Chapter 16: Crazy for You!!

5.8K 325 35
                                    

**Sheign's Point of View**

~krrrrriiiiiiiiiiingggggg~

Argh! leche ang ingay naman ng alarm clock na 'to!

"Tumahimik ka! Hindi ako papasok!!", pinaghahampas ko ang pobreng alarm clock pero sa halip na huminto ito ng katutunog ay tila lalo pa ata itong lumakas. "Aargh!! Shut the fvck up!" , Ibinato ko sa pader ang alarm clock.

"Manggigising ka? Paasahin mo ko na pumasok sa lecheng eskwelahan na 'yan ? Tapos ano makikita ko nanaman si Neight na nakikipaglandian sa ibang babae? Well I'm telling you! Ayokooo!!!!", sigaw ko na dumagundong sa buong kabahayan.

"Sheign Anak! " ,humahangos na binuksan ni Mommy ang pinto ng room ko. I just cover myself with the blanket, wala ako sa mood na makipag-usap sa kahit na sino.

Lumapit sya sa akin. " Sheign, wala akong ideya kung bakit ka nagkakanyan eh at pakiramdam ko napaka-useless kong nanay sa'yo dahil hindi man lang kita matulungan sa problema mo, but how can I help you kung hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan.", mom said in a soft voice.

"I'm sorry mhie, I just wanna be alone today..please just for today."

Bumuntong hininga muna si mommy bago tumayo. "Fine, I'll tell your Lola to talk to you later kapag gising na sya, Hindi ka nya napuntahan dito kahapon dahil inatake sya ng rayuma.", narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Umupo ako sa bed ko. "Neeeeeiight!", Pano naman kasi ako hindi maiiyak, kung kada tinggin ko dito sa bahay namin ay nagpapaalala sa kanya. "Huhuhu Lee Min Ho my love kunin mo na ko dito! dyan na lang ako sa korea!! I'm willing to be your personal slave!!", I said habang hinahaplos ang malaking poster ng prince charming.

Mayamaya ay bumaling naman ako sa cabinet ko at binuksan iyon, kinuha ko ang mga watty books ko at pinagbabato iyon sa kama.

"Waaaahhh Neight bakeeet? baaakeet?!!", Sumubsob ako sa kama, then pag-angat ko ng ulo ko ay sumalubong sa akin ang mga masasamang tingin ng mga maliliit na nilalang sa harapan ko ,kinuha ko ang glasses ko mula sa table then I was shocked when I found out na sina Avah, Zeke, Cross at Eya pala ang maliliit na nilalang sa harap ko!!

"B-bakit ....p-ano?", nauutal ako, pano ba naman kasi ay isa-isa silang naglalapitan sa amin eh.

"Hoy! Stupid! Tumayo ka nga dyan ,dressed up yourself ,put some make-up at pumasok ka sa eskwelahan nyo with your highest confidence? Hala bilisan mo! Ano aarte pa?", nakapamewang na pagtataray nitong si Avah.

Inayos ko ang salamin ko para siguraduhing sila nga ang nasa harapan ko. "B-but..".

"Ano? gagaya ka na lang sa'kin? Laging nabubully at pinagtatawanan?!" ,sagot ni Eya.

"Pss...panget mo kase! Alam mo Sheign kung eto ngang si Eya na pagka-Panget Panget ay nagustuhan ko, ikaw pa kaya? Maraming lalaki dyan!", sagot naman ni Cross na in-emphasize pa ang words na panget sa mga sinabi niya.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon