20 - [ Ethan/Anastasia ]

6.5K 123 0
                                    

20.

"Pero maglulunch pa tayo mam-" hindi na natapos ni althea ang sasabihin dahil nakalabas na ako ng bahay.

Hindi naman talaga ako galit sakanya, pero nabitin lang talaga ako kagabi.

Paguwi ko naman ay aamuhin ko yun.

Papunta ako ngayon sa court para maglaro ng basketball, sinabihan ko si tyrone na magkita kami sa may court namin dito sa village.

Nang makita ko siya ay agad ko siya tinawag,

"Tyrone! Pare!"

"Oy! Ano tara? Game?" Tanong niya nang makalapit siya saakin

"Game." Sagot ko at nag laro na kami.

Anastasia POV

Andito ako ngayon sa kusina kasama si manang,

Nagluluto na kami dahil anon oras na din at papunta na yung lokaret na yun.

Habang naghihiwa ako ng sibuyas hindi ko maalis sa isip ko na bakit ganoon ang pakikitungo saakin ni ethan kaninang umaga.

"Ouch!" Daing ko nang hindi ko namalayan na nahiwa na pala ako

"Nako! Anong nangyari?" Tanong ni manang

"Nako kang bata ka hindi ka nagiingat, teka kukunin ko lang ang first aid kit" dagdag pa ni manang

Hinugasan ko muna ang hiwa sa aking daliri para mawala ang dugo.

Nang makabalik si manang agad niya inilabas ang alcohol at bulak,

"Manang! Ayoko ng alcohol! Masakit yan!" Sabi ko sakanya na naiiyak

"Onti lang hija para hindi ma-impeksyon" sabi niya

At inilagyan niya na ng konting alcohol ang bulak tsaka dinampi dampi saaking mga daliri.

Pagtapos niyang dampian ng alcohol nilagyan niya ito ng betadine at nilagyan ng band-aid.

Hindi naman gaano malaki ang sugat pero nahahalata ang band-aid.

Nang matapos ni manang ang paggagamot tinuloy na namin ang pagluluto.

Siya nalang ang naghiwa at ako naman ay nagluto na.

DINGDONG DINGDONG~

Lumapit ako sa pintuan para pag bukasan an kung sino man, tapos na din kaming mag luto and 12:30 na kaya nakaramdam na din ako ng gutom.

Pagbukas ko,

"Bes!~" si athena

"Oh bes! Andito ka na pala tamang tama at tapos na akong magluto" masayang sabi ko

"Teka teka , napano yang daliri mo?" Tanong niya see sabi na eh nahahalata talaga

"Ahh...ehhh.....ano kasi... Wala ito ano kaba maliit na sugat lang ito" sabi ko sakanya

"Hmm okay lika na gutom na itong alaga ko eh magkwekwentuhan patayo" sabi niya at hinila ako papuntang dinning table

Nakaayos na din ang lamesa at tao nalang ang kulang.

Nang maka upo kami, we said our graces and started eating.

Habang kumakain kami andaming kinikwento saakin ni athena,

"Ahh bes nakita ko si ethan na nasa court ah kasama si tyrone" sabi niya nang patapos na kami sa pagkain

"Ay talaga? Sabi niya lang saakin kanina na maglalaro lang siya court pero hindi niya sinabi na pupunta pala doon si ty." Malungkot na sabi ko

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon