27 - [ Anastasia/Ethan ]

5.3K 127 2
                                    

27.

Aishh naiinis talaga ako!

Kase pano ba naman kanina pa dikit ng dikit itong teacher ko sa asawa ko.

"Huy bes okay ka lang ba? Lika ka na. Wala daw si prof sa last subject, uwi na tayo." Sabi niya

"Tara" sabi ko at lumabas na kami sa canteen

Kanina pa kam andoon at nag kwekwentuhan lang kami at ako humahaba na ang leeg ko kakatingin sa asawa ko. (-_-)

Nang maka labas ako nakita ko si manong na andoon na.

"Manong tara na" sabi ko

"Uhh ehh ma'am si sir ethan po?" Tanong ni kuya

"Wala kuya di sasabay yun pakibalikan nalang siya mamaya kung tumawag sayo. Tara na kuya? Pagod na po ako eh" sabi ko kay manong at tumango naman siya tsaka kami sumakay sa kotse

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto para maligo at matulog.

Nang matapos akong maligo't magbihis ay agad akong humiga sa kama at ipinikit ang mata ko.

ZzZzzzzz....

Ringggggg~

Kinuha ko ang phone kong nag riring bad trip naman eh natutulog na ako (-_-)

"Hello?!" Sabi ko sa telepono

("Hey are you alright?") tanong ni ethan

Si ethan pala toh

"Yeah, im tired let me sleep" sabi ko

("Teka bat-") di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil naibaba niya ko na

Bahala siya, entertainin niya muna si Ms. Nora (-_-)

Binalik ko na ang phone ko at natulog na.

Nang magising ako naramdaman kong may mabigat na kamay na nakayakap saakin, pagtingin ko si ethan lang pala.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya kaso humihigpit ito.

Gising ba itong lalaking toh?

Unulit ko ulit hanggang sa makaalis ako sakanya.

Bumaba muna ako para gumawa ng dinner dahil nakaramdam na din ako ng gutom.

Nagluto nalang ako kung anong meron sa stocks.

After kong magluto naghain na din ako, pero para sa sarili ko lang.

Nagdasal at nagsimula na akong kumain.

Nang matapos akong kumain hinugasan ko na ito at umakyat sa kwarto.

Tutal 6:57 palang naman ay nagpalit na muna ako ng pantulog at nagpunta muna sa study table.

Kunwari lang busy ako dahil iniiwasan ko talaga si ethan.

Ayoko muna siyang kausapin. Oo alam kong sarado ang isip ko ngayon at ayokong pakinggan muna ang sasabihin ni ethan. Yung explain ba niya.

Naghanap ako ng mapapaglibangan, chineck ko ang fb at lahat ng social media accounts ko pero ganon padin.

Nang magsawa ako, nilibot ko muna ang bahay.

Binuksan ko ang isang kwarto na katabi lang ng kwarto ko.

Simpleng kwarto lang ito, hindi masyadong magara.

Pumasok ako at sinarado ang pinto tsaka umupo sa kama.

Kumpleto na ang mga gamit dito sa kwartong ito.

Secretly Married to My Professor (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon