Chapter 3 - Helpless Selfless

58.2K 1.1K 85
                                    


Chapter 3 - Helpless Selfless

~

HE WAS HAVING his coffee with his older brother Jaguar Chui. They were talking about their businesses. Balak na din kasing magtayo ng nakatatanda niyang kapatid ng isang pharmaceutical. Sa nakikita niya, mukhang may balak na din mag settle down ng panganay sa kanila tulad ng sumunod dito na si Leon Chui. Tsk! Napapailing nalang siya. Relationship sucks! Kita mo, ang laki ng pinagbago ng mga kapatid niya dahil sa pagmamahal ng mga ito sa isang babae.

He will never let a woman rule his life.

He'll never be whipped because of that fuck.

Sumimsim siya ng kape at pinapakinggan lamang si Jaguar. Kanina pa ito dada ng dada tungkol sa bagong business na balak nitong ipatayo. Siya naman ay patango tango lang, kuntento na kasi siya sa underground business nila kasama ang mga torturers. Sobrang yaman na nila para magpayaman pa.

Hindi niya alam pero bigla nalang pumasok sa utak niya ang babaeng FBI Agent na kasalukuyan niyang bihag. Her moans covered his ears. Damn it! Iyong isang gabing pinagsalohan nila ay paulit ulit na nagp-play sa utak niya.

Hindi naman niya maitatanggi na napakaganda ng mukha ng dalaga. Attracted talaga siya sa mga simpleng babae pero hanggang doon nalang iyon, hindi na pwedeng lumagpas pa. Alam niyang sa atraksyon nagsisimula ang putang inang pag ibig na 'yan!

Tsk! Kung hindi lang sana pinatay ng Reyna ang unang babaeng minahal niya, siguro ay kasal na din siya ngayon tulad ng iba. But that was a fucking past now. Magalit man siya o hindi, tapos na, nangyari na ang nangyari. Alam naman niyang hindi na maibabalik iyon.

"Falcon are you even listening to me?!" His elder brother hissed.

Doon lang siya tumalima at tumingin sa kapatid. Nagpa-poker face lang siya ng batokan siya nito ng malakas. Damn! Masakit!

"Wala ka na ngang kwentang kausap dahil hindi ka marunong sumagot tapos hindi ka pa nakikinig! Fuck! Seriously?! What the hell bothering you Falcon Chui?!"

Nginisihan niya lang ang nakatatanda niyang kapatid at saka tumayo na. Walang paalam na nilisan na niya ang lugar. He'll do something important now.

Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang Reyna ng grupo. The Queen Arian Aisne Fermia-Fame looked so stunning even in her simple shirt and jeans. Napailing na lamang siya. Inaamin naman niyang nakaramdam siya ng matinding atraksyon sa Reyna noon ngunit hanggang doon nalang iyon. Hindi na iyon sumidhi pa dahil hindi niya hinayaang lumalim pa iyon.

The Queen can rule anyone but not him. He won't let it happen.

"Who's the woman in the basement Falcon?!" Tanong nito sa kanya.

He just shrugged.

Kinuwelyohan naman siya ng Reyna. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Hindi naman siya kumurap.

"I told everyone not to bring a woman in that place but you disobeyed me, Falcon! What the fuck! Sinabi ko na sa inyo, stop torturing a woman. Damn it!" She was hissing, siguro kung may dala itong baril ay kanina pa siya nito pinaputokan ng baril.

Slowly, he remove her hands in his collar. Nakipag titigan pa siya ng matagal bago ipinagpatuloy ang paglalakad. He heard her shouting his name but he choose to ignore it. Masasayang lang ang oras niya kapag kinausap niya ang Reyna. Tsk! Women!

Speaking of his prisoner. Balak niya nga pala itong puntahan ngayon. Balak nanaman niya itong pahirapan. Tsk! Hindi na nadala ang mga FBI Agents sa kanila. First, that fucking Antonio Buado who stole the black diamond from Ross, mabuti nalang at matagal ng tapos iyon but now this, tsk! He's probably gonna end this now. Pronto!

8ET: Love At First Night (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon