15 (Isay)

556 142 20
                                    



"Ang swerte mo bakla. Nakabingwit ka ng Arellano." Sabi sa kanya ni Salve. Nakataas ang kilay na tinignan nya ito.

"Bakla, sya ang maswerte sakin." Sabi nya rito. Kumunot ang noo nito.

"Bakit naman sya maswerte sayo?" Nagtatakang tanong nito. Aba't! Pinagdududahan ba sya nito?

"Tinatanong pa ba yan!" Sagot nya rito.

"Oo naman. Hindi ka naman maganda, hindi ka din matalino, at hindi ka din mayaman. Anong sinasabi mong maswerte sya sayo?" Sabi nito. Sinamaan nya ito ng tingin. Hindi na talaga marunong mag-appreciate ng tunay na ganda ang mga tao ngayon.

"Ang tunay na ganda ay nasa puso." Sabi nya rito.

"Bakla, wag mo kong echosin. Hindi ka din mabait." Sabi nito.

"Buysit ka! Lumayas ka na nga dito sa shop ko! Baka di pa kita matantiya." Singhal nya rito.

"Ano ba yan! Lagi ka na lang high-blood ah." Sabi ng kararating lang na si Gabriel. May dala itong isang box ng donut. Naglaway agad sya. Napansin siguro nito ang itsura nya kaya natatawang inabot nito sa kanya ang pagkain.

"Mahiya ka sa manliligaw mo, bakla. Para kang patay-gutom. Ma-turnoff tong si Papa Gabriel sayo. Bahala ka." Pang-aasar sa kanya ni Salve. Wala syang pake sa mga sinabi nito. Ang mahalaga ay yung donut.

"Matagal ko ng alam na patay-gutom sya." Natatawang sabi rito ni Gabriel.

"Makapal din ang mukha nyan." Sagot dito ni Salve.

"At..." Hindi na natuloy ni Gabriel ang sasabihin dahil sumabat na sya.

"At nandito lang sa tabi nyo ang babaeng pinag-uusapan nyo. Respeto naman daw kahit konti sabi nya." Sarkastikong sabi nya. Nagtawanan lang ang dalawa. Natatawang ginulo ni Gabriel ang buhok nya. Hobby na siguro nito iyon.

"Kailan mo ba ko sasagutin, Dalisay?" Tanong nito.

"Oo nga, Isay. Kailan mo sasagutin tong si Papa Gabriel?" Gatong pa ni Salve. Sinamaan nya ng tingin ang dalawa.

"Nung nakaraang-araw ka pa nagtatanong ng ganyan, Gabriel ha. Ang kulit mo. At ikaw naman Bakla, wag mo ng gatungan pa ang kalokohan ng kulugo na to." Sabi nya sa mga ito.

"Oo nga. Nung nakaraang-araw pa ko nagtatanong, pero di mo pa rin ako sinasagot." Nakasimangot na sabi nito.

"Sagutin mo na kasi." Gatong ulit ni Salve. Pinanlisikan nya ng tingin ang dalawa.

"Hoy Gabriel. Apat na araw ka pa lang nanliligaw sakin! Sagot agad? May lakad ka, kuya? Nagmamadali ka ah. At ikaw na bakla ka, tigilan mo ang panggagatong mo kung ayaw mong isama kita sa mga panggatong namin." Sabi nya ulit sa mga ito. Aba! Gusto nya ring ma-enjoy ang feeling ng nililigawan.

"Sabi ko nga mananahimik na ko. O sya, maiwan ko na kayo. Babush!" Sabi nito at iniwan na nga sila. May saltik talaga ang babaeng yun.

"Bakit mo pa papatagalin ang pagsagot sakin? Dun din naman tayo pupunta." Pagmamaktol nito.

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan, Arellano. Gusto kong makilala ka ng maayos. Hindi ko ipapasok ang sarili ko sa isang sitwasyon ng basta-basta na lang." Sabi nya rito. Napabuntong-hininga na lang ito.

"Ang akin lang naman, sayang ang panahon." Sagot nito.

"Adik. Hindi sayang ang pagbibigay ng oras para mas makilala mo ng mabuti ang isang tao." Sabi nya rito.

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now