Three

11.4K 216 4
                                    

When I woke up I was at my bed. Confused, I looked around and remembered that I was doing my project and I fell asleep. I looked at the mirror and saw that its 6:30 AM and stood quickly because I was running late for my first class. I hurriedly did my routine and went to school.

Ethan's subject is our first class for today, I was never late nor absent in his class. I arrived at school by 7AM, my class will start at 7:30AM. I was almost running towards our classroom, while some students greeting me and I just smiled back at them.

Thankfully, I arrived at our classroom and Ethan was just about to come in too. I sat at my usual seat and prepare the things that I'll be using for his subject.

"Alright, class I have an announcement regarding with your projects, the due date will be changed. It will be due next week and will not be next next week." Ethan announced

"Alright, please prepare your textbooks and open them on pages 45-48 and do the exercises. You may now start." Sabi pa niya at nag simula na kaming mag sagot ng activities.

After an hour, Natapos ko din ang mga activities. Madadali lang naman ito medyo matrabaho lang gawin. When the bell rang, senyales na ito na lunch time na.

"Grabe si sir mag bigay ng activities nakaka sakit ng bunbunan" Sabi ni Athena habang nag lalakad kami papuntang canteen

"Alam mo naman yon" Sabi ko nalang at nag hanap na kami ng makakainan.

――――――――――――――――――――――――――――――――――――――――

Pauwi na ko at medyo traffic, 4:30 natapos ang last subject ko at nang matapos yon ay dumeretso na ko sa kotse para makauwi. Kaya din traffic dahil rush hour na at madaming nag sisi-uwian galing sa kanya-kanyang trabaho at eskwela. 5:00 PM nang makarating ako sa bahay.

"Where have you been?" He asked pag tungtong ko sa unang palapag ng hagdan

"School. Alam mo naman schedule ko diba?" I asked back at dumeretso na papuntang kwarto

Sumasakit na din ang ulo ko siguro dahil sa kulang sa tulog at puyat. Naligo at nag bihis na ko ng pangtulog sabay tinuloy ko nang matapos ang proyektong ibinigay ni Ethan. Matatapos ko ito bago mag 10PM.

Habang ginagawa ko ito ay may kumatok sa pintuan ko. Si Ethan pala.

"Eat first" Simpleng sabi niya at nilagay sa lamesa ang pag kain. Tumango lang ako at nag papatuloy padin sa pag pinta, malapit na din kasi ako matapos.

"Haaaay" Nasabi ko at nag unat, natapos ko na din sa wakas. Tinignan ko ang orasan at 9:30 ng gabi na pala. Napansin ko din ang pagkain na dinala ni Ethan. Adobong manok. Paborito ko ito. Natakam na din ako at narinig ko ang tyan ko na kumulo at kinain na ito.

Nang matapos akong kumain ay ibinaba ko na ito sa kusina, tulog na din sila manang at siguro pati na din si Ethan. Hinugasan at inilagay sa lalagyan ng plato at utensils ang pinag kainan ko at pinatay ang ilaw sa kusina.

Pag akyat ko sa kwarto ay napansin kong nasa balcony si Ethan kaya lumapit ako sakanya upang silipin.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sakanya at mukhang nagulat siya

"Matutulog na din" Sabi niya at bahagyang napatingin sakin sabay balik tanaw sa langit. Tumango nalang ako at aalis na sana nang magsalita pa uli siya.

"Ano ba kasi nangyari saatin" Bulong niya pero narinig ko, napakagat labi nalamang ako at tumungo na sa kwarto ko.

Kahit ako hindi ko malaman ang puno't dulo kung bakit malaki ang inis ko sakanya. Okay naman kami sa simula lalo na ang mga magulang namin.

Noong gabing iyon ay hindi ako makatulog dahil iniisip ko padin kung anong puno't dulo kung bakit ayaw na namin sa isa't isa. Siguro sinasabi din ng tadhana na kami na hanggang dulo pero hindi namin maisip kung paano kung puro inis sa isa't isa ang nararamdaman namin.

――――――――――――――――――――――――――――――――――――――――

Kinabukasan ay wala akong klase pero maaga ako nagising para jogging sa village. Nag sasapatos na ko nang makita ko si Ethan pababa mula sa kanyang kwarto. Bagong gising. Dumeretso ito sa kusina para mag kape.

Lumabas na ko ng bahay at sinimulan na ang jogging. Naka sampung laps din ako sa pag jojogging, ewan ko ba pag may iniisip o may bumabagabag sa utak ko hindi ako nakakaramdam ng pagod at hindi ko na namamalayan ang nagagawa ko.

Nang makauwi ako ay napansin kong wala na ang kotse ni Ethan sa garahe, pumasok na ito sa skwelahan. Pumasok na ako sa bahay upang maligo. Nang makaligo ako ay bumaba na ako ulit upang kumain ng umagahan.

Nakita kong may toasted bread, bacon at sunny side up egg na nakahain. Nakita ko din si manang na papalabas mula sa kusina at may dalang juice.

"Manang, kumain ho ba si Ethan ng umagahan?" Tanong ko habang kumakain

"Oo hija, pinasobrahan niya nga iyan para sayo" Sabi ni manang

"Kuha din ho kayo manang di ko naman ho ito mauubos." Sabi ko at uminom ng juice at kumuha naman si manang ng pagkain.

Nang matapos akong kumain ay nag bihis na ako ng pang alis. Balak kong pumunta isang lugar na binabalikbalikan ko.

Nang makarating ako sa lugar, naalala ko nanaman lahat ng alaala na tumatak saakin dito. Naramdaman ko nalang ang patak ng luha ko.

"Dito. Dito tayo mag kikita hanggang sa pag laki natin ha. Kung may problema tayo dito tayo dapat pupunta." Sabi ni Ethan at nakipag pinky swear

"Oo, pangako" Sabi ko at nakipag pinky swear

Ngayong malalaki na kami, ako lang ata ang tumupad sa usapang iyon. Di ko din aakalain na ikakasal kami sa isa't isa. Kung di dahil sa mga lolo't lola namin siguro ay malaya kaming dalawa sa isa't isa, ano kaya ang buhay naming kung hindi kami ikinasal?

After an hour ay napag pasya ko na din umuwi, 3PM na din at nakaramdam na din ako ng gutom. Dumaan nalang ako ng drive thru para sa bahay ko nalang kakainin.

Nang makauwi ako ay napansin kong nakaparada ang kotse ni Ethan. Ang aga naman nito umuwi. Nang makapasok ako sa loob ay nasa sala si Ethan at nag babasa lamang ng libro.

"San ka galing?" Tanong nito nang masarado ko ang pintuan

"Dyan dyan lang sa tabi tabi" Sabi ko at umakyat na patungo sa kwarto ko

Wala naman nangyari buong maghapon, nag review lang ako dahil malapit na pala ang prelims exam namin. Kinagabihan ay kinatok ako ni Ethan upang mag hapunan tumango naman ako at inayos na muna ang gamit tsaka bumaba upang kumain.

"Pasensya ka na ha" Sabi ni Ethan habang kumakain kami

"Pasensya saan?" Tanong ko

"Kung sa tingin mo ay masyado akong nangengeelam sa buhay mo. Marami akong tinatanong o lagi kong kwinekwestyon ang pag uwi mo, kung san ka galing o bat gantong oras ka na nakauwi." Sabi niya at napatingin ako sakanya, nakita kong nakatitig pala siya saakin.

"Okay lang iyon. Sanay naman na ako." Sabi ko at pinagpatuloy ang pag kain

Nang matapos na ko kumain ay umakyat na ko sa kwarto at pinag patuloy ang pag rereview. Bandang 9PM ay natapos akong mag review, nag toothbrush na ako at nag tungo sa higaan upang matulog.

――――――――――――――――――――――――――――――――――――――――

Vote, Comment & Share. Thank you :>

Twitter: @lucihditywp

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon