Five

10.6K 189 2
                                    

Nagising ako na masakit ang ulo, tinignan ang orasan at 9AM na pala, buti nalang at wala akong pasok ngayon kung hindi ay late talaga ko sa klase. Tumayo na ko mula sa kama at nag hanap ng gamot para sa hang over. Umiinom ako ng tubig nang may kumatok, si Ethan pala may dala-dalang soup.

"You were drunk last night." He said at nanlaki naman ang mata ko

"What happened last night? How did you know that I was drinking?" I asked at ibinaba ang baso sa lamesa ko

"You were knocking at my door and asking a question..." He said, trying to remember what I did last night

"Ethan!!! Buksan mo 'tong pinto!!" Sigaw ko mula sa labas

"Ethan!!!" Sigaw ko muli nang bigla niyang buksan ang pinto niya na halatang nagising

"What is your problem?" He asked and I smiled sweetly

"May itatanong ako...hehe" I said at lumapit sakanya na sobrang lapit

"Sino ba yung babaeng kasabay mo sa school?" I asked habang hinahagod ang kanyang dibdib nang bigla niya kong ilayo sakanya

"You're drunk, Althea." Sabi niya at pinipilit niya kong itayo nang maayos

"Answer my question!" I said

"I'll tell you when you're sober, alright. For now, take a rest" He said at kinagulat ko na kinarga niya ko ng pa-bridal style at idinala sa kwarto ko

"Ang daya mo Ethan..." Huling sabi ko and everything went black

Nag flashback saakin ang mga nangyari kagabi at sobrang nahihiya na ko dahil ginawa ko iyon. Sober thoughts are drunk thoughts talaga.

"I'm sorry." I said and looked at him

"To answer your question, Si Natalia iyon. Ka-trabaho ko lang at kaibigan noong college." He said and left my room

Nang makalabas siya ay naamoy ko naman ang soup na dinala niya, ang bango. Hinigop ko na ito at sobrang sarap. Nang matapos ko itong higupin ay naligo't nag bihis na ko tsaka bumaba sa kusina upang kumain ng tanghalian.

"Hi manang, ang sarap po ng soup kanina" Sabi ko nang makaupo ako sa dining table

"Huh? Anong sinasabi mong soup hija?" Takang tanong ni manang

"Yung soup po, yung inakyat ni Ethan sa kwarto?" Sabi ko pa

"Ahh hindi ako ang nag luto ng soup na iyon, si Ethan ang nag handa nun, hija" Sabi ni manang at pumasok na sa kusina upang kunin ang mga pagkain, sakto naman at bumaba si Ethan galing sa kwarto niya, bagong ligo at mukhang may lakad. Ang bango ng bebeqouh, charot joke lang. Nang makumpleto na ang pagkain na inihanda ni manang ay nag simula na kaming kumain kasabay na din namin si manang.

‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿︵‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿‿

Nang matapos kaming kumain ay iniligpit na ni manang at ako naman ay pasulyap sulyap sa lalaking busy mag ayos ng gamit pang alis. San kaya ito pupunta?

"Ethan..." Tawag ko at napatingin naman siya

"Uhh... san ka punta?" Tinanong ko

"Dyan lang." He simply answered at lumabas na ng bahay, pucha naman nag tanong pa ko oh 'dyan lang' pala ang isasagot. Hay buhay.

Dahil wala akong klase at wala din magawa sa bahay ay umakyat nalang ako sa kwarto ko at nag hanap ng gagawin. Nag linis at nag ayos ng mga gamit, nag bawas ng kalat at gamit at natulog.

Nang magising ay mag didinner na pala. Lumabas na ako ng kwarto at sinilip na muna kung dumating na ba si Ethan. Wala padin ang kotse niya.

"Hija, kain na. Nag text si Ethan at gagabihin raw siya kaya mauna na tayong kumain." Sabi ni manang at tumango naman ako at ngumiti tsaka umupo sa harap ng dining table.

Chineck ko ang phone ko habang kumakain at nakita na may story si Ethan, ayoko sanang buksan ito sa kadahilanang baka isipin niyang hinahanap ko siya pero kita sa cover ng story ay nasa isang restaurant siya at may kasama pero hindi ko makita ang kanyang kasama kaya ibinaba ko nalang ang cellphone ko at tinuloy ang pag kain.

"Asan daw po si Ethan, manang?" Tanong ko kay manang nang makasubo ako ng pagkain

"May dinner daw sila nung kaibigan niya. Hindi ko na naitanong kung sino eh" Sabi ni manang at tumango tango naman ako.

Nang matapos kaming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinag kainan at si manang naman ay inayos ang lamesa. Nag hugas na rin ako ng mga plato at iniligpit ang mga natirang pagkain.

Umakyat na muna ako sa kwarto at nag hanap ulit ng gagawin, pahinga ko din ito, nakatamad na din kasi lumabas ng bahay at mag liwaliw kung saan saan. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ko ulit kung andun pa ba ang story ni Ethan, iba naman ang cover ng story nasa isang park sila pero hindi ko padin makita ang kasama nito.

Habang nag sscroll ako sa Facebook at biglang kumulog ng malakas at napahiyaw ako sa gulat. Mukhang uulan, anong oras kaya uuwi si Ethan? Baka abutin siya ng ulan.

Maya maya ay biglang bumuhos na ang ulan, nako si Ethan. Bumaba na muna ako at kumuha ng payong at inabangan si Ethan sa labas. Halos dalawang oras na ko nag iintay pero walang kotse ang dumadating, nilalamig na din ako kaya pumasok na ako ng bahay.

Asan na kaya yung lalaking yun? Baka kung ano na nangyari dun, sana naman ay walang masamang nangyari.

1AM na nang marinig ko ang pagsara ng pinto sa tapat ng kwarto ko, hudyat na nakauwi na si Ethan. San ba kasi siya galing at sino ang kasama niya, nakaupo ako ngayon sa kama at hindi ko maiwasan mag isip. Dapat hindi ko ito iniisip, galit ako sakanya, hindi ba?

Kukuha sana ako ng maiinom na tubig nang bigla akong nahilo kaya bumagsak ako sa lapag at nandilim ang paningin.

"Althea..." Sabi bulong ng isang boses

"Are you okay?" Sabi pa nito kaya dumilat ako ng dahan dahan

"Anong nangyari?" Tanong ko, tinignan ko ang paligid at nasa kwarto ko padin ako

"You passed out, narinig ko nalang ang pag bagsak mo na kala ko ay kung ano" Sabi niya, umayos naman ako ng upo at inabutan niya ng tubig

"Over fatigue ka" He said

"Siguro nga" Sabi ko dahil naging busy din ako ng sobra netong mga nakaraang araw

"Mag pahinga ka na. Huwag ka na muna pumasok bukas, ako nalang mag sasabi sa mga professors mo" Sabi niya at lumabas na ng kwarto at sabay nito ay nakatulog na ako. 

‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿︵‿︵‿︵ʚ˚̣̣̣͙ɞ・❉・ ʚ˚̣̣̣͙ɞ‿︵‿‿


Vote, Comment, & Share. Thank you :>

Twitter: @lucihditywp

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon