Chapter 17: The Signs

5.9K 283 24
                                    


**Kyle's Point of View**

Maaga akong gumising at nag-ayos ng sarili, ngayong araw ko sana balak makipag-ayos kay Sheign, and I'll make sure she will be mine, by hook or by crook! Kung hindi nga lang talaga dahil sa ego ko ay hinding-hindi ako papayag na pagtripan siya. Pero this time iba na desidido na akong mapasaakin siya.

Ininit ko na lang ang baked mac sa ref para sa almusal tapos ay pumasok na ako sa CR para maligo. I removed all my clothes at tinitingan ang aking katawan. "Ito ang tamang depinisyon ng salitang perpekto ", mataman kong pinagmasdan ang pinagpala kong pag-aari hanggang sa aking 6 pack abs at biseps. "And I am the perfect guy for you Sheign."

Mayamaya pa ay natapos na rin ako sa paghahanda ng aking sarili, tapos ay sumakay ba rin ako sa kotse ko saka tinahak ang daan patungo sa bahay nila Sheign.

**Sheign's Point of View**

Pagmulat ko ay sumalubong agad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw. Umupo ako at doon ko napagtanto na nasa isang malawak na damuhan pala ako, tanging mga puno lamang ang makikita roon at mayroon pang mga humuhuning ibon. Ilang sandali pa ay may natanaw akong taong papalapit, nasisilaw ako sa araw kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Sheign?.." tawag ng isang pamilyar na boses, agad akong tumayo upang makita ito. Pero sa gulat ko ay may biglang naglabasan na mga tupa mula sa kakahuyan.

"Neight?", isa-isang naglalapitan sa akin ang mga tupa na kapwa may mga nakapintang numero sa katawan. "Saglit lang Neight!! Antayin mo lang ako dyan ah! Wag na wag kang aalis." tsk bakit ba nakangiti lang sya dun hindi ba nya nakikitang nahihirapan na ako dito may gana pa talaga siyang magpa-cute!

Nabigla ako nang biglang humanay ang mga tupa sa aking harapan, nakakatawa pa dahil in order pa talaga ang pagkakahanay nila.

"One....Two....Three..", bawat bilang ko ay umaalis na ang tupang nagmamay-ari ng numero at babalik na ulit doon sa kakahuyan.

"94...95....96.....97..." nakatitig lang ako kay Neight na kumakaway pa sa akin. "98.....99.....100!" masigla kong tinapos ang pagbilang, pero biglang nagbago ang paligid! Napuno ng kadiliman ang lugar, wala ng damo at puno. "Neight!! "Tumakbo ako ng mabilis pero parang hindi ako nausad.

"Sheign!! Tulungan mo ko!! " Fvck bakit ba kasi hindi sya ang lumapit sa akin ?! Nagulat ako nang unti-unting lumulubog ang lupa papunta sa kinatatayuan ni Neight.

"Neight! Takbo bilis!!" pero mabilis ang naging paglubog ng lupa hanggang sa tuluyan na syang lamunin nito. Nakaramdam ako ng kakaibang paninikip ng dibdib, namalatan ko na lang na narating ko na pala ang hukay na kinalaglagan ni Neight!

"Oh my God! " ,Natakpan ko ang bibig ko dahil....sa i-isang malawak na dagat na apoy ang binagsakan niya. Nakagat ko ang labi ko saka sunod-sunod na napa-iling ,naramdaman ko rin ang panginginig ng tuhod ko.

"NEEEEEEEIGHT!!!!!!" sumigaw ako ng sumigaw kahit pa humahapdi na ang lalamunan ko. Hindi! Hindi ko kakayaning mawala sya okay lang kahit hindi na nya ako maalala, just please!! Ayokong mawala siya!!

"Neeeeeeiiight!!!"

"Apo! Apo gising !!" ,napabalikwas ako, ang alalang mukha agad ni Lola ang sumalubong sa akin. "Nananaginip ka." Mabilis kong niyakap si Lola, yakap na sobrang higpit, doon ako umiyak ng umiyak.

"Apo bakit ka umiiyak? S-saka bakit ka nanginginig apo ,ano ba ang napanaginipan mo? " She cupped my face habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"Lo...La..s-si N-Neight ho-ho k-kasi..." hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Shh tahana ...", niyakap niya ulit ako at hinaplos ang buhok ko. "May bisita ka doon sa labas, anong sasabihin ko?".

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon