Chapter 14: Back to School

6K 284 19
                                    

**Sheign's Point of View**

Nang magising ako ay narito na ako sa bahay, tsk! Kaya nga ba ayaw ko ng pumasok sa school eh ganito lang naman ang mangyayari, alangan namang hayaan ko na lang na husgahan nila ako ng basta-basta eh hindi naman nila alam ang totoong nangyari.

Teka! Tama! kaylangan ko ng taong maglilinis ng pangalan ko, at si Kyle lang ang makakagawa non.

__________________________________________________________________________________

Kinaumagahan...

"Mhie! pasok na ho ako !", patakbo kong kinuha ang bag ko.

"Aba'y akala ko ba ayaw mo nang pumasok?!", hinalikan ko na ang pisngi niya.

"No mom, someone told me na kaylangan kong magpakatatag at protektahan ang sarili ko laban sa iba, at tama sya mhie! I have to clean my name" , Lumabas na ako ng bahay saka sumakay ng jeep.

Pagdating ko sa school ay nariyan parin 'yong mga estudyanteng nagbubulungan at nagtatawanan pero hindi ko na sila pinansin, what's the sense of explaining for the thing that wasn't even true.

Dumeretso ako sa Gym kung saan naroon ang buong team nila Kyle. Napahinto ako..

"Oh akina tig-pa-five hundred nyo mga kupal! hahahaha" , tawa ni Kyle habang kinukolekta ang pera mula sa mga teammates niya.

"Iba ka talaga team captain !lahat ng babae napapa-ikot mo!", si Art.

"Ako pa ba?! ", pagyayabang niya.

"Hahaha! bilib na talaga kami sa'yo team captain ,bira mo naka-shoot ka pa! panalo ka na nga sa pustahan, may bonus pa!", si Derek ,malalaki ang hakbang kong nilapitan si Kyle para komprontahin.

"Hoy! Mag-usap nga tayo! pwede bang sabihin mo sa kanila ang totoo! nung araw na pinagtangkaan mo akong reypin! tapos pinapalabas mo na may nangyari talaga satin ?!ang kapal ng mukha mo, wala ka na ngang respeto, sinungaling ka pa !", bulyaw ko na nakapukaw ng atensyon ng buong teammates niya.

"C'mon let's talk privately.", hinawakan niya ang braso ko.

Mabilis lumipad ang kamay ko sa mukha niya. "Bakit?! ayaw mo bang malaman nila ang kasinungalingan mo? ", hindi ko napigilan ang mapa-iyak. "Kyle minahal kita! I even loved you more than myself ang dami kong binalewala para sa'yo, Natuto akong magsinungaling sa parents ko para lang makasama ka! tapos ano? pinaglaruan mo ko! pinagkatuwaan! " ,napaupo na ako sa sahig saka umiyak ng umiyak.

"Sheign..."

"Alam ko namang tanga ako! wirdo, bobo, pero sana man lang nirespeto mo ko Kyle! Think about it, may nanay ka rin at babae sya and someday magkaka-anak kang babae ..will you let someone hurt her just like what you did to me? ang sama mo Kyle! Ang sama mo !!" , pinilit kong tumayo at saka nagtatatakbo palabas ng gym, fvck! ang sakit sa dibdib sobra.

Lalabas na sana ako ng gate ng school ...pero napahinto ako. Kasi..

"Neight ?" , patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? ibinalik na ba sya sa'kin? Hindi ako makagalaw, napako na ako sa kinatatayuan ko...papalapit sya sa akin!

"Neight!" , yayakapin ko na sana sya but he just passed me by. Nilagpasan niya ako na para bang isang estranghero, parang hindi nya ako kilala! Pagharap ko sa direksyong pinupuntahan nya...Papalapit sya kay Aya?!

"Hi.." , bati ni Neight sa kanya, hindi ako makapaniwala! naduling na ba sya o baka naman nanlabo na ang mga mata nya sa sobrang katandaan. Nagmamadali ko syang nilapitan at niyakap mula sa likuran.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon