22 - [ Anastasia ]

6.1K 109 2
                                    

22.

Nang matapos akong kumain at makinig sa kakadadak ni athena pumunta na kami sa next class namin.

Habang naglalakd kami sa hallway at papunta sa room may nakabunggo kay athena.

"Ikaw nanaman? Ano nanaman ba ang gusto mo?!" Nagpipigil sa galit na tanong ni athena

"Woah heyhey chill ka lang, yayayain sana kita mag dinner after ng class" sabi ni mark

Natawa naman ako dahil halata mo sa pinapakitang ugali ni athena. Bitter.

"Ahh mark? Oo sasama ito mamaya sayo tutal wala naman kami lakad eh pwede ito" sabi ko

"Yown great, so see you later" sabi ni mark tsaka umalis

"Ano kaba? Bat ka pumayag? Ayoko nga dun eh. Mas okay pa yung dating siya eh. Nerd nga siya at nobody pero mabait siya at hindi jerk." Sabi niya

"Okay na yun bes. Para makacatch up kayong dalawa" sabi ko sakanya at naglakad na ulit kami papunta sa class room.

Nang makarating kami sa classroom ay kasabay na din namin pumasok ang teacher namin, agad naman kaming umupo at nagsimula na siyang magturo.

NANG MATAPOS ang last subject ko ay agad kong tinawagan si mang rodjer para magpasundo.

May klase pa ethan kaya mauuna na ako sakanya.

Nang makarating si mang rodjer sa school sabi ko pakiintay nalang muna ako saglit dahil nagcrave ulit ako sa guyabano ice cream.

Bumalik ulit ako sa canteen para bumili ng ice cream na sana ay bukas pa.

Nang makarating ako sa loob, thank god at bukas pa. Yes

Pumunta na ako sa booth ni manang at bumili ulit.

"Manang pabili ulit ng guyabano ice cream" sabi ko kay manang

"Pero manang buong lalagyanan na po ang bibilihin ko" dagdag ko pa na ikinagulat ni manang

"502 pesos hija" sabi ni manang at kumuha ako ng six hundred

"Manang keep the change po, sige po una na ako salamat po! Bukas po ulit manang ahh" sabi ko kay manang at natuwa naman ito at tumango

Lumabas na ako ng canteen at dumiretso sa parking lot, pagkadating ko doon ay umalis na kami ni manong.

Nang makarating kami sa bahay ay inilapag ko muna ang ice cream sa lamesa at umakyat sa kwarto para magbihis ng mabilis at bumaba na.

Nang makababa ako kumuha ako ng tasa at kutsara at sinimulan lantakan ang ice cream.

Buti nalang at meron nito sa school kundi hanggang ngayon siguro nagcracrave padin ako nito.

Nang matapos ako at naubos ang isang gallon ng ice cream ay pumunta muna ako sa kwarto para maligo.

5:30 NANG makauwi si ethan sa bahay, sinalubong ko siya sa pintuan.

"Hi" bati ko at nakangiti

"Hey, sorry ngayon lang ako nakauwi, nagkaroon kasi ng meeting" sabi niya at nilapitan ako sabay halik sa noo ko

"Its okay no worries, ano yan?" Tanong ko dahil may hawak siyang paper bag

"Ice cream mo" sabi niya na natatawa at naging ganto ang mukha ko (^O^)

"Yehey! Pero alam mo ba na nakabili din ako sa school kanina hehe" sabi ko sakanya

"Meron din pala sa school" sabi niya

"Akyat muna ako sa taas maliligo lang ako" sabi ni ethan at tumango naman ako

Pumunta naman ako sa kusina at nakita kong nagluluto na pala si manang

"Manang nagluluto ka na pala, di man lang kita narinig" sabi ko sakanya

"Ay pasensya ka na hija eh kasi nagmamadali na ako dahil malapit na yung pinapanood ko" sabi niya

"Eh ano ba yung pinapanood mo manang?" Tanong ko

"Yung dolce amore grabe ang ganda na ng eksena doon eh" sabi ni manang natawa naman ako sa sinabi niya

"Sige manang ako na dyan at manood ka na doon" sabi ko sakanya

Tututol na sana siya kaso naagaw ko na yung pangsandok sakanya

At pumunta na siya sa sala at binuksan ang tv tsaka nanood.

Nakakatuwa talaga si manang.

Nang matapos ko nang lutuin ang ulam ay hinanda ko na ito sa lamesa at tinawag ko na si ethan na pababa na pala sa kwarto.

"Let's eat" masiglang sabi ko at umupo na kami

Nagdasal at kumain na kami

"Manang kain po tayo" yaya ko kay manang

"Sige mauna na kayo at tatapusin ko muna itong pinapanood ko" sabi niya without looking at us

Nagkatinginan kami ni ethan at natawa. At pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay kami na din an naghugas dahil nanonood padin si manang.

Patapos na kaming mag hugas nang may sinabi si ethan saakin,

"Punta tayo sa mama mo bukas?" Sabi ni ethan at tumango nalang ako sabay ngiti.

*\(^o^)/* *\(^o^)/* *\(^o^)/*

A/n: heyhey wassup guys!

Anotha update! Ill post 2 chapters para hindi bitin later.

And my next update is on june 1 hehe sorry pero ill do a draft.

I hope you liked this chapter and if you please vote and comment and please do follow me hehe ♪(*^^)o∀*∀o(^^*)♪

Yun lang labyu all mwuaps!

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon