16 (Gabriel)

539 138 7
                                    


Napapangiti sya habang iniisip ang nangyari. Sa wakas. Naamin din nya. Lalong lumaki ang ngiti nya ng maalala ang naging reaksyon ni Dalisay. Nagtakip ito ng mukha matapos nyang sabihin dito ang 'magic words' at nagmamadali syang pinaalis. Hindi nya rin makakalimutan ng marinig itong sumigaw sa loob ng bahay nila. Muntik pa nga syang mapasugod sa pag-aalala. Buti na lang ay narinig nya ng klaro ang sinabi nito.

"Waaaaah! Mahal nya ko! Thankyou Lord! Mahal nya ko!"

Nakangiti na kinuha nya ang cellphone at nag-text dito.

See you bukas sa church, Dalisay. Goodnight. Sweetdreams. Dream of me. Iloveyou. :-*

Para syang tanga. Kinikilig sya sa sariling text nya. Nakahiga sya sa kama nya at hinihintay ang text nito. Narinig nya ang message alert tone ng cellphone nya at nagmamadaling tinignan ang text.

Pasaload.

Natawa sya ng malakas. Kahit kailan talaga ay sagad sa kakapalan ng mukha ang babaeng yun. Natatawang pinasahan nya ito ng load.

Salamat sa load. Kita-kits bukas. Goodnight. :-*





-----






Hindi nya mapigilan ang matawa ng makita nyang pinaupo ni Dalisay ang mga Kuya nito sa harapan. Gusto nitong nandon ang mga Kuya nito para marinig ng maayos ang message ni Pastor Roy.

Naging payapa ang buong service. Hindi naman nag-ingay ang Quadruplets sa harap. Mukha ngang nakikinig talaga ang mga ito sa itinuturo ni Pastor Roy. Nang makita nyang hindi na busy si Pastor Roy ay agad syang lumapit dito.

"Nice message Pastor Roy." Sabi nya rito. Napangiti ito sa sinabi nya.

"Salamat Gabriel." Nakangiting sabi nito.

"Gusto ko lang pong sabihin na may gaganapin po kaming free medical mission. I want the church to get involve po. Pwede po ba yun?" Tanong nya rito. Lumaki ang ngiti nito.

"Isang magandang balita yan, hijo. Maraming salamat." Masayang sabi nito.

"Ahm Pastor?" Nag-aalangang sabi nya rito.

"Alam kong may gusto kang itanong. Ano ba yun?" Sabi nito. Napabuntong-hininga sya.

"Naaalala nyo po ba ang turo nyo tungkol sa dapat nating mahalin ang ating mga kaaway?" Tanong nya rito.

"Oo naman. Bakit?" Tanong nito. Napakamot sya sa ulo nya.

"Nung sinabi nyo po ba yun, ibig sabihin ba nun ay ma-inlove ako sa kaaway ko?" Nahihiyang tanong nya rito. Narinig nya ang pagtawa nito ng malakas.

"Kung ano sa tingin mo ang sinasabi ng Diyos sayo, Gabriel." Nakangiting sagot nito.

"Pano kung hindi mo naman gusto? Hindi mo nga hiningi sa kanya." Sabi nya rito.

"Ibinibigay ng Diyos kung anong kailangan natin, Gabriel. Kung ano ang makabubuti para satin. Sa ayaw man natin o gusto." Sabi nito.

"Unggoy! Tara kakain na!" Narinig nyang tawag sa kanya ni Dalisay. Napangiti sya bigla.

"Buti na lang po alam ng Diyos kung anong makabubuti sakin. Kasi kung ako lang, hindi ko po alam. Hindi ko rin makikita." Nakangiting sabi nya habang nakatingin kay Dalisay. He remembered the verse Gabriella shared on her instagram account.

Do not be like them, for your Father knows what you need before you ask him.

- Matthew 6:8




The Not So Charming Prince (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon