Chapter 7: Weird Fantasy

11.8K 334 45
                                    

Usually I hate Mondays, but this day is designed for me to make it special. Para nga akong timang dahil nangingiti na lang ako nang hindi ko namamalayan just thinking na Brandon and I will discuss our topic for our thesis today. Bumangon ako ng may ngiti sa aking labi. Simple things that really make my day extra special.


"Anak, wala ka bang balak sunduin ang Kuya mo sa Airport? 4:00pm ang arrival niya," bilin sa 'kin ni Mommy. Pangatlong beses na niyang inulit ito and I always give her the same answer; No. At kung wala man akong pasok today, wala rin akong balak na sunduin siya. Hindi kami magkagalit ng Kuya ko pero wala ako sa mood na makita siya.


"Sabi ko na sayo may klase ako diba?" medyo pairita kong sabi. Naka school uniform na nga ako at aalis na lang papunta ng school pero itong Mommy ko ay kino-convince pa rin niya akong sunduin ang Kuya ko. "Magkikita at magkikita naman kami nun later. Malaki na siya."


"Wala kaseng magsusundo sa kanya. Ako'y hindi pwede dahil inaatake ako ng Rayuma," dahilan niya.


"He will understand Mommy. O sige mauna na 'ko. Andyan na 'yung sundo ko," bineso beso ko siya tapos sabay takbo papalabas. Umiiwas kase ako sa kanya baka to the last minute e i-convince pa niya akong sunduin si Kuya. My Mother is my weakness kaya baka bumigay ako sa pabor niya kung magtagal pa ako sa bahay.


"Mukhang nagmamadali ka ah?" tanong ni Zerica nang makita niya akong patakbong lumabas ng bahay papuntang car niya.


"Si Mommy kase.... ang kulit!" tanging dahilan ko.


Pinaandar na niya ang kotse papuntang school. Tuwing lunes ay medyo maaga kami ni Zerica para makaiwas sa mahabang traffic dahil sa ginagawang daanan malapit sa tinitirahan namin. Napaka pathetic lang ng road works dito na hindi matapos tapos at inabutan na ng isang tao'y hindi pa rin magawa ng maayos.


"Siya nga pala, confirmed na ba na isusumbong ni Cheena si Mr. Dimapaslang?" tanong ko sa kanya habang siya'y nagda-drive.


She just shrugged. "I don't know bestfriend. Let's see later. Alam mo naman, chismis spreads like fire."


Tinanguan ko na lang siya sa sinabi niya. If Cheena became successful sa pagsumbong niya at mapatunayang Mr. Dimapaslang violated the rules of school because of that weird project, siguradong cancel ang proyekto naming 'yun at baka ma-terminate pa siya e kebago-bago lang sa campus.


"Pero sana matuloy pa rin ang project....." sabi ko. Expectedly, my bestfriend stared at me showing me a contorted face na parang na-wirduhan sa sinabi ko.


"Seriously Wesley? Hello, dalawang partners lang ang papasa. Atsaka ang hirap ng pinapagawa niya. O c'mmon? Gusto mo lang  ma-push through 'yung project because kapartner mo si Brandon. I know right?"


Nangiti ako sa sinabi niya. Sa loob loob ko'y, ayun talaga ang major na dahilan. Mukhang I'm having a good next step with Brandon kahit our start was a heck of a mess. Pero gayunpaman, I'm also interested about the topic, and being competitive to survive and win, at maka-uno sa subject na 'yun.


"Sabi ko na nga ba friendship. Very evident sa mga ngiti mo uy! You like for that crap to push through dahil mamamanyak mo na si Brandon. I know right?" dagdag pa ni Zerica.

The Weird Thesis (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon