Chapter 12: The Weird Party Part 2

10.3K 289 27
                                    

"It's very rare na your Ex could possibly be your Best Friend. The idea is so cool!" masayang sambit ni Brandon while he's driving on the way to our destination to Cavite. I'm here sitting sa Frontseat ng Car katabi niya while Zerica is sitting at the backseat.

"I think it's not Cool, It's Hot! Don't you think Wesley?" sagot ni Zerica in a very seductive manner. Napalingon ako sa kanya sa likuran at 'yun, ngatngat ngatngat ang kanyang Multigrain Chips habang naka slouch sa backseat.

"You know Brandon, there's a deeper story behind our friendship," sagot ko naman.

"Gaano ba ka deep 'yang story na 'yan? Gusto kong malaman," tiningnan niya ako at nginitian. He stopped when the Stop Light turned red.

Zerica moved forward upang pumagitna sa 'min and to have a better view of us sa likod ng mga seats namin. "Coz I'm a Lesbian. And he's......" pagputol niya. Bago pa man siya madulas ay sinenyasan ko na siya gamit ang pagkumpas ng aking kanang mata.

"A Jerk!" pagpapatuloy niya. "Yeah, he's a Jerk!"

Kung nadulas si Zerica at may masabing kung anong hindi ko magugustuhan, alam na niya kung paano ako humagupit. Sinakyan ko na lang ang sinabi niya kahit mas mukha pa siyang Jerk kesa sa 'kin. "Yeah I'm a Jerk Brandon. Sino ba namang magtiya-tiyaga sa babaeng iniwan ka at ipinagpalit ka sa..... isa ring babae? Baliw na talaga ako no?!"

"Alam mo Wesley, bilib ako sayo. If I'm in your position, I'll be forever bitter, and I'll consider her non-existent anymore. Sorry Zerica," pagpapasintabi niya.

"No that's okay. It's your opinion...."- Zerica.

"Mahirap kaseng lokohin ka ng Fiancee mo, at hindi ko matatanggap 'yun kahit kailan," dagdag ni Brandon. He moved forward when the light went green.

Gusto ko sanang i-defend si Zerica dahil baka nag-assume itong si Brandon na totally e pinagtaksilan ako ng EX ko. There might be a hint pero I knew naman kung anong struggle ang pinagdaanan niya before niyang aminin sa 'kin na mas type niya ang babae kesa sa lalaki. It was an emotional ride for both of us pero mas mabuti nang ganun kesa pareho lang naming niloloko ang isa't isa. Hence, we're still young at sa mas maagang stage ng aming pagtanda, we are trying to know ourselves better.

"It takes a little bit of understanding Pare. Sa una magiging bitter ka, pero pag nakapag-move on ka na, maaappreciate mo 'yung courage niya to come out, at hindi biro 'yun. Naisip ko kase, mas masakit kung pinagpalit niya ako sa ibang lalaki. Pero ang situation niya, it's a preference issue kaya.... natanggap ko rin naman kinalaunan. 'Yun nga lang, it's painful but you have to deal with it..... Life sucks most of the time."

Napangiti si Brandon na tila na-gets naman ang hugot ko. Base sa pinapakita niyang ugali, may pagka-firm din pala ang pag-uugali nito, in a nice way.

"For your information Brandon," sabat ng lesbiyana kong Ex. "Siya naman ang gustong makipag kaibigan sa 'kin. Shinu-Shoo away ko na siya sa life ko before pero dikit pa rin siya ng dikit sa 'kin. Kausapin mo minsan 'yan baka mamaya he's planning to win me back."

We all laughed with the awkward thoughts of my Ex. Sinabi ko na rin sa kanya before na when she admitted na lesbian siya, wala na akong libog sa kanya. As in wala, e hindi pa nga kami nakakapagsex niyan e at the first place.

"Kaya nga gusto ko 'yung bond niyong dalawa. Very strange, at nakakatuwa na merong ganyang klaseng relationship ang nag-eexist sa mundo. Maybe I'm stuck in my own box kaya hindi pa ako masyadong open sa other side of the world."

Brandon nailed it... but not quite. He nailed it because may pagka-naive pa rin siya about the weirdness of our society basing on how he comment. Not, because I find him open-minded sometimes. Mabilis nga niyang na-embrace 'yung magiging Topic namin sa Psychology na wala man lang violent reaction o ka-against against.

The Weird Thesis (Boyxboy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz