Chapter 33: Where are we going?

16.8K 496 451
                                    


It wasn't a dream at all. Brandon kissed me again but this time, there's a feeling, but it's not clear kung love 'yun. Sabi niya na napamahal na siya sa 'kin. I wanted to believe the warmth of that love pero I still ended up thinking it's all surreal, or worse, fake.

"Bakit?" he asked me nang bigla akong kumawala sa pagkakahalik niya.

"Hindi ako sanay."

"Masanay ka na Wesley," he sweetly smiled.

Eto na 'yun e, 'yung matagal ko nang pinakahihintay. 'Yung maging kami ng ultimate crush ko. It should be a dream come true but something is holding me back. May mali talaga, hindi ko lang talaga ma-figure out sa ngayon.

"May mali talaga" sabi ko sa isip isip ko.

"Wesley, kung iniisip mong Thesis pa rin 'to.... nagkakamali ka. 'Wag ka nang mag-isip nang kung anu-ano. We will work this out okay? Me and you...."

Nginitian ko siya. Napakaamo ng mukha niya na saksakan ng gwapo. Lumalambot ang puso ko pag nginingitian niya ako. Kanina I said to myself, I wanted to take advantage of the moment, pero bumabalik pa rin ako sa eksena kung saan hindi ako mapakali.

Masyado kasing mabilis. Parang bigla-biglaan ang mga nangyari. Everything went unpredictable. That very moment nang bigla ko siyang dineadma after my true confessions nung nasa Calaguas pa kami. Tapos nung sinabi ni Damien sa 'kin ang totoo regarding his real intentions niya with his cousin, then eto na si Brandon.... saying stupid things that's beyond my freaking imagination.

"This will be very difficult Brandon. Kaya mo ba talaga na makipagrelasyon sa 'kin?"

His face became serious. He nodded.

"I thought hindi... pero.... siguro I can... bakit hindi?"

"Hindi na nga ito about Thesis. It's a commitment na Brandon... how about Hilary? Your girlfriend?"

He went back to his seat at biglang napaisip.

"I don't mind. Siguro....," he paused. "Siguro I'll find courage to break up with her.... I don't know..."

I don't know rin what's playing inside his head. Naniniwala akong mahal na mahal pa rin niya si Hilary at napipilitan lang siya sa 'kin. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kanya pati na rin sa 'kin.

**

I sat on the study table and opened my laptop. Binuksan kong muli ang documents patungkol sa ginagawang Thesis namin ni Brandon. Wala pa kami sa kalahati ng proyekto. Hindi ko na ito matutuloy pa dahil wala na ang Professor namin sa Psychology.

Binuksan ko naman ang Facebook ko. Obviously, tinadtad na naman ako ng mga likes and comments ng mga followers ko. I noticed I had 458 unread messages in my inbox. Out of the blue ay binuksan ko ito.... again, puro mga mensahe ng mga estrangherong masidhi ang pagnanasa sa 'kin.

I noticed a message that instantly caught my attention. A message came from a dummy account dahil ang pangalan nito'y "Nobody Knows"

I opened the message:

"One of them is lying. Be careful!"

Napakunot ang noo ko sa cryptic message na 'yun. Parang it's a reminder of something. Sino ang nagsisinungaling? Sino ang nagpadala sa 'kin ng mensahe? Parang masyado naman atang tugma sa suliranin ko sa kasalukuyan.

I'm obviously doubtful... kina Damien pati kay Brandon. Sila ba ang tinutukoy ng mysterious sender na 'to? Kung ganun, how come may alam siya tungkol sa suliranin ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon