14 (Gabriel)

563 146 18
                                    



"Where are you going? Ba't ganyan ang itsura mo?" Nakita nya ang pagtataka sa mukha ng kapatid nya. Alam nyang nakakapagtaka naman talaga ang itsura nya. Pero kailangan nya tong gawin.

"Lalabas kami ni Dalisay." Sagot nya rito. Nangunot ang noo nito.

"Ng ganyan ang suot mo?" Sabi nito. Tinignan nya rin ang sarili nya at napabuntong-hininga. He needs to do this.

"Oo." Simpleng sagot nya rito.

"Ang weird mo. Ang weird din nya. Bagay nga kayo." Sabi nito. Nginitian nya na lang ang kapatid nya at ginulo ang buhok nito.

"Aalis na ko. Pakabait ka ha." Sabi nya rito.

"Ingat. Enjoy." Sabi nito. Ngiting-ngit sya habang papunta sa kotse nya.




-----





Tatlong beses syang kumatok bago tuluyang bumukas ang pinto. Napansin nyang nakangangang nakatitig si Dalisay sa kanya.

"Ano yang itsura mo, Gabriel?" Sabi nito. Napansin nyang mag-isa lang ito. May trabaho na kasi ang mga Kuya nito.

"Basta. Tara na." Pagyaya nya rito. Tinignan ulit sya nito.

"Sigurado kang ganyan talaga ang suot mo? San ba tayo pupunta?" Tanong nito.

"Ano bang masama sa suot ko?" Tanong nya rito. Tinaasan sya nito ng kilay.

"Basketball short, sando, at tsinelas? Idol mo na ba sila Kuya? San ba ang lakad natin?" Sabi nito sa kanya. Napakamot na lang sya ng ulo. Kailangan nyang suotin yon.

"Basta. Tara na." Pagyaya nya ulit rito. Hinila nya na to palabas ng bahay hanggang sa kotse nya. Agad syang nag-drive papunta sa destination nila.

"Nagde-date ba tayo, Gabriel?" Narinig nyang tanong nito. Napasulyap sya rito. Nakatingin ito sa kanya. Hinawakan nya ang kamay nito.

"Oo naman. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa natin?" Sagot nya rito. Nakita nyang sumimangot ito.

"Sana man lang nag T-Shirt ka." Parang bata na sabi nito. Natawa sya sa itsura nito. Kung maka-nguso feeling maganda. Mukha tuloy itong pato.

"Trust me. Planado ko to." Kampanteng sabi nya.




-----





"Langhiya ka! Kala ko ba planado mo na lahat?!" Angil sa kanya ni Dalisay at pinagpapalo pa ang braso nya.

"Aray! Ouch! Masakit Dalisay ha!" Sabi nya rito at pilit sinasalag ang kamay nito.

"Talagang sasaktan kitang kulugo ka! Napahiya tayo!" Nanggigigil na sabi nito.

"Pasensya naman. Malay ko bang hindi tayo papapasukin." Sagot nya rito. Plano nya kasi na kumain sila sa isang mamahalin na restaurant sa San Martin na nakapang-bahay lang sila. Para naman hindi mailang si Dalisay ay sinadya nyang magsuot ng damit na mumurahin. Hindi naman nya alam na haharangin agad sila ng guard. Nakipag-debate pa sya sa guard. In the end, kinaladkad sila paalis.

"Anak ka ng teteng! Mayaman ka! Dapat matagal mo na yung alam!" Naiinis pa rin na sabi nito. Napahawak sya sa batok nya at huminga ng malalim.

"Pasensya na at palpak agad ako. Gusto ko lang naman na makibagay ako sayo para hindi mo na isipin na ang baba mo. Sorry." Sabi nya rito. Napabuntong-hininga rin ito.

"Ayos lang. Pasensya rin." Medyo kalmado ng sabi nito. Umupo sya sa tabi nito.

"Makakabawi pa ba ko sayo? May gusto ka bang gawin? Manuod kaya tayo ng sine?" Sunud-sunod na tanong nya rito. Tumingin ito sa paligid at tila nag-isip.

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now