20 (Gabriel)

545 130 17
                                    



Two Years Later





Matagal na syang nag-iisip ng artistic way kung pano gagawin ang mga plano nya ng araw na iyon. May mga naging suggestion nga sila Gabriella, pero kasi sa tingin nya ay parang may hindi tama. It took him a long time to finally figure things out. He will do it 'Dalisay' way.

Kaya ito sya ngayon, mag-isa at hinihintay ang girlfriend nya. Napangiti sya. They've been together for two years. Consistent pa rin naman sila sa pag-aaway. Para bang kulang ang araw nila hangga't hindi sila nag-aasaran. Ganun lang sila, but they are both serious in their relationship.

"Kanina ka pa?" Tanong ng kararating lang na si Dalisay. Sinalubong nya agad ito para kunin ang bag na bitbit nito. She's in her second year in college. Matalino si Dalisay. Nalaman nilang magaling talaga ito sa gadgets and technologies. I.T nga ang kinukuha nitong kurso. Pangarap kasi nitong makapang-hack ng isang malaking computer program. Utak kriminal di ba?

"Hindi naman masyado." Sagot nya rito at hinalikan ito. Ngumiti ito sa kanya.

"Happy Second Year Anniversary, babe." Nakangiting sabi nito. Hinalikan nya ulit ito.

"Happy Second Year Anniversary. I love you, babe." Sabi nya rito. Naalala nya kung panong nauwi sa babe ang endearment nila. As usual, si Dalisay na naman ang nakaisip non. Nakapanuod kasi ito ng Romantic hollywood movie at ganun ang tawagan ng mga bida. And Dalisay being Dalisay, nag-request na mag-tawagan sila ng babe. At first ayaw nya. Pero nasanay sya kakatawag nito sa kanya ng ganun.

"I love you too. So, anong plano natin today?" Sabi nito sa kanya. Inakbayan nya ito at inakay paupo sa inilatag nyang sapin. Nag-prepare sya for picnic. This time, wala ng sabong panlaba.

"Magre-relax tayo, mag-uusap, magke-kwentuhan." Sabi nya rito. Nilabas nya ang mga junkfoods, sandwiches, donuts, and drinks. Natawa sya ng makitang nakatitig na naman si Dalisay sa mga pagkain. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin itong kumain.

"Tamang-tama. Gutom na ko." Sabi nito at kumuha ng sandwich. Nagbukas sya ng Coke at inabot dito. Nag-kwentuhan lang sila. Nag-kulitan at nag-asaran. Habang lumilipas ang oras ay kinakabahan sya. Baka masyado pang maaga?

"Babe, okay ka lang? Hindi ka kumakain." Sabi nito. Napatingin sya rito.

"Yup. Okay lang ako." Nginitian pa nya ito for assurance. Kumunot ang noo nito.

"Baka may nilagay ka sa pagkain kaya ako lang pinapakain mo ha?" Sabi nito.

"Wala kong nilagay ha! May iniisip lang ako." Sabi nya rito.

"Siguraduhin mo lang. Ano bang iniisip mo?" Sabi nito.

"Tayo." Sagot nya rito. Tumaas ang isang kilay nito.

"Bakit iniisip mo ang tungkol satin?" Tanong nito. Napabuntong-hininga sya.

"Mahal mo naman ako di ba?" Tanong nya rito. Nawiwirdohang tinignan sya nito.

"Oo naman. Bakit?" Sagot nito. Nakahinga sya ng maluwag.

"Will you do something for me then?" Hopeful na tanong nya rito. Saglit na nakatitig ito sa kanya bago dahan-dahang nanlaki ang mga mata. Na-gets na ba nito ang gusto nyang mangyari?

"Hoy Gabriel ha! Bastos ka ah!" Sabi nito. Naguluhan sya sa sinabi nito.

"Pano namang naging bastos yun? Mahal kita. Mahal mo ko. Normal lang yon." Sabi nya rito. Wala namang mali sa gusto nyang mangyari di ba? Napansin nyang lalong nanlaki ang mga mata nito. Nagulat pa sya ng paghahampasin sya nito.

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now