Chapter 40: Truth and Forgiveness

4.1K 175 23
                                    

**Neight's Point of View**

Yakap ko pa rin s'ya ng mahigpit, pakiramdam ko ay ayaw ko na s'yang bitawan... parang ayoko nang malayo pa sa kanya. I could feel her heart beat, the way she breath.. and the way she hugs me, as if she'll break anytime as I leave.

"Sshh.. kamusta ang pakiramdam mo?" pinalis ko ang mga luha sa pisngi n'ya saka umupo sa tabi n'ya.

"I-I'm fine.. pero pa'no? Pa'no ka nakaligtas kay Charlotte?" takang tanong niya. Tahimik lang na nakamasid sa amin si Mamang, si Kyle at ang mga magulang ni Sheign. Naipaliwanag na namin ni Mamang sa Mommy at Daddy niya ang lahat noong wala pa s'yang malay.

"Love conquers all. Natalo s'ya ng pagmamahal natin sa isa't isa Sheign... and you know what..." napayuko ako, pinipilit kong pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.

"Why? "

"I already remembered everything." She open her mouth a bit. ",lahat-lahat naaalala ko na, mula sa pagkasunog ng mansyon, ang pananatili ko roon ng limampung taon, ang pagkakakilala ko sa'yo.. yung araw na naramdaman ko kung paano magmahal at masaktan. Araw na kinailangan ko ng iwan ka, ang kasunduan namin ni San Pedro... at ang muli kong pagbabalik."

"T-talaga? That's great." She said emotionless. Dahil sa sinabi ko, para ko na ring sinampal sa kanya ang katotohanang sampung araw na lang ay tuluyan na akong nawawala.

"Uhm Neight.. siguro hayaan na muna natin s'yang magpahinga?" ani Mamang, napansin ko ang pag-iwas n'ya sakin ng tingin. Ang unti-unting pamumuo ng luha nya.. wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng silid.

"Neight.." mahinang tawag ni Mamang pagkalabas namin sa kwarto ni Sheign. "Naaawa ako sa apo ko. Wala naman s'yang nagawang kasalanan, nagmahal lang s'ya pero sa huli siya pa rin ang lubos na masasaktan at maiiwan."

"Alam ko ho, kung sana nga lang may paraan pa para magkasama kami, pero alam ho natin pareho na wala na kaming magagawa pa. Mahirap man tanggapin pero kailangan n'ya nang matuto mabuhay ng wala ako." it hurts so much, wala na palang mas sasakit pa sa katotohanang wala ka ng magagawa para ipaglaban ang relasyong pinangarap mo.

"Iyang sinasabi mo ay napakaimposible, sa lahat ng mga nangyari sa inyong dalawa sa tingin mo ba basta-basta ka na lang n'ya makakalimutan? Neight habang buhay kang mawawala! Kilala ko si Sheign, kapag may mahal s'ya hinding-hindi n'ya 'to malilimutan." giit niya. Napayuko na lang ako, there's only 10 days left for us masyadong maigsing panahon. Kung sana noon pa ko nakaalala, kung sana hindi ko s'ya nasaktan sa pakikipagrelasyon kay Aya edi sana'y kahit papano mahaba-habang panahon kami naging masayang magkasama.

"Neight..." Nag-angat ako ng ulo, seryoso ang hitsura ni Mamang. "Can I ask a favor?"

Hindi ako agad naka-imik."A-ano ho 'yon?"

"Sa simula pa lang ay sinabihan ko na si Sheign na 'wag ka n'yang sasagutin. Na layuan ka n'ya dahil natatakot akong mapahamak s'ya dahil sa'yo". Muli akong napayuko.

"I understand."

"Pero ngayon, hinihiling ko na sana mapasaya mo ang apo ko bago ka tuluyang umalis". Napakunot noo ako.

"Ano hong ibig n'yong sabihin?"

"Think of it. Bahala ka na sa nais mong gawin, ako nang bahala kumausap sa magulang n'ya basta siguruhin mong hindi na uli s'ya mapapahamak." tinapik n'ya ako sa balikat saka tuluyan ng umalis.

Ilang minuto pa kong nanatiling nakatayo sa labas ng silid ni Sheign... tama! May naisip na akong gawin. Alam kong sobra s'yang magiging masaya, pero alam ko ring masasaktan pa rin s'ya. Basta bahala na! It's now or never, wala nang panahon para magdalawang isip pa.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon