Chapter 18: Hunted Mansion Escapade part I

5.5K 290 26
                                    

**Neight's Point of View**

"Nathan, Aya tara na sa baba linisin natin yung kusina para makapagluto na tayo ng hapunan.", tawag ni Derek sa amin. Tumayo na kami mula sa pagkakahiga, nagpatiuna na si Aya sa paglakad.

"Bro, ang bilis mong duma-moves ah." may pagsiko pang nitong sabi.

"Ha? a-anong duma-moves? "

"Umiskor, doon oh kay Aya."

"Oy hindi ah, ang dumi ng utak mo, tara na nga!" patakbo na rin kaming pumunta sa baba. Nadatnan naming naglilinis ng sahig sila Sheign at Kyle habang sina Scarlett at Brittney ay naka-upo lang at panay ang pindot doon sa telepono ay hindi! Ta-ta..

"Ano ngang tawag doon?" bulong ko kay Derek.

"Touch Screen bro, iPhone! Anong taon ka ba nabuhay? Hahaha para kang Neanderthal ah." grabe naman kasi nakakabano ang mga gamit ngayon. Tsk.

"Ahm Brittney tara maglinis na tayo nakakahiya naman kina Kyle kung sila lang ang maglilinis diba? ".

"Fine."

Makalipas lang ang mahigit isang oras ay natapos na rin namin ang kusina, masyado itong malaki kaya yung parteng gagamitin lang namin ang aming nilinis.

"Haay sa wakas tapos na! Oh pano magluto na kayo." Kyle said na uminat pa.

"What? Anong kami eh hindi naman kami marunong magluto no!" sagot ni Brittney na sinang-ayunan din ni Aya at Scarlett.

"Ikaw Derek?"

"Team Captain naman, magaling ako kumain pero hanggang 'don lang 'yon, hindi ako marunong magluto." sagot naman nito.

"I'll do it!"
"Ako na lang!" oops nagkasabay pa kaming nagprisinta ni Sheign. Napatingin sila sa aming dalawa.

"Ako na!"si Sheign.
"Ako na!" Ako.

"Oh sige ikaw na!" ako.
"Fine, ikaw na! ,si Sheign.

"Naahh !!Ang gulo nyo naman eh!! Kayo na lang kayang dalwa! Tara na nga doon tayo sa sala."Maktol ni Derek. Lumabas na sila at tanging kami na lang ni Sheign ang naiwan kasama ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Nagdala kami ng gasulito para may mapaglutuan.

"Alam mo ang epal mo talaga kahit kailan." sabi ko nang akmang dadamputin ko na ang supot ng mga rekados pero saktong dinampot niya rin iyon kaya hindi sinasadyang nahawakan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa mukha niyang natatakpan ng makapal niyang salamin. Napatingin rin ito sa akin at b-bakit bigla ata siyang namula.

"I- I'm sorry." marahan kong binawi ang kamay ko, pakiramdam ko ay bigla siyang nahiya. "A-ano bang lulutuin natin?"

"Ha...ahm...m-marunong ka ba ng beef broccoli saka i-prito na lang natin 'tong isda." sabi pa niya habang isa-isang nilalabas ang mga ingredients.

"Sige ba." ako na ang naggayat ng mga sangkap habang siya naman ang nagluluto. "Saan ka nga pala natutong magluto?" tanong ko dahil mukhang wala siyang balak magsalita.

"Sa mga libro, mahilig kasi akong magbasa kaya kahit 'yong mga cookbook ay binabasa ko rin kapag walang ginagawa then ako na mismo ang nagluluto." paliwanag niya habang iginigisa ang bawang at sibuyas.

"Wow ang galing mo naman".

"Eh ikaw?"

"Nag-aral ako sa isang culinary class in Spain pero isang taon lang ay natigil na ako dahil namatay-----" nanlaki ang mga mata ko, muntik ko nang masabi sa kanya.

"Mamatay ang?" nakatingin pa ito sa akin.

"Ah...eh yung chef na nagtuturo samin ,hehe." napakamot pa ako sa ulo.

That Pervert GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon