Chapter 5: Weird Topic

10.2K 437 53
                                    

"Only two teams will pass!"

Paulit-ulit na rumerehistro sa isip ko ang sinabing 'yun ni Mr. Dimapaslang. Kung by partners, it only means na apat lang individually ang papasa at anim ang babagsak sa proyektong ito. That is very unbelievable and irrational. Ano 'to? Isang game show kung saan may nananalo at may natatalo?

"What do you mean two partners lang ang papasa? Napaka-unfair naman nun. Everyone deserves to pass if they made it right," himutok nung medyo payat na estudyante na hindi masyadong pamilyar sa 'kin.

"Oo nga Sir!" pagsang-ayon nung dalawa pang estudyante hanggang ang lahat ay may kaniya-kanyang daing sa anunsyong iyon ng Professor ko. Parang nagbuklod ang mga himutok nila in a form of mini-rally, nakaupo nga lang. Napatingin ako sa likod at tanging si Brandon lang ang walang reaksyon. Medyo may agwat ang silya niya sa katabi niya na siguro'y feeling uncomfortable sa mga nangyayari.

"The worst is.... walang pumasa," my Professor added. "There's always a next time in this subject right?" he grinned devilishly.

"But Sir, it's unfair. It's really unfair na ganito ang magiging consequence namin dahil kami ang lowest sa exam. 'Di ko nga alam kung ba't ako lowest pero," ani ni Gwyneth na pinutol naman ng Professor ko.

"Hindi ko rin alam kung bakit ka lowest," he said sarcastically. "At bakit ba iniisip niyo na babagsak kayo? If you are confident enought to yourselves, you'll not entertain the idea of failing in this project. I know where you're coming from but your attitude is not fit for the subject kung ganyan lang ang ipinapakita niyo sa 'kin."

Biglang natahimik ang lahat sa litanya ng Professor ko. Gusto ko sanang sumabat dahil it doesn't take a genius para maisip na what he's doing is very ridiculous. Buti na lang may attitude akong game at palaban kaya hindi na rin ako nag-aksaya ng panahong kwestyunin pa siya. I'm just thinking to myself.... BRING IT ON PROFESSOR. There's nothing that I can't do at this time.

"Every year, I'm failing a lot of students. Worst is more than half of the class. And it's not my fault. It's their fault. I don't care if they are running for certain honors or what. Maipasa mo lang ang subject ko, we're good. And since you failed to meet my pre requirements, I'm regret to announce that this idea is your last shot. I oriented you already..... FAIL OR PASS! It's either Flat 1 or Flat 5. That's how this project works. "

Nanlaki ang mga mata ko sa inihayag ni Mr. Dimapaslang. It's either 1 or 5 lang ang grade namin. At ang malupit e apat lang ang papasa. Instead na ma-threatened ako'y para akong ginanahan. Wala sa bokabularyo ko ang umuwing luhaan. Kung gusto niya ng ganitong laro e pagbibigyan ko ang weird fetish nitong Professor ko.

"So, okay lang Sir na hindi na kami pumasok sa klase niyo dahil kailangan naming gawin ang ipagagawa nyo, kung ano man 'yun?" I asked him.

"It's your choice! If you wanted to miss a topic, and you're confident that you know better than me, it's okay. Just make see to it that you will accomplish your assigned projects," sagot niya sa 'kin.

"Okay?!" sabay upo ko. Gusto ko sanang hindi na pumasok pero kailangan pa rin pala dahil alam kong interesanteng magturo ang professor na 'to.

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon