Chapter 28: Weird Experiment

7.7K 303 51
                                    


Just a short update

Don't forget to vote and comment!

Thanks!

*******


"Fake it 'till we make it," Brandon kept on saying it. We're here nakaupo sa may tuktok ng hills habang pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar from up to down under. Super breath-taking and calm ng ambiance habang dinuduyan kami ng ihip ng hanging while watching the perfect scenery.

"Act naturally Bro," I retaliated. Medyo mataas pa rin ang sikat ng araw but hindi na ganoon kainit gaya ng kanina.

Inilatag ni Brandon ang dalang sando sa may damuhan at nahiga. Ginaya ko siya at tinabihan rin siyang humiga. Medyo makati nga lang sa likod but we don't care. Sa pagkakahiga namin, at dahil sa cloudless ang kalangitan at nasa perfect blue state ito, para na rin kaming nanunuod ng karagatang nasa itaas. Perfection!

"Wes, magkwento ka naman. I wanna know more about you," he started the conversation.

"I'm a boring type. Baka madisappoint ka lang..."

"No you're not? Sige na kwentuhan mo naman ako?"

"Tungkol naman saan?"

"Tungkol sayo.... Anong pangarap mo sa buhay? Ilan na bang pinaiyak mong babae? May girlfriend ka na ba ulit?"

Daming tanong ah? What if sabihin kong, 'Ikaw ang pangarap ko?', 'At ikaw ang gusto kong maging jowa? He-he

"Hindi ko na alam kung ilan nang babaeng dumaan sa buhay ko," pagsisinungaling ko dahil kahit ganito ako kagwapo e choosy naman ako pagdating sa babae. Si Zerica pa nga lang ata ang naging gf ko, at may isa akong naka-MU before. "Wala pa akong bagong girlfriend ngayon, at ang pangarap ko.... e ang maipasa natin ang Thesis"

Bahagya siyang napatingin sa 'kin at ngumiti. "Gusto ko na sanang maniwala pero ang babaw naman ng pangarap mo? Makapasa lang ng Thesis? He-he"

At the back of my mind, Oo naman, pag napasa ko ang Thesis e pasado na rin ako sa puso mo Brandon? Hehe.

"That's my short-term dream. Gusto ko nang matapos para hindi na ako ma-stress"

"Bakit? Naiistress ka na ba sa 'kin?" nagulat ako sa tanong niya.

"Medyo???"

Bigla siyang napatingin sa 'kin at biglang tingin ko rin sa kanya. Nagtawanan na lang kami nung mangyari 'yun.

"Joke lang Brandon. Ewan ko, anong tingin mo?"

"Hmmm.... awkward?!" pagngiti niya.

"Normal lang naman diba? Kung ang babae at lalaki nga nagkakailangan pa, paano pa kaya kung parehong lalaki? Tayo 'yun..."

"Naiilang ka pa rin ba sa 'kin Wesley?"

"Ha? Hindi naman... pero naiilang na ako kapag ganito. The Weird Thesis project. E ikaw? Spell A-W-K-W-A-R-D?"

"Hahaha t@ngina Pre, 'yung kahapon ang awkward. Nung kung anong pinagsasabi mo tapos bigla kang nag I LOVE YOU, tapos nag I LOVE YOU TOO din ako sayo"

Kahapon sa may main island, nung nagkalabuan kami. Yung tipong half meant na sinasabi ko pero hindi pa rin niya gets? Ang ending e thesis pa rin namin ang involve? Mr. Manhid na nga siya, pero on his book, tingin niya ako ay si Mr. Labo.

"Nakaka Potah lang ano? Teka, parang wala ata ako sa sarili ko nun? Ewan" I questioned myself.

"Pero okay lang naman. Siguro marami ka nang naibangkong idea na maisusulat mo sa Thesis natin?"

The Weird Thesis (Boyxboy)Where stories live. Discover now