Chapter 34: Searching for the Truth

4.2K 182 12
                                    

**Neight's Point of View**

"What? Totoo ba 'yan?!" Kasalukuyan kong kausap ang aking private investigator sa isang payphone, oo hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil para mahanap ang salarin sa pagkamatay nila Papa.

"Yes sir, confirmed na bed ridden na ang matanda at naghihingalo na rin, nasa private hospital s'ya sa Laguna." Dagdag impormasyon pa niya.

Napabuntong hininga ako. "Fine, ako nang bahala. Pupuntahan na namin s'ya as soon as possible." Ibinaba ko na ang telepono saka bumalik sa aking apartment, naghanda na ako para umalis. Hindi muna ako papasok sa trabaho dahil mas importanteng makalap ko na ang impormasyon. At kung sakaling may kinalaman nga ang pamilya ni Kyle dito, sisiguruhin kong ako mismo ang magpapabagsak sa kanila.

Dinampot ko na ang susi ng kotse saka nilisan ang aking apartment, dumaan ako sa bahay nila Sheign, oo sa bahay ng girlfriend ko. Inabangan ko ang paglabas niya, buti na lang at wala 'yong epal na si Kyle.

Sumilay ang mga ngiti sa labi ko nang sa wakas ay lumabas na siya sa pintuan. Napakaganda n'ya talaga, napakapamilyar ng mga ngiti niya para bang matagal ko na 'yong nakita at palagi ako nitong pinapasaya.

Bumaba ako ng kotse upang salubungin s'ya, nanlaki pa ang mga mata n'ya nang makita ako. "A-anong ginagawa mo rito?", aniya.

"Bakit wala ba kong karapatang sunduin ang girlfriend ko?" I said with a smirk.

"Sshh ano ka ba, baka marinig ka nila daddy." Nahh, bakit ba kasi hindi pa n'ya sabihin na kami na?!

"Oh, oo nga pala. Tara, ipakilala mo na ko sa kanila as your boyfriend." Akmang hahawakan ko na ang kamay niya nang dumilim ang mukha nito.

"Neight...I'm sorry, pero sana h'wag na muna ngayon, " ano bang probleme, bakit parang natatakot s'ya? "Uhm, tara baka ma-late na tayo eh."

Kinuha n'ya ang kamay ko at sabay kaming sumakay sa kotse, hindi ko na muna uusisain kung bakit. Nasisiguro ko namang may dahilan s'ya kung bakit ayaw pa niya akong ipakilala sa parents niya. "Hey, bakit parang malungkot ka?" para kasing napakalalim ng iniisip niya eh.


"Huh, h-hindi ah! Oy teka maling daan 'to ah, san mo ko dadalhin?!" biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang finally ay ma-realize nito na ibang ruta ang tinatahak namin.

"Here, tingnan mo," inabot ko sa kanya ang brown envelope na kinalalagyan ng mga impormasyon. "Retired Police Superintendent Henry Gallardo, 83 years old, currently staying on Laguna Doctors Hospital. Bedridden na ito simula nang atakihin sa puso." Ipinaliwanag ko na rin sa kanya ang laman noon.


"Don't tell me, pupuntahan natin 'to!" pfft, namewang pa talaga si sayad.

"Didn't I told you yet? uhmm well, yes pupuntahan natin s'ya. Hindi pa ba obvious?" Madalas talagang maiwan nitong si Sheign ang common sense n'ya sa CR.


"Ugh! Not now!" Tili n'ya pa.


"Yes now." Nakangiting tugon ko.

"Ba't ba ang hilig mo sa pabigla-bigla? Hindi mo man lang talaga ako sinabihan no? Tingnan mo nga 'tong suot ko, para kong dadalo ng job interview eh." Nag-cross arms pa ito saka padabog na sumandal sa upuan habang nakanguso.

"Ang ganda nga eh, " nilingon ko s'ya, namumula na pala ang mga pisngi nito.

"Ah basta, ayoko sumama, ibaba mo na ko!" agad kong itinabi ang kotse. Pinakbukas ko pa s'ya ng pinto.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon