“Anong sabi mo...?” at lumabas na ang mga luha sa mata ni Lisa, “...hindi pwede! Lily!!!! Lily!!!!! Hindi pwede....” gustong puntahan ni Lisa ang bangkay kung si Lily nga yun pero pinigilan siya ni Shanon, “...huhuhuhu...”
May isang lalaki ang lumapit sa kanilang dalawa, si Zac, ang lalaki na lumapit din sa kanila sa ospital. “Gusto ko kayong tulungan...”
----------
Patuloy ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa loob ng bahay ni Lily. Ang mga magulang naman ni Lily ay kapwa magkayakap sa isa’t-isa at hindi makapaniwala sa nangyari. Marami pa rin ang taong nakiki-osyoso.
“Anong ibig mong sabihin?” ito ang tanong ni Shanon kay Zac.
“Si Emily hindi ba? Siya ang may gawa nito... Naniniwala ako sa inyo, I’ve been through these ghosts things these past few days and believe me, it’s crazy. Gusto ko kayong tulungan.”
“Hindi mo kami tutulungan kasi hindi namin kailangan ng tulong. There’s no ghost. There’s no such thing as Emily, the DeadGurl, is alive.” Ang matapang na sabi ni Shanon, “...namatay si Carol because she drowned herself to the pool. Si Lily naman... I don’t know, nagpakamatay kasi nababaliw na siya...”
“Shanon! Ano bang pinagsasabi mo?” hindi nagustuhan ni Lisa ang mga sinasabi ng kaibigan, “...hindi lang basta-basta nalunod sa pool si Carol. At mas lalong hindi nagpakamatay si Lily.”
“So what?! Maniniwala ka na ngayon sa lalaking ito? You don’t know him. Remember, hindi mo rin kilala si Emily pero pinapasok mo siya sa buhay mo, and look where are we now.”
“Hindi lang ako ang may kasalanan! Shanon, nagpromise ka sa kanya. A promise of a friend, na pinaniwalaan niya at pinanindigan... Humingi siya ng tulong pero wala ka... Hindi lang ikaw... Lahat tayo...” at muli ay umiyak si Lisa, “...kaya niya tayo iniisa-isa ngayon...”
“I don’t believe you people...” at umalis si Shanon.
----------
“Mister... Paano mo kami matutulungan?” ang biglang tanong ni Lisa nang wala na si Shanon.
“Umm... I was trying to find out kung sino ang killer ng TresMaria’s Massacre. Kung mahahanap natin siya, matatahimik ang mga kaluluwang namatay sa naturang massacre, including Emily’s soul...”
----------
Kakaunti na lang ang taong pumupunta sa San Sebastian Grillhouse isang gabi habang mag-isang nag-aasikaso doon si Lisa. Pumatak ang alas-dies sa orasan and she decided to close.
“Lisa, mauna na ako...” ang paalam ni Ricardo, ang nag-iisang janitor ng grillhouse na naging kasa-kasama ni Lisa nung gabing iyun.
“Sige po. Mag-iingat po kayo.” Ngayon ay mag-isa na lamang si Lisa.
Habang inaayos ni Lisa ang mga upuan at mesa ay biglang tumunog ang phone niya, isang mensahe.
“Unknown number...?” ang pagtataka niya.
Hi po, ate. Gu2 sana kitang makausap ngaun. Ongoing na ko sa grillhouse, wag ka pong umalis ha. Ty
“Sino naman kaya to?” tanong ni Lisa sa sarili nang mabasa ang message.
Pwde ko bang ma-ask kung cnu ka? Unknown kc # mu sa akin. –ito ang reply ni Lisa dun sa text na nareceive niya.
Message sending failed.
Imposible, ang sa isip ni Lisa. Malakas naman ang signal at naka-unli pa rin siya, “Baka kinain na naman ang lod ko. Di bale nalang, makikita ko naman siya dito mamaya.”
VOUS LISEZ
KILLER.COM
HorreurLimang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
CHAPTER XI
Depuis le début
