Chapter 11: Weird Party Part 1

10.6K 346 28
                                    

Ano bang nagawa kong mali sa Introduction namin? Binasa ko ulit 'yung ginawa ko pero wala naman akong makitang kahit anong posibleng mali, kahit grammar e perfectly constructed naman. What makes that freak rejected my Intro? Ito na nga ang pinakamadali pero pumalpak pa 'ko. Ang sakit sakit sa loob, hindi ako maka move on 'till now na para bang namatayan ako ng mahal sa buhay na hindi ko maintindihan.

Nang ako'y makauwi sa bahay ay nagkulong na lang ako sa kwarto. I just ate a piece of bread dahil wala talaga akong gana dahil sa nangyari kanina. Isinusubsob ko ang mukha ko sa aking malambot na unan tuwing naaalala ko ang kahihiyang nagawa ko kay Sir. Sobra talagang nakakahiya, wala na ata akong mukhang maihaharap sa kanya. Kung meron lang akong katulad ng personality ni Cheena e baka kanina pa'y naka-move on na ko. Gusto kong magalit pero napaka irrational naman kung magalit ako sa kanya dahil ang totoo'y wala naman ako sa stage na kinamumuhian ko siya. I find him exciting and challenging dahil magaling siyang magturo kumpara mo naman sa ibang traditional teachers sa Campus na walang ginawa kundi umupo lang at mag-assign ng report sa mga estudyante to cover up their laziness. Iba kase si Dimapaslang, pero ewan ko rin sa sarili ko kung gusto ko ba siya or I just really love to hate him?

Hindi ako mapakali kakaikot sa aking kama. It's already 12:26 AM pero hindi pa rin ako makatulog dahil minumulto pa rin ako ng pangyayaring hindi ko naman hinangad na mangyari. Para akong batang pagulong gulong sa aking kama pakaliwa't kanan habang nakasubsob sa aking unan. At dahil sa kapraningan ko'y bigla na lang akong napadpad sa dulong gilid ng aking kama at dahil sa hindi ko natantya ay bigla akong lumagapak sa sahig.

"A-aray.... Tang-ina!" malutong kong mura nang malaglag sa aking kama nang nakatihaya. Parang nalamog ang balakang ko dahil sa sakit na talo pa ang sinuntok sa mukha. Tumama rin sa sahig ang ulo ko na hindi naman ganun napuruhan ngunit nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Tumayo ako sa aking pagkakahulog at bumalik muli sa kama nang nakadapa at nakasubsob muli ang mukha sa unan.

May kung anong biglang pumasok sa isipan ko. Kanina ko pa kase fini-figure out kung bakit na-reject ang Intro ko pero hindi ko malaman kung anong dahilan. Ngayon, something went inside my mind na parang lightning, telling me that there's a logical issue on my Introduction. Tumayo akong muli sa kama at kinuha ang Introduction Paper sa aking bag at ito'y muling binasa. Our Professor didn't exactly say the reason why he wanted me to change the first part of the project. Pero parang alam ko na ngayon kung bakit hindi niya nagustuhan ang ginawa ko no matter how I properly constructed my words and sentences to evaluate the whole plan. I just assumed na 'yun ang magiging content ng Thesis namin, na parang nagconclude na kaagad ako.

Our topic is "How to Fall in Love with Your Partner: The Same Sex Chronicles". Sa Introduction, naglahad na kaagad ako ng dapat mangyari kahit hindi pa naman talaga nagsisimula ang pagrolyo ng kamera, na siyang dahilan kung bakit naisip ni Mr. Freak na, what we are doing is not an experiment or research, it's a MADE UP PIECE OF SHIT! Inisip niyang baka mag-create lang kami ng gawa-gawang scenario, which is partly true naman. Natumbok niya sa nilalaman ng Intro na magseset up lang kami ng isang fake relationship at pag-aaralan namin ito using that fake experiment. It's clear to my Introduction na meron kaming gustong patunayan o shine-shape na kaagad namin ang magiging kalalabasan ng Thesis kahit hindi naman kami exactly sure kung duon tutungo ang research namin.

Napabuntong hininga ako. Paano namin sisimulan ni Brandon ang ganitong kalokohan in a normal flow? Of course, it's impossible na magka-inlaban kami kaagad. If we are dealing with real emotions, this whole thesis will work, but not gonna reflect the result we're expecting, and I believe it's not gonna happen. I could sense the irony doing the ways that our Professor wanted us to do, and doing our own way. If I'm thinking and analyzing this whole crap, it's really hard to make a logical thesis out of our topic. I thought it would be easy for me dahil gusto ko 'yung topic at trip kong mapalapit kay Brandon, and this Thesis is just a fortune that made it possible pero nagkakamali ako. Gaya ng sabi ni Mr. Freak, the easiest one is the hardest. And now I'm dealing with the hardest roller coaster of my life.

The Weird Thesis (Boyxboy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin