Chapter 44: Painful Wedding

5.2K 208 37
                                    

**Sheign's Point of View**

"Nasaan na yung Groom?"

"Oo nga? Anong oras na ah ba't wala pa s'ya?"

"Baka naman hindi na sisipot."

Narinig kong bulong-bulungan ng mga tao, narito lang ako sa kotse at hinihintay ang pagdating ni Neight. Bakit kaya wala pa s'ya? Hindi kaya kinuha na sya? Pero bakit, di ba mamayang gabi pa? Or maybe bukas pa dapat?! No! Mabilis akong bumaba ng kotse.

"Neight?! Nasan ka?!" Sigaw ko saka tumakbo sa loob ng mansyon, pero biglang nagbago ang itsura noon at nagbalik sa dating marumi at walang buhay. Nagulat ako nang biglang bumalibag pasarado ang malaking pinto.

"Ahhhh!! Neight?!!" Sigaw ako ng sigaw saka tumakbo pataas ng staircase, nasa kalagitnaan pa lang ako nang makita kong tumingin sakin ang painting no Neight, yung lifesize painting nya ay parang biglang nabuhay. Binilisan ko ang pagtakbo para makalapit doon pero kinawayan nya lang ako saka biglang naglaho.

"Noooo!!!" Kinalampag ko ang bakanteng frame, wala na sya roon. "Neight! Bumalik ka, hindi ko kaya Neight please!!" Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat, umiikot ang paligid at walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Naninikip na rin ang dibdib ko kasabay nang patuloy na paglamon ng kadiliman sa loob ng mansyon.

"Neeeeeight!!!!"

"Neeeeeeeight!!!"

"Sheign!!" Napabalikwas ako, alalang mukha nila Mommy at Daddy ang sumalubong sakin, tagaktak ang pawis ko na para bang kagagaling ko lang sa isang karera.

"Kanina ka pa namin ginigising ng daddy mo." Inabutan ako ni mommy ng tubig, ininom ko yon agad saka huminga ng malalim.

"N-nasaan ho si Neight?" Maluha-luha kong tanong.

"Apo tumatawag si Neight." Rinig kong tawag ni lola mula sa baba. Mabilis akong tumayo at sinuot ang salamin at tsinelas ko.

"Andyan na ho." Kandadapa pa akong bumaba ng hagdan, mabilis kong kinuha ang telepono kay Lola.

"Neight?! Asan ka? Okay ka lang ba? Hindi ka pa ba umaalis? Hindi ka pa ba kinukuha?" Garalgal ang boses ko at nagpipigil umiyak.

"Shh andito lang ako, nagbibihis kaya mag-prepare ka na din sayad anong oras na oh kakagising mo lang daw." Napi-picture ko pa ang mukha nyang naka-pokerface. Nakahinga ako ng maluwag, siguro naman pagbibigyan parin kaming matuloy ang kasal.

"Oo na po, sige bye bye." Binaba ko na ang telepono.

"Okay ka lang ba anak?" Bakas parin ang pag-aalala sa mukha ni daddy.

"I'm fine dad, maliligo na po ako." Lahat sila ay mukang nakaligo na at handa nang mag-ayos ng sarili, kaya binilisan ko na rin ang pagkilos. Manipis na make-up lang at tamang ayos ng buhok. Finally.. Ang wedding gown ko! Isinuot ko na iyon at bagay na bagay naman sa akin.

"Ate Sheign!" Biglang pumasok sa loob si Jazel, ang pinsan ko kasama si Tita Joan. Si Jazel ang kinuha kong bride's maid. "Wow ate ang ganda mo!!! Pero mas bagay parin kami ni Neight! Hmp!" Pabiro n'yang sabi, alam ko namang hindi parin nawawala ang pagnanasa ng bruhang 'to sa zombie ko no.

"Well sorry ka na lang kasi kami na ang ikakasal." Sagot ko saka nag-make face.

"Nye nye nye..." Pairap-irap pa sya. Pft ang sarap talagang asarin ng topak na to.

"Hay naku magtigil na kayo, bilisan mo na dyan Sheign, 'wag mong paghintayin ng matagal ang groom mo." Sabi ni tita Joan saka ikinabit ang kwintas sa leeg ko.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon