30 - [ All casts ]

4.9K 91 0
                                    

30.

Nang bumaba si althea ng kotse hahabulin ko na sana siya kaso may nag text ulit,

"Its nicole hon, nakalimutan mo na ata ako" sabi sa text

"Sht sabi na nga ba" mahinang sabi ko at tumakbo na para hanapin si althea

Chineck ko sa classroom kung andoon na siya pero ang nakita ko lang ay si athena,

"Athena" tawag ko at nakita niya ako

"Oh ethan bakit? Anong nangyari sa-" di ko na siya pinatapos

"Nakita mo ba si althea?" Tanong ko ay nagulat siya

"Huh? Bakit? Anong nangyari? Ano nanaman ba ginawa mo? Hah?" Nagpipigil sa galit na sabi niya

"Basta mamaya ko na ieexplain, tulungan mo muna akong hanapin siya" sabi ko

"Sino hahanapin?" Tanong ng kung sino man sa likod ko pagkaharap ko si tyrone pala kasama si chloe

"Sino hahanapin?" Tanong niya ulit sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni athena

"Si anastasia nawawala" sabi niya

"What? Hanapin na natin, ang laki masyado nitong school" sabi ni chloe at nag split kami

Si chloe sa east si tyrone sa west ako sa north si athena sa south.

Asan ka na ba althea.

Athena POV

My gosh althea sagutin mo ang phone,

Naglalakad ako sa hallway nang may marinig akong umiiyak sa banyo,

"Althea?" Tawag ko

"Athena?" Sabi nito

"My god althea kala ko kung asan ka na" sabi ko

"Tulungan mo ko may-may dugo" sabi niya at tumakbo ako papalapit sakanya

"Halika na dadalhin kita sa doctor" sabi ko

"Makakalakad ka ba?" Tanong ko at umiling lang siya

"Teka tatawag ako ng tulong" sabi ko at lumabas muna

"Tulong! Tulungan niyo ko!" Sigaw ko at nakita ko na sila ty, chloe at ethan ay papalapit

"Anong nangyare?!" Tanong nilang tatlo

"Si althea. Nag dudugo" sabi ko at pumasok kami

Nakita kong kinarga ni ethan si althea, at patuloy padin si althea sa pag iyak.

"Tahan na althea pupunta na tayo sa hospital" sabi ko

"Sumunod nalang kayo doon, dalhin natin siya sa pinakamalapit na hospital" sabi ko sa dalawa at tumango naman sila

Sumakay na kami sa kotse nila althea.

My gosh althea kayanin mo yan.

Tyrone POV

Papunta na kami sa hospital na pinakamalapit sabi nga ni athena.

Kailangan makapag explain si ethan neto.

Kundi malalagot siya.

Nagpaubaya na ako sana wag niya nang sayangin pa.

Nang makaparada ako ay agad kaming pumunta sa information desk ng hospital.

"Nurse asan po yung babaeng buntis at may kasamang lalaki at babae?" Tanong ko

"Nasa emergency room po yung patiente" sabi niya at tumango naman kami

Dumiretso naman kami sa emergency room at nakita namin ang dalawa na nag iintay sa labas.

Nang makalapit kami sinuntok ko si ethan sa mukha,

"Pare! Anong ginawa mo kay althea?! Hah?! Nag paubaya na ako diba? Tapos malalaman ko sasaktan mo lang pala siya" sabi ko

"Tama na. Tama na. Okay, walang may kasalanan, hindi kasalanan ni ethan o ni althea" sabi ni athena

"Huh?" Tanong namin

"May nag text kay ethan kanina at yun yung kaibigan niya. Si nicole, na nagkakagusto kay ethan dati pa nung mga 18 palang sila. Nag selos si althea at sinigawan si ethan sa kotse sabay takbo papuntang cr at doon na dinugo" sabi ni athena

"Ayusin mo yan pare, pag yan nawala pa sayo ang laki mong tanga! Andyan na siya para sayo tapos sasayangin mo lang pala!" Sabi ko at umalis na

Nakasunod naman saakin si chloe at hinila ako,

"Teka nga! May hindi ba ako nalalaman? Naguguluhan ako eh bat ganon ka kay althea?" Tanong niya

"*sigh* nagkagusto ako sakanya. Pero ngayon hindi na dahil nakilala kita" sabi ko sakanya

Niyakap ko siya at yinakap ako pabalik.

Hay althea, pagaling ka, pakatatag ka para sa anak mo.

Chloe POV

Bumalik na kami sa hallway kung saan andoon ang dalawa, nagusap muna si ethan at ty nang maayos at nang matapos sila ay umupo muna kami.

"Sino po ang kamag anak ng pasyente?" Tanong ng doctor

"Ako ho doc, ako ho ang asawa niya" sabi ni ethan

"Okay na ang mag ina mo, nasa mabuting kalagayan na silang dalawa. Ipaiwas napang natin ang pasyente sa stress at pagod. Kailangan din natin siya masalinan ng dugo dahil madaming nawalang dugo sakanya at kailangn iyon ng baby, sino ba ang type AB sainyo?" Tanong ni doc

"Ako ho doc" sabi ni athena

"Halika na ms" sabi ng doctor

Sumunod naman si athena sa doctor,

Nag intay ulit kami ng ilang oras at bumalik na ang doctor.

"Success ang pagsalin ng dugo sa asawa mo hijo, natransfer na namin siya sa private room, sa room 405. Pwede ninyo na siyang makita" sabi ni doc

At pumunta na kami sa kwarto.

*\(^o^)/* *\(^o^)/* *\(^o^)/*

A/n: heyhey wassup guys!

Next update is tomorrow hehe

I hope you liked this chapter and if you do please do vote&comment and follow me here ♪(*^^)o∀*∀o(^^*)♪

Yun lang labyu all mwuaps!

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon