EPILOGUE

6.2K 279 57
                                    

**Sheign's Point of View**


"Nathan Carl Lazaro!!! Asan ka nanaman?!" Sigaw ko sa paligid ng mansyon, argh napakakulit talaga ng batang 'to manang-mana sa tatay n'ya. Lagi akong pinag-aalala.

"And'yan na mommy!" Naaninag ko ang bagsak at itim n'yang buhok, ang mga mata n'yang parang laging maluluha, ang ngiti n'yang aboy tenga habang tumatakbo papalapit sakin. Napaatras ako ng bahagya dahil sa lakas ng impact ng pagkayakap n'ya sakin.

"Nathan ayan tingnan mo ang dumi mo na! Hindi pa nga tayo nakakaalis eh! Hala pumasok ka sa loob, magpabihis ka sa Mami-la mo! And don't forget a goodbye kiss to Mamang!"

"Okay po"

Hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan s'yang umakyat sa staircase.. Saglit pa s'yang tumigil sa harap ng painting ng tatay nya saka tuluyang pumunta sa kwarto.

Pitong taon na ang nakalipas.. Pero parang kahapon lang..

Inalalayan ako ni Mamang habang kinakausap nila Mommy at Daddy ang mga bisita, Dinala ako ni Mamang sa kwartong pinakamalapit. Doon ako tuluyang umiyak.. Why is it that today should be the happiest day of mylife then it suddenly turned to be the most depressive and traumatic of all? Bakit?! Bakit kailangan paulit-ulit madurog ang puso ko?! Bakit hindi pwedeng maging masaya na lang kami?! I would rather welcome death like a friend than suffer my whole damn life without him!!

"Sheign... Alam mong hindi s'ya umalis, and'yan lang s'ya lagi..babantayan ka at hinding-hindi nya mapapatawad ang sarili n'ya kung may mangyaring masama sa'yo dahil sa kanya." Ani Lola habang hinihimas ang likod ko.

Hindi ko magawang magsalita.. It's like there's a knot inside my throat. Gusto ko lang iiyak lahat, ubusin ang luha ko.. Baka sakaling mabawasan yung sakit..baka sakaling mamanhid ako kahit saglit lang.

"Halika uminom ka ng tubig".

Pinilit kong tumayo, naninikip na rin ang dibdib ko pero bago ko pa man maabot ang baso ay parang biglang umikot na ang paligid ko at saka tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko.

***

"S-sheign apo?" Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, sobrang liwanag ng paligid pero hindi ko maaninag kung nasaan ako. ",heto isuot mo" may nagsuot sa akin ng salamin ko, then finally I recognize where I am.

"Dinala ka namin sa ospital nung nahimatay ka." Malamig na tinig ni mommy. Marahan akong umupo at sumandal sa headboard ng hospital bed.

"S-sheign apo...b-bakit?" Garalgal ang boses ni lola saka tuluyang itinakip sa mukha ang mga palad niya at tuluyang umiyak.

"A-ano ho yun la?"

"Hindi ba binalaan ka na ng Lola mo? Ano ka ba Sheign?! Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!" Pasigaw na sabi ni Daddy.

"Ano ho bang nangyayari?! Naguguluhan ho ako!" Napataas na rin ang boses ko, hindi ko alam kung bakit lahat sila ay parang galit sa akin, ano bang nagawa ko?

"Buntis ka Sheign." Sagot ni mommy.

I felt my blood drains from my face, nanlamig lalo ang mga palad ko at parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng puso ko.. It took a minute before I processed what my mom said, nanaig ang katahimikan sa kwarto.. Naramdaman ko na lang na may mainit na likidong umaagos sa mga mata ko.

Hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya.




Nag-angat ako ng mukha, lalong napakunot ang noo ni Daddy ng makita nya ang ngiti sa labi ko, I know they wouldn't understand, pero hindi ko pinagsisisihan na nabuntis ako ni Neight, this is what I'm really wishing for .. Knowing a part of him is living inside me..sobrang sarap sa pakiramdam.. Alam kong hindi ako masyadong maho-home sick sa pagkawala nya dahil mayroon s'yang iniwan sa akin. Pinakaimportanteng regalong maibibigay nya sa akin.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon