya ng binata sa kama at saka tinanggal ang pagkakagapos ng kanyang paa at kamay. Hindi siya nagsasalita, hinahayaan niya lang ito.

"Why did you bring me here?!" Asik niya.

Tumayo naman ng maayos si Falcon at hinaplos ang kanyang pisngi. Gusto niyang umiwas pero hindi niya magawa, ni hindi nga niya maialis ang kanyang mga mata sa binata.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now