Chapter 25: You're Mine

6K 248 5
                                    

**Sheign's Point of View**

"S-sino ka?" nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran ko ang isang lalaki na nakatakip ng bonet ang mukha.

"S-sino ka?! A-anong ginagawa mo sa room ko? Kyaa----" nagsimula na akong mag-panic nang bigla niyang takpan ang bibig ko.

"Sshh." nakatitig lang sya sa akin habang pilit akong pumipikit at nagpupumiglas.

"argfhsdhgkj!! uhm! " pinipilit kong tanggalin ang pagkakatakip niya sa bibig ko pero mahigpit rin ang pagkakayakap niya sa akin, nagpagulong-gulong na kami sa bed ko nitong magnanakaw na nakapasok sa bahay namin.

"Shut up!" tila pabulong na sigaw nito ,then he drag me on the bed harshly, thanks God its soft, Diyos ko napaka-brutal naman nito! Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang kamay ko ...and...

Holy Sh*t I feel his body above me! Kasalukuyan kasi akong nakapikit. Ugh hindi yata ito basta magnanakaw, rapist pa ata! Huhu Lord help me, alam nyo namang para kay Neight lang ako 'di ba? Huwag nyo pong hayaang yurakan ng manyakis na iyan ang pagkababae ko.

" 'Wag po...maawa ka, ang sarili ko ay nakalaan na para sa isang tao huhuhu at hindi ikaw 'yon kuya gets mo? Para lang ako doon sa hambog na zombie na muling nabuhay dala ang angking talento sa pananakit at pagdurog sa puso ko lulan ng mapanukso at mapang-akit niyang katawan, pero kahit ganon ay mahal na mahal ko pa rin siya, at pagmamay-ari niya na ako!" tuloy-tuloy kong saad dahil talagang kinakabahan na ako sa kanya. Mariin pa rin akong nakapikit habang pinapakiramdaman siya.

"Open your eyes." I can smell the fragrance of his breath ,I can feel his face getting more closer to me. Pamilyar din ang amoy niya pero hindi ko na makuhang alalahanin kung kanino ko ba iyon huling naamoy.

"No please.." giit ko habang pilit na pinakakawala ang mga kamay ko sa pagkakatuon niya. But meanwhile I just felt his arms loosened from my wrist, at nagulat na lang ako nang maramdaman kong nakayakap na sa akin ang taong ito. Pero sino nga ba siya? Nakasuot pa rin kasi 'yong bonet sa ulo niya pero may kutob na ako. Noong nakita ko pa lang ang mga mata niya ay may ideya na ako kung sino ang lapastangan na ito...

Pero imposible, alam kong malabong mang-yari ang iniisip ko, hindi sa mga oras na ito sa ganitong pagkakataon.

"Mister?" matagal na rin siyang nakayakap sa akin at... sobrang init ng katawan niya. Ramdam ko rin ang bahagya niyang panginginig ,inabot ko na rin ang glasses ko sa table malapit sa kama.

"P-pwede ko bang tanggalin ang bonet mo?" I have this feeling that this man wouldn't do any harm to me and I guess he's somewhat related to me. Maingat kong hinawakan ang bonet sa parteng buhok niya. Napalunok ako habang dahan-dahan iyong inaalis.

Kinakabahan pa rin ako ,medyo nakadagan pa rin kasi siya sa'kin, tuluyan ko nang naalis ang bonet na suot niya...

"Neight?"
"So...you're mine right?" nakangiting saad niya saka muling pumikit. Kinusot ko pa ang mga mata ko kasi baka nananaginip lang ako! Pero hindi! I am fully awake at ramdam na ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko.

Lagot! ano nang gagawin ko ngayon. Muli ko syang tiningnan pero mukhang tuluyan na siyang nakatulog tsk! Ang bigat niya pa naman.

"Ugh! Hay grabe !" pinilit ko siyang itulak at sakto namang napahiga ito sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang mokong, magulo ang buhok niya at namumula ang mga pisngi at labi, nanginginig din ang baba nito.

Nangalumbaba ako habang tinitingnan siya. "Whoa ..ano bang pumasok sa isip ng hambog na ito at pinasok ako dito?!" kinapa ko ang noo niya, tss may lagnat pa siya ang init niya eh.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon