Chapter 24 ♥ Complicated

Magsimula sa umpisa
                                    

"You and Pietr... will pay."

Hindi ko talaga maiwasang mabahala. Ano bang nagawa ko sa kanya at ganun na lang ang galit nya sa akin? Bumuntong hininga ako ng napakalalim. Hay buhay, problema. Problema na naman. Pero ang tanong, si Blow nga ba talaga yun? O sadyang ginugulo lang talaga ako ng isipan ko?

 "Serene." 

May biglang humawak sa balikat ko at kusang gumalaw ang katawan ko. Pinilipit ko ang kamay nya sabay madaliang galaw. Ibabalibag ko na sana ang misteryosong tao na 'to ng mapagtanto kung sino sya. 

"Aries?" gulat na bulalas ko. Akala ko kung sino na. 

Akala ko si Blow... na gustong tapusin ang buhay ko. 

Patuloy pa rin sya sa pag-aray kaya agad ko syang binitawan. Sa di kalayuan, binigyan kami ng masamang tingin ng librarian at malakas na nag-'sshh' sa amin. Hinila ko si Aries para paupuin sa upuan kasama ko. Pabulong akong humingi ng tawad.

"Grabe. Hindi nga sila nagbibiro noong sinabi nilang 'don't mess with the gangster queen. It's lethal.'

Natawa ako ng konti pero agad ding nag-'sshh' sa kanya dahil baka may makarinig sa sinabi nya. Pinipilit man nyang ngumiti sa akin pabalik, hindi nya ito lubusang magawa dahil napapangiwi pa rin sya sa sakit na naidulot ko. Nakokonsensya tuloy ako. 

"Kasalanan mo yan eh. Ginugulat mo ako." reklamo ko sabay tupi ng mga braso sa dibdib. That statement was half true though. Kasalanan ko rin. Bakit ba kasi napakabayolente kong tao? Sa mga sitwasyong ganito ayoko ng ginugulat lalo na kung alam kong may panganib na nagbabadya sa paligid. Hindi ko kasi alam kung ano ang magagawa ko. Kusang gumagalaw ang katawan ng hindi ko namamalayan. Side effect siguro ng training namin kay Lady Magdaleine. Haha! 

"Kamusta na pala? Ang tagal nating hindi nagkita ah." ngumiti ako. Sa pagkakaalala ko huli ko syang makita noong pagkatapos ng Battle of the Gangs. Medjo matagal tagal na rin talaga. 

"Oo nga eh. It's good to see you here. Hindi ko nga akalain na makikita kita rito. Ano ba ang ginagawa mo at nag-iisa ka?" tanong nya

"I'm not alone, may hinihintay ako." 

"Sino?" 

"Si Jace."

Hindi man sya sumagot pero nakita ko na nagform ng 'oh' shape ang bibig nya. Pagkatapos ay sumandal sya sa inuupuan sabay lagay ng dalawang kamay sa may batok at taas ng dalawang paa sa mesa na akala mo sya ang may ari ng library na 'to. 

"Ikaw ba? Anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka rin ba?" muli kong ibinaling ang tingin sa binabasa kong libro. Nawala na sa isip ko ang tungkol kay Blow. Kung nandito man sya at tahimik na nagmamatyag sa paligid para tapusin ako. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong iyon ay magiging handa ako. 

 Teka, saan na nga bang pahina ako huminto? 

"I'm waiting for my master." sagot nya na nagpahinto sa akin sa ginagawa ko. Master? Ibig ba nyang sabihin...

"Wait, nandito si Pietr?" 

I knew it. Kaya pala noong tumawag sya sa akin kanina noong umugong yung cruise ship pati sa kanya ay may narinig din akong pag-ugong. 

Pasimpleng tumango sa akin si Aries na sinuklian ko naman ng naguguluhang tingin. Anong ginagawa ni Pietr dito? Tapos maya maya ay may biglang pumasok sa isip ko. Naalala ko noong unang beses kong nakita ulit si Pietr sa company nila Jace, narinig kong sinabi nya na sya na raw ang magiging bagong vice president ng company nila. Ilang beses ko ng binalak itanong kay Jace kung totoo yun pero lagi kong nakakalimutan. So totoo nga? 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon