Chapter 9: Weird Convo

11.3K 321 24
                                    

"Any news with Cheena?" tanong ko kay Zerica. I'm here lying on her bed sa kanyang Hello Kitty inspired room habang pinapanood ko siyang isinusuot ang kanyang pink Bra facing the life size Mirror. Aligaga siya ngayong magbihis dahil darating ang nobya niya. Bwisita tuloy ako sa paningin niya dahil wrong timing daw ang pagbisita ko.

"Si Cheena lang ba ang ipinunta mo rito friend? Ayun.... waley naman din 'yung pagsumbong sumbong niya," she said.

Nandito ako sa bahay niya hindi lang dahil gusto kong makakalap ng information sa nangyaring diskusyunan nina Cheena together with his Pastor Father versus Mr. Dimapaslang, kundi dahil na rin sa gusto kong makaiwas sa Step Brother ko na nasa bahay ngayon.

Bigla akong napatayo sa pagkakahiga. "Really? It only means hindi niya natibag si Mr. Freak?"

"Parang ganun na nga," dagdag pa niya. I've noticed na hirap siyang ikawit ang lock ng bra niya sa likod kaya boluntaryo naman akong lumapit sa kanya para tulungan siya. "Salamat, My Love" tusong sabi niya habang tinutulungan ko siya. My Love ang terms of endearment namin nung mga panahong closeted lesbian pa siya.

"Baliw!" nangiti ako. Very nostalgic kase 'yung moments na ganito, nung kami pa, lagi ko siyang tinutulungang magsuot ng Bra niya. Medyo malaki kase ang hinaharap niya pero medyo hindi naman ka-size ng breast niya ang mga sinusuot niyang Bra. 'Di ko maintindihan kung anong gusto niyang mangyari sa suso niya.

"So, tuloy pa rin ang Project? Ano bang nangyari?"

Umikot siya paharap sa 'kin at inundayan ako ng pagpisil sa aking mga pisngi, tapos ay umalis siya sa harap ko para kunin ang make up kit niya sa tukador. "Of course! Alam mo naman Wesley ang Professor natin, I know he's weird pero may basis naman siya para i-push through 'yung thesis natin."

"Anong basis?" pakunot nuo kong tanong. She got closer to me para humarap muli sa salamin to wear her lipstick. "Give me an idea!"

"Oh well, meron din siyang relation about sa sinabi mo sa 'kin last time about the logic of science and everything. Sabi ni Cheena na according raw kay Sir, hindi lang raw ang topic niya ang may religious dispute, lahat naman raw tayo parang ganun. Hindi nga lang to the highest degree ng kanya. Na-clarify naman daw ni Mr. Freak na hindi naman kailangang mag-convert si Cheena to be Atheist. All she needs to do is to make a research for it, about a certain people or population that do not believe in Hope and God. 'Yung ganun."

That makes sense if that would be the case. Sinasabi ko na nga ba, hindi naman ibibigay ng Professor namin ang ganung ka Controversial na topic kung hindi niya napag-aralan.

"So anong mangyayari? I believe there's like a negotiation sa part ni Cheena or ng Father niya sa Principal and kay Sir to request to stop the project or change it to a different one."

Humarap muli sa 'kin ang maganda kong ex. "Syempre, hindi naman nagpatinag si Mr. Freak at tuloy pa rin naman ang ligaya. Pinakiusapan na rin siya ng Principal na ibahin na lang 'yung project pero kung anu-anong malalalim na quotes raw ang binato ni Mr. Dimapaslang sa kanya. I can only imagine kung paano dumugo ang mga ilong nila sa wirdo nating Professor."

"So, walang nagawa si Cheena pati 'yung Father niya?"

"Hmmmmm. Binigyan daw siya ng option ni Sir, pwede raw siyang makipagpalit sa ibang partners ng topic. Ayaw na niyang i-change 'yung ibinigay niyang topics as much as possible pero since nagsumbong nga si Cheena, nagmatigas pa rin si Sir pero yun nga lang yung option. Kung makikipagpalit siya sa 'kin, ayaw ko nga? I'm good with the divorce thingy. Ikaw Wesley? Willing ka bang makipagpalit?"

Napasimangot ako. If No Hope, No God is just an interview with a non believer, madali lang siyang gawin. Ang topic kase namin ni Wesley is mahirap kung papakaisipin, and if I switch topics to Cheena, tingin ko'y hindi rin naman niya magugustuhan. Hindi nga ba? Or sadyang bullseye lang ang topic na 'to for me dahil gusto kong mapalapit nang husto kay Brandon?

The Weird Thesis (Boyxboy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu