PROLOGUE

1.7K 200 128
                                    




Dumampot siya ng stick at ibinato iyon palayo. Bored na bored na talaga siya. Wala naman kasi siyang masyadong kaibigan sa San Martin. Okay, let him rephrase that. Wala siyang kaibigan sa San Martin.

Wala siyang pasok at kasama naman ng kapatid niyang si Gabriella ang boyfriend nitong si Chance.

Napanguso siya.

Nagka-boyfriend lang nakalimutan na ako.

Madalas na mapagkamalang kambal sila ng kapatid niya. Isa na sa mga dahilan ay ang pangalan nila. Pero mas matanda siya rito.

Naglakad-lakad ulit siya at dumampot ng stick.

Ano kaya ang magandang gawin ngayon?

Ibinato niya ulit ang stick nang hindi man lang tumitingin sa paligid.

Mag-mall kaya ako at manood ng sine? Baka makita ko rin sila Gabriella roon?

Mohohoooooww.

Tila narinig niyang tunog. Agad siyang napalinga sa paligid. Kunot ang noong hinanap niya ang pinanggalingan nito.

Nakita niya ang mukhang galit na puting kabayo na nakatingin sa kaniya. Nakita niya rin ang stick na kanina ay ibinato niya na nasa paanan na nito. Base sa itsura nito, mukhang hindi ito masayang makita siya.

Napalunok siya nang umabante ito sa kaniya. "Goodboy ho..horsie," kausap niya rito.

Mmooooohooohoow.

Dahan-dahang napaatras siya. Tumingin siya sa likuran niya. May daan na pabalik ng kalsada. Sinilip niya ulit ang kabayo at masama pa rin ang tingin nito sa kaniya. Humakbang siya paatras at mas lalo itong naging agresibo. Sa sobrang kaba ay kumaripas na siya ng takbo. Mabilis namang hinabol siya nito.

Diyos ko! Iligtas niyo po ako!

Nilingon niya ito at nakitang malapit na ito sa kaniya. Mas binilisan niya pa tuloy ang pagtakbo.

Kanino ba 'tong buwisit na kabayong 'to?! Parang aso!

Tumatakbo pa rin siya nang mapansing malapit na siya sa kalsada. Tatalon na lang siya sa fence at makakatakas na siya sa pangit na kabayong iyon.

Patalon na siya nang makitang may biglang sumulpot na babae. Naglalakad ito at tila hindi pa napapansin ang sitwasyon niya.

"Tabi!" sigaw niya rito.

Huminto lang ito at tumingin lang sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at ang buysit na puting kabayo na nasa likuran niya. Sa sobrang takot ay tumalon na lang siya bigla. Tinamaan niya ang babae at sabay silang natumba sa lupa. Agad niyang nilingon ang kabayo. Masama pa rin ang tingin nito sa kaniya, pero hindi na ito tumalon pa sa fence. Doon lang siya nakahinga nang maluwag.

"Putek! Tanga ka ba?!" bulyaw sa kaniya ng babae. Pinagmasdan niya ito nang maigi.

Pangit.

Iyon kaagad ang pumasok sa isip niya. Dry ang maitim nitong balat. Buhaghag din ang buhok nito na parang isang buwan nang hindi nasusuklayan. Pango ang ilong, at hindi maganda ang katawan. Fitted kasi ang T-shirt nito, at mas straight pa sa buhok ng kapatid niya ang katawan nito. Not to mention na mas flat pa sa kalsada ang dibdib nito. Atleast ang kalsada ay may humps. Ito wala.

"Hoy pangit kinakausap kita!" gigil na sabi nito. Napaangat ang kilay niya rito. Hobby na nakuha niya kay Gabriella.

"Ako? Pangit? Magsuot ka ng eyeglasses, Miss. Malabo na yata ang mata mo. Napagkamalan mo pa yatang mukha mo ang mukha ko," mayabang na sabi niya rito.

Halos umusok ang pango nitong ilong sa galit. "Aba! Tanga ka na nga, wala ka pang modo!"

"You started it first, Miss," sabi niya rito.

"Hoy, huwag mo 'kong ma-english english diyan! Akala mo naman kung sino ka!" masungit na sabi nito.

Napangisi siya. "Bakit? Hindi mo maintindihan?" mapang-asar na sabi niya.

"Tse! Sinira mo na nga 'tong cellphone ko, ikaw pa ang mayabang diyan! Mag-sorry ka sa'kin!" sabi nito sa kaniya.

Tinignan niya ang cellphone na hawak nito. Basag ang screen noon.

"I'm going to pay you, pero hindi ako magso-sorry sa'yo," sabi niya rito.

Pinanlisikan siya nito ng mata. "Eh hindi ka lang pala tanga at walang modo, mataas din ang tingin mo sa sarili mo!"

"Hindi ba sabi ko tabi? Ano ang ginawa mo? Tumunganga ka lang. Sino sa'tin ang tanga?" tanong niya rito.

Nagulat siya ng bigla itong lumapit sa kaniya. Itim na itim ang mga mata nito. Iyon lang siguro ang maganda sa babaeng ito.

"Ayaw mong mag-sorry?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya.

"Sigurado ka?" tanong ulit nito. Tumango siya.

"Final answer?" pangungulit pa nito.

"Ang kulit mong babae ka 'no? Babayaran kita kung gusto mo, pero wala kang makukuha na sorry mula sa'kin," sagot niya rito.

Sinamaan siya nito ng tingin.

Halos lumuwa ang mata niya sa sumunod na ginawa nito.

Tinuhod nito ang kuwan niya.

Namimilipit sa sakit na napaluhod siya habang hawak ang alaga niya. Nakita niya ang pagngisi nito.

"Iyan ang bagay sa mga lalaking katulad mo..." Nakangising sabi pa nito habang napapailing na pinapanuod siya nitong mamilipit sa sakit. "Tsk. Sorry lang naman ang hinihingi ko. So, paano ba 'yan, maiwan na kita rito. Babush!" Balewalang sabi pa nito at iniwan na siya.

Hindi na siya nakasagot sa sinabi nito dahil hindi siya makapagsalita sa sakit.

Buwisit kang pangit ka. Kapag ako hindi magka-anak nang dahil sa'yo, sisiguraduhin kong pati aso hindi ka papatulan!



-----

The Not So Charming Prince (completed)Where stories live. Discover now