Chapter 19: Weird Guilt

8.1K 244 90
                                    


It's 3:30 pm. I was about to hit the gym after class but I felt something that I needed to do more importantly. I'm referring to the text that I got coming from the unknown sender. Wala namang instruction na nakalagay sa mensahe except from the address na kailangan kong puntahan.

"BLK 5 Weighman Hills, Mandaluyong City," pagbasa kong muli sa text nang pabulong.

I was hesitant to come dahil dalawa lang ang naiisip kong pwedeng mangyari; May masamang loob na gusto akong ipahamak, or Damien is playing a naughty prank against me. I'm no Detective Conan pero malakas ang kutob ko na pinaglalaruan ako ng gwapong pinsan nitong si Brandon.

"Okay, I'll take a risk!"

Napagdesisyunan kong puntahan na lang ang address instead na pumunta sa Gym to do my afternoon ritual. I called a Taxi para mas mapabilis ang biyahe. From our University, I believe ang travel time is less than an hour going to Mandaluyong. I told the driver about the address and luckily ay alam niya ang place.

Habang nasa loob ng sasakyan, I tried to reply sa number and attempted to call back again. Unfortunately, hindi pa rin ako nakakakuha ng response na napakamisteryosong nagsend sa akin ng napaka-iskandalosong video.

"Oh Damien? Ba't ba napakakulit mo?"

Ibinaba ako ni Manong Driver sa tapat ng Mercury Drug, lakarin ko na lang daw sa may kabilang street ang address dahil hindi raw pwedeng pumasok ang sasakyan niya sa way na 'yun. Before I went to the location, pumasok muna ako ng Mercury Drug. For some reasons ay may kaberdehang pumasok sa isip ko. I bought a condom to make sure na safe pa rin ako in case a sexual assault will happen. It's weird I guess pero who knew diba? No one is safe kaya kahit condom man lang ay pwede kong maproteksyunan ang sarili ko. Pero ano nga bang ineexpect ko? Sex with Damien? I have to believe, Yes! There's a chance, even that chance is very delusional.

Nagsimula na akong maglakad patungong address after I bought the condom. Nagmamadali akong lumabas dahil si Ateng kahera ng Mercury Drug e hindi maawat ang pagtitig sa 'kin. Iniisip niya siguro, "Sino kayang nilalang ang maswerteng makaka-sex ng lalaking ito? Kung pwede ako na lang?"

It didn't take a while at nakita ko na rin ang address, and to my surprise.... It's a Boutique for Female. 'Flaunt it!' ang pangalan ng shop. Sa isip-isip ko, Damien owned a Boutique? Na pambabae? Hmmmm....

Closed na ang Boutique kahit quarter to Five pa lang ng hapon. I'm confident na tama naman ang address na pinuntahan ko kaya kumatok na lang ako para pagbuksan ng kung sinuman ang taong nasa loob. After three knocks, someone opened the door. And that someone surprised me in a major way.

"Hi Wesley?!"

I squinted to confirm kung totoo ba 'tong nakikita ko kahit kaharap ko lang ang taong nagbukas ng pinto.

"Hilary?!"

"I thought you forgot me already. Come on in!"

Sino ba namang hindi makakalimot sa mukha ng napakagandang Girlfriend ni Brandon? I just saw her twice pa lang pero her face is very reminiscing. Lakas ng dating at pang modelo talaga ang arrive. She stood 5'10 kaya bagay na bagay talaga sila ni Brandon, parehong matangkad.

Pumasok si Hilary sa isang room na tingin ko'y opisina niya malapit lang sa may counter. Umupo ako sa Sofa at nilibot ng mga mata ko ang mga kakaibang damit na napupunuan ng boutique na ito. Obviously hindi ako maka-relate dahil puro pambabae ang mga damit pero nakaka-delight lang pagmasdan. Siguro sobrang talented nitong si Hilary para makapaglikha ng napakagagandang damit pambabae. Maswerte rin pala itong si Brandon dahil may ibubuga pala ang nobya niya in terms of clothing and fashion.

The Weird Thesis (Boyxboy)Where stories live. Discover now