"New toy who?" Sagot nya. Hindi nya alam kung tama ang english nya, pero sa pagkaka-ngisi nito alam nyang hindi.

"Yeah. It was you. Gabriel's new toy." Nakangising sabi nito. Nainis sya sa sinabi nito. Hindi sya laruan ng kahit na sino!

"Excuse me miss, I think you got the wrong girl." Singit ni Chance. Buti na lang may matalino syang bestfriend. Baka maubusan ng dugo ang babaeng ito sa english nya.

"She's his new toy." Mayabang na sabi nito. Napuno na sya rito.

"Sino ka ba sa tingin mo? Hindi mo ko kilala! Kung makapang-husga ka kala mo kung sino ka!" Inis na sabi nya rito. Lumaki ang ngisi nito.

"Ang mga basurang tulad mo, kahit bihisan, basura pa rin. And to answer your question kung sino ako, I'm Gabriel's firstlove. Isang babaeng hindi cheap kagaya mo. Magsasawa rin sya sayo. Hindi kayo bagay. Wag kang ambisyosa. Lumugar ka. Ang mga kagaya mo, walang karapatan sa katulad ni Gabriel. Gold-digger!" Pabulong na sabi nito pero daig pa nya ang nasigawan. Hindi ba talaga sila bagay? Wala ba talaga syang karapatang pangarapin ang isang lalaki na katulad ni Gabriel? For the first time in her life ay nanliit sya. Muntik na syang maiyak. Buti na lang ay nandon si Chance.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. She's not cheap. You don't know anything. Wala kang karapatang manghusga ng kapwa mo. You look cheaper than her." Nagulat sya sa sinabi ni Chance. Hindi ganon si Chance. Napalingon ang babae kay Chance. What the girl did next shocked her. She kissed Chance. On the lips. Buti na lang ay wala si Gabriella. Kung nagkataon ay magkakaroon ng World War 3.

"I like you. You seem like a very interesting guy." Nakangising sabi nito at umalis. Nakangangang nagkatinginan sila ni Chance.

"Yari ka kay Gabriella!" Sabi nya rito. Panandalian nyang nakalimutan ang masasakit na sinabi ng babae dahil sa itsura ni Chance.

"Wag mong sasabihin kay Gabriella!" Nagmamaka-awang sabi nito.

"Wag sabihin sakin ang ano?"

Patay kang bata ka!





-----






"Wag sabihin sakin ang ano?" Pag-uulit nito ng tanong. Nagkatinginan sila ni Chance. Umupo ito sa tabi ni Chance at tinaasan sila ng kilay.

"Na ang ganda mo?" Tila tanong rin na sagot nito. Gusto nya tuloy i-untog ang ulo nya sa lamesa. Kahit kailan talaga ay walang talent si Chance sa pagsisinungaling. Dapat bata pa lang sila ay tinuruan nya na ito sa Art Of Lying. Kinabahan sya ng magsalubong ang kilay ni Gabriella. Ayaw na ayaw nito na nagsisinungaling si Chance.

"It's either sasabihin mo sakin ang totoo sa madaling paraan, o aalamin ko yun at pahihirapan kita Chance." Banta nito. Sya ang napalunok para sa bestfriend nya. Napatingin sa kanya si Chance. Alam nyang magsisinungaling ulit ito para sa kanya. Hindi dahil natatakot ito na malaman ni Gabriella na hinalikan sya ng babae. Poprotektahan sya ni Chance. Nakikita nya ito sa mga mata ng bestfriend nya. Kahit mag-away pa sila ni Gabriella. At hindi nya hahayaang mangyari yun.

"May babaeng lumapit samin at...." Sabad nya at ikwinento rito lahat. Nakita nyang nag-kuyom ng kamao si Gabriella ng matapos ang kwento nya. Galit na tumayo ito sa upuan para puntahan ang babae.

"At Gabriella, isa pa pala." Pahabol nya rito. Nilingon sya nito.

"Hinalikan nya si Chance. Sa labi." At napa-ngisi sya ng makitang galit na galit ito na sumugod sa babae.

"Sabi ko wag mo ng sabihin eh." Reklamo ni Chance. Nagkibit-balikat na lang sya at pinanuod si Gabriella. Sinundan ito ni Chance.

"Patay ka ngayong mangkukulam ka." Nakangising bulong nya.

"Sinong patay?" Tanong ni Gabriel na umupo sa tabi nya. Hindi nya ito nilingon. Paulit-ulit sa isip nya ang mga sinabi ng babae.

"Yung ex mo." Mapaklang sabi nya. Napangisi sya ng sampalin ni Gabriella ang babae.

"That's for hurting my sister." Galit na sabi nito.

Sister? Tinawag nya kong sister?

Nakita nyang sinubukang awatin ni Chance si Gabriella pero sinuntok ng malakas ni Gabriella ang babae. Natulala ang mga tao. Muntik syang matawa ng umiiyak ang babae na nakahawak sa dumudugo nitong ilong. Halata namang hindi nilakasan ni Gabriella ang suntok nya. Drama queen.

"And that's for kissing my man. Stay away from my boyfriend!" Nagba-bantang sabi nito. Hinawi nito ang kamay ni Chance na nakahawak rito at nagwalk-out.

"The heck? Anong nangyari?" Di-makapaniwalang sabi ni Gabriel.

Kahit sya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Ang alam nya lang ay mukhang yari pa rin ang bestfriend nya.







-----

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now