Chapter 22 - Over

42.6K 1K 38
                                    


Chapter 22 - Over

~

DALAWANG MABILIS na taon ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nila natutunton kung nasaan si Roxsan. Nadagdagan pa ang problema nila ng ma-aksidente ang Reyna noong nakaraan sa drag race nila. Ngayon ay comatose ito at hindi din nila alam kung sino ang may kakagawan ng break failure ng sasakyan ng Reyna.

Naging malungkot ang dalawang taong lumipas kay Falcon. Pakiramdam niya ay buhay ang pisikal niyang anyo ngunit patay na ang buong pagkataon niya. Ang puso at kaluluwa niya.

Damn! Ni wala siyang nagawa! Wala siyang naging balita kay Roxsan sa lumipas na dalawang taon. At halos mabaliw na siya kakahanap kay Roxsan at sa anak nila. For sure na nanganak na ito ngayon. Putang ina! Ang sakit sakit! Wala siya noong mga panahong kailangan siya ni Roxsan sa tabi nito. Wala siya. Napakawalang kwenta niyang tao. Tang ina talaga.

Ross once told him na baka patay na daw ang dalaga at itinago na ni Lizana sa kung saan ang bangkay nito. Hindi niya napigilan ang sariling suntokin si Ross ng mga panahon na iyon. Nag suntokan talaga sila mabuti at naawat pa sila ng mga kapatid niya.

Sinasabi ng mga ito na may punto si Ross. Dalawang taon na din kasi ang nakararaan ngunit wala pa din silang makuhang impormasyon kung nasaan sina Roxsan. Kung saan siya itinago ni Lizana. Ito lang naman ang susi para malaman nila kung nasaan si Roxsan.

Tang ina lang! Wala siyang magawa. Ni hindi niya alam kung ano ba dapat ang susunod niyang gawin dahil parang balewala na ang lahat ng mga paghahanap na ginagawa niya. Parang balewala na lahat bg effort niya at pinipilit niya nalang ang sariling lumaban dahil ayaw niyang sumuko. Hindi siya susuko dahil malakas ang pakiramdam niya na buhay pa ang babaeng mahal niya at ang anak nila.

Bumuntong hininga si Falcon ng marinig niya ang mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang silid. Obviously, si Leon iyon. Nakabalik na pati siya sa ETHQ. Nakabalik nga siya pero ang laki naman ng naging kulang sa kanya.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid. Sumunod doon ang yabag ng kanyang kapatid.

"Fal, pinapatawag tayo ni Master sa office nito. May lead na kung sino ang may gawa ng break failure sa sasakyan ng Reyna and it could be Lizana."

Nag tiim bagang siya ng marinig ang pangalan ng babaeng uisinusumpa at kinamumuhian na niya ngayon. Siya mismo ang papatay sa babaeng iyon.

Humarap na siya kay Leon. Napatingin siya sa hawak hawak ng kapatid niya. Feeding bottle siguro iyon ng dalawang taong gulang nitong anak na si Zaj, iyong sumunod kay Zendrix at sa panganay nitong si Zera. and for the records, buntis nanaman ang hipag niyang si Zia maging ang asawa ng nakatatanda nilang kapatid na si Robbie, buntis na ito sa pangalawa nitong anak kay Jaguar.

Nakakainggit, sa totoo lang. Gusto niya din maranasang maging ama ngunit ng abot kamay na niya, pinagkait pa sa kanya ng tadhana.

Hinawakan ni Leon ang kanyang braso. "Are you thinking of them again?!"

Hindi siya sumagot. Sanay na ito sa kanya dahil bumalik nanaman siya sa pagiging tahimik ng mawala ang mag ina niya sa buhay niya.

"Hindi tumitigil ang mga taohan natin kakahanap sa kanila Falcon. Gusto kong mainiwala na patay na nga si Roxsan at ang anak niyo pero hangga't naniniwala kang buhay ang mga ito, susuportahan kita but please Fal, be strong brother. Kinakabahan na kami ni Jaguar sayo."

Hindi na siya umimik pa. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na nag aalala na sa kanya ang mga kapatid niya but this is his own way to show them that he's still in pain.

Dumiretso na sila sa opisina ni Master Demon, naroon na ito at sina Caleb, Ross at Jaguar. Wala pa si Sean. Obviously, sinisisi pa din nito ang sarili dahil sa naging kapabayaan sa sasakyan bago isabak sa racing noong nakaraan.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now