Chapter 23 - Finally in his arms

49.9K 1K 33
                                    


Chapter 23 - Finally in his arms

~

PAKIRAMDAM ni Roxsan ay nahigit ang kanyang hininga ng muling masilayan ang lalaking mahal niya. Oh God! He's here. Falcon is actually here to save them. God! Miss na miss na niya ang binata kaya ng makakuha siya ng pagkakataon, tinawagan niya ito gamit ang numero ng isa sa mga taohan ni Lizana. Hindi nga siya nagkamali na ite-trace siya ng binata.

Oh God! She wanted to hug him, to kiss him and tell him how much she missed him. Eto na yun! Eto na yung matagal na niyang inaabangang mangyari sa loob ng dalawang taong lumipas.

Napayakap siya ng mahigpit sa dalawang bata sa kanyang braso bago bumaling ng tingin kay Ava na titig na titig kay Sean.

Ito ang unang pumutol ng tingin at saka binalingan siya ng tingin. Ngumiti ito ng mapait bago ito tumango ng marahan. Binibigyan siya ng senyales na sumama na sa mga torturers.

Lizana's part is not her story to tell but honestly, sa loob ng dalawang taong nakalipas hindi siya at ang mga anak niya ginawan ng masama ni Lizana. She's actually happy with twins-Freed and Francesca.

"Lizana.." she whispered.

Napansin niya ang mariing paglunok nito. "Go!"

Hindi naman na niya pinigilan pa ang sarili niya at nagmadaling lumapit sa lalaking kay tagal niyang nangulila. God! Sinalubong siya nito ng mainit na yakap.

"God! You're here. You're real." Umiiyak na sabi ni Falcon.

Maging ang mga luha niya ay nag uunahang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bumaling ng tingin si Falcon sa dalawang batang buhat buhat niya bago kinuha si Francesca sa kanya.

Hinaplos nito ang mukha ng bata. "Oh God! They grew up fast! They're twins."

Kumikislap ang mga mata nito sa sobrang saya. Maging siya naman ay hindi makapaniwalang nahanap sila ni Falcon at ng mga ka-grupo nito.

Tinawag ni Falcon ang mga taohan nito para bantayan muna sila saglit.

"We need to put an end with this. Stay behind my love." Anito at inangkin ang kanyang labi.

Bumadha naman ang pag aalala niya para kay Lizana.

Akmang pipigilan niya si Falcon ng lumapit na ito sa mga kagrupo nito at pinalibutan nila si Lizana habang nakatutok ang baril nila dito.

Bagsak na lahat ng mga taohan ni Lizana maliban nalang sa pilotong nagpapalipad ng chopper.

MAHIGPIT ang hawak ni Falcon sa baril niya. Handang handa na niyang barilin si Lizana. Wala siyang pakialam sa mga nangyayari ngayon ang importante ay mapatay na niya ang babaeng kaharap nila ngayon ora mismo. Kung kailangang makipag unahan pa siya kay Master Demon sa pagpatay sa babaeng ito gagawin niya.

"This is your end Lizana Aviona or should I say Ava Diosdado?!" Tiim bagang na ani Demon.

Nakita niyang nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Sean. Hindi niya alam kung ano iyon pero hindi na niya pinansin.

He's going to shoot her.

Malakas na tumawa si Lizana kasabay noon ang pagtulo ng luha nito. "Go on! Shoot me! Sabay sabay kayo para siguradong patay ako. I want to end this! At least makakasama ko na ang mga kapatid ko." Sigaw nito habang umiiyak.

Hinanda na niya ang hintuturo niya sa gatilyo ng baril. Titig na titig siya kay Lizana. Mamatay ka.

Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril ng tumakbo si Sean papunta kay Lizana at niyakap ito ng mahigpit.

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα