42 - [ Anastasia ]

4.7K 89 0
                                    

42.

Masaya kaming nakauwi ni ethan sa bahay namin.

"Oohh yan na ba ang anak niyo?" Tanong ni manang

Tumango naman ako,

"Manang, apo niyo na din po ito. Dahil kung hindi niyo ko inalagaan at pinakain nung mga panahong nasa sinapupunan ko pa si baby zeo eh baka hindi healthy si baby" sabi ko at natawa ng mahina

"Naku ang pogi pogi nam-" pinutol ko ang sasabihin ni manang

"Manang wag niyong sabihin na pati kayo sasabihin niyong kamukha niya si ethan" sabi ko na parang nag tatampo

"Hindi ah, grabe ka naman. Ang pogi pogi talaga ng anak niyo" sabi ni manang at natawa ako ng mahina

"Halikana love, pahinga ka na muna." Sabi niya at umakyat na muna kami, tumango naman si manang saakin

"Pwede bang dito na muna si baby zeo sa kwarto natin?" Tanong ko

"Sure" sabi niya at ngumiti

Humiga na muna ako sa kama pati na din si baby zeo habang natutulog.

Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Nagising akong may humahalik halik sa leeg at mukha ko.

Pagka mulat ko, si ethan pala.

"Hi" simpleng sabi niya at nginitian ko lang siya

Bigla namang umiyak si baby zeo.

Kinarga ko ito at hinele, at sinabi kay zeo na mag timpla muna ng gatas niya.

"Ilang scoops?" Tanong niya

"3 lang" sabi ko

"Hanggang saan yung tubig?" Tanong niya pa

Inabot ko yung bote ng bata at tinuro kung saan ang hanggang tubig.

"Maligamgam na tubig lang hah? Wag masyadong malamig wag ding masyadong mainit. Tama lang" sabi ko pa at tumango siya saka lumabas sa kwarto

Patuloy ko pa ding hinehele si baby zeo.

Nang tumigil siyang umiyak, inilapag ko na muna siya sa kama. Sakto naman ang pagpasok ni ethan at shinashake ang bote tsaka inabot saakin.

Nang ilalagay ko na sa mouth yung dulo ng bote umiyak siya ulit at ayaw niya nung nasa bote.

Kaya walang anu-ano tinaas ko ang tshirt ko at doon ko siya pinainom ng gatas.

"Teka, ganyan ba talaga dapat?" Tanong ni ethan at mahina akong tumawa at tumango

"Oo, ganito ang sabi ng doctor saakin. Kailangan daw ipa breastfeed ang baby muna. Pero kailangan daw minsan na ipainomin sa bote" sabi ko at tumango naman siya

Nang matapos kong mapa inom ang anak ko at nakatulog na siya ng mahimbing ay inayos ko na siya sa higaan at inayos ko na din ang sarili ko.

Nakalimutan kong kailangan ko muna pala siyang ipa-burp kaya humiga ako nang maayos at kinilubit si ethan,

"Patong mo si baby dito" sabi ko at sabay turo sa may dibdib ko, tumango naman siya saakin at ginawa ang sinabi ko

Tinaptap ko ng mahina ang likod ni baby zeo at ilang sandali lang ay narinig na namin ang malakas niyang pagburp.

Natawa kami ni ethan ng mahina.

Inayos niya na ulit si baby zeo sa pagkakahiga.

Toktok~

"Pasok" sabi ko at nag pungas pungas pa ng mata

"Hija andyan si ma'am" sabi ni manang at tumango naman ako, si ethan tulog padin

"Sinong ma'am manang?" Tanong ko at natawa siya ng mahina

"Mother mo hija" sabi niya at tumango naman ako

Iniwan ko na muna si baby zeo kay ethan, nilagyan ko ng dantay sa gilid ni baby zeo para hindi siya malaglag, at sabay lumabas sa kwarto.

"Ma?" Tawag ko

"Hija, kamusta ang apo ko?" Tanong niya

"Okay naman po. Natutulog silang mag ama eh" sabi ko

"Ahh, hihiramin ko sana sayo kaso tulog pala." Sabi niya

"Bukas ma, balik nalang kayo bukas. Pwede niyo siyang dalhin bukas sa bahay. Maglilinis din kasi ako dito sa bahay bukas eh" sabi ko

"Kung ganoon sige" sabi ni mama

"Osige yun lang bukas ah, itetext nalang kita kung anong oras" sabi ni mama at tumango naman ako

Nilapitan niya ako at bumeso tsaka yinakap at sabay umalis.

Umakyat na ulit ako sa kwarto at humiga sa tabi ng mag ama ko.

Nagising na din si ethan at habang ako ay nag scroscroll sa fb.

Nakita kong may mga posts si althea, tyrone at chloe.

Picture nila kasama ang anak ko, at pictures ng anak ko.

Nakita ko naman ang post ni ethan.

Picture namin ni baby zeo habang natutulog. At may caption na "my life. My world."

I felt butterflies in my stomach ng mabasa ko iyon at napangiti.

"You saw it" sabi ni ethan nang maibalik ko ang cellphone ko sa side table

Tumango naman ako at ngumiti sakanya

"Dumating si mommy kanina dito" sabi ko sakanya at tumingin naman siya saakin

"Bakit daw?" Tanong niya

"Well, as expected. Gusto niya sanang makasama si baby zeo ngayon kaso sabi ko you two are sleeping. Kaya sabi niya bukas nalang daw niya kukunin" sabi ko

"What did you answer?" Tanong niya

"Pumayag ako, kasi maglilinis ako dito sa bahay" sabi ko

"And mag plaplano din para sa business ko na bubuksan ko" sabi ko

Tumango naman siya at ngumiti.

Bigla nanamang umiyak si baby zeo, kaya kinarga ko siya ulit at hinele.

★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡★彡

A/n: heyhey wassup guys!

Sorry for typos and errors.

I hope you liked this chapter and if you do please vote & comment and follow me hehe *\(^o^)/*

Yun lang labyu all mwuaps!

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon