17 (Isay)

507 132 11
                                    



Tahimik na pinagmamasdan nya ang paligid. Kahit kailan ay hindi nya naisip na makakadalo sya sa ganong klase ng event. Sinuri nya ang mga bisita. Mga nakasuot ng mamahaling gown at tuxedo. Pakinangan din ng mga alahas ang mga ito. Hindi nya nga lang ma-gets kung bakit kailangang mag-englishan ng mga ito. Mga filipino ito. Nasa pilipinas sila.

Mga sosyalero at sosyalera nga naman oh!

Inimbitahan sya at si Chance ng mga Arellano. Nagdaos kasi ang mga ito ng isang Charity Event. Halatang pumunta lang naman ang iba sa mga ito para sa exposure. Para magmayabang. Para ipa-mukha sa iba na mas marami ang pera nila. Okay lang sana kung ibinabahagi nila sa nangangailangan.

Napatingin sya sa kanina pa tahimik na si Chance. Parehas nilang first time na umattend sa ganon. Infairness sa bestfriend nya, ang gwapo ng kolokoy sa suot nitong tuxedo. Napatingin sya sa sarili nya. Si Gabriella ang nagbihis sa kanya kaya alam nyang mukha syang presentable. Kaya nga lang, habang tumatagal sila sa event na yon, mas lalo lang nyang nararamdaman ang pagiging hampaslupa nya. Pinagtitinginan din sila ni Chance. Alam nyang mahiyain ito at mahina ang loob.

Napatingin sya sa mga Arellano na nakikipag-usap sa ilang mga bisita. Nakita nyang napatingin sa kanya si Gabriel at kinindatan sya. Gusto nya tuloy itong batuhin ng suot nyang stilleto.

Badtrip. Ang gwapo ng unggoy.

Napansin nya namang nakatingin si Gabriella sa kanya at isinenyas ang nakayukong si Chance. Napaikot sya ng mata.

Bakit ba naman kasi ganito tong lalaking to?

Nag-Thumbs up na lang sya rito bilang assurance na okay lang si Chance. Naiintindihan naman nila na kailangan munang asikasuhin ng mga ito ang mga bisita.

"Hoy Chance umayos ka nga! Mukha kang kawawang tuta dyan!" Sita nya dito. Nag-angat ito ng ulo at napakamot.

"Nahihiya kasi ako. Nakakalula ang mga tao dito." Sagot nito. Sabay pa silang napatingin ng makitang dumaan sa gilid nila ang isang bisita. Kilala nila iyon. Buong pilipinas yata ay kilala iyon. Isang Senador. See? Pano ba namang hindi sila malulula ni Chance? Sila lang yata ang mahirap don?

"Wag kang magpahalata. Baka mapag-diskitahan pa tayo ng mayayaman na to. At wag kang papaapi!" Seryosong sabi nya rito. Aba! Subukan lang nilang kantiin silang mag-bestfriend! Makakatikim sila. Makakatikim talaga sila kay Gabriella!

"Sana di na lang ako pumunta. Si Gabriella kasi eh!" Mahinang sabi nito. Tinaasan nya to ng kilay.

"Girlfriend mo yun. Trabaho mong suportahan sya. Lalong-lalo na kung mabuti ang ginagawa nya. Baka nakakalimutan mong Charity Event to." Paalala nya rito. Ang mga donation na makukuha sa event na yon ay para sa scholarship ng mga taga San Martin. Napabuntong-hininga ito.

"Alam ko naman yun. Naiilang lang talaga ko." Sabi nito.

"Ako din naman." Sagot nya rito. Nagulat sila ni Chance ng may biglang umupo sa tabi nito. Bale nakaharap ito sa kanya. Maganda ang babae. As in maganda. Pero kung pagandahan lang rin naman, mas maganda naman sya. Atleast yun ang sabi ng mga Kuya nya. Na sya ang pinaka-magandang babae sa mundo. May hobby nga lang sa pagsisinungaling ang mga ito kaya hindi nya alam kung nagsasabi ang mga ito ng totoo. Lagi kasing sinasabi nila Gabriel at Gabriella na pangit sya.

Nakipagtitigan sya sa babae. Anong tingin nito sa kanya? Magba-backdown? In her wildest dreams!

"So you must be his new toy?" Tila wala sa sariling sabi nito. Nangunot ang noo nya. Sya ba ang kausap nito?

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now